SEVI
Mabagal lang ang lakad ko papasok sa restaurant. Ayaw kong madapa at nakakahiya, first date ko pa naman to. Binuksan ng staff ang pinto, pagpasok ko pa lang ay isang napakagandang music ang sumalubong sa'kin. Make You Feel My Love ni Adele piano version. Hala bakit naging romantic ang ambiance dahil ba sa kanta?
Inikot ko ang paningin ko, walang katau-tao sa restaurant. Walang laman ang mga lamesa. Kami lang ba ang customer? O baka hindi talaga mabenta sa tao ang restaurant na to?
Biglang lumitaw si Alexander sa harap ko muntik pa akong magulat. Pero mas nakakagulat ang itsura niya. Nakakapanibago, ang linis tingnan ng mukha niya. Binawasan niya ang balbas at bigote niya, at nagpagupit din siya ng buhok. Nakasuot siya ng simpleng black suit na bumagay sa itsura niya. Ang gwapo niya ngayon. Bakit ngayon ko lang napansin?
"Love the view babe?" Tanong niya sa'kin na nakapagpabalik sa sarili ko. Natulala pala ako sa mukha niya.
"Nakakapanibago, ang linis ng mukha mo" biro ko sa kaniya. Minsan sinasabi kong mukha siyang ex con pero ngayon nag-iba. "Binibiro lang naman kita about sa balbas at sa bigote mo."
"It's okay babe" bulong niya sa tainga ko. Shit, ganitong-ganito yung sa panaginip ko. Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. "Gusto kong nakikita kang nasosorpresa. Because I love surprising you."
He hold my hand and intertwined our fingers. "Nasorpresa talaga ako sa itsura mo" honest kong pag-amin.
Tumigil kami siya sa paglalakad at humarap sa'kin. "You are so beautiful love. Even without that make up, you still caught my attention." Hinaplos niya ang pisngi ko at hinalikan ako sa noo.
"Pasimple ka!" Hinampas ko siya ng mahina sa balikat. Ang akala ko ay hahalikan niya ako sa labi, sa noo lang pala nag-expect ako masyado. Nginitian niya lang ako ng mapang-asar.
Inakay niya ako patungo sa table namin. Sa loob ng restaurant ang view ay ang beach na kitang-kita dahil sa glass wall. Hinila niya ang upuan ko, naupo ako at naupo siya sa harap ko.
Ang ganda ng paligid, I was not expecting na ganito pala ang date. The ambiance, the view and the man in front of me is perfect. I was not expecting na ang lalaking una kong nakilala na kinamumuhian ko ay biglang nag-iba sa paningin ko. Am I starting to like him?
"Bakit ganyan ka makatingin? Do you like me?" Tanong niya.
Ngumiwi ako para hindi mahalata ang pagtitig ko sa kaniya. "Hindi ka na mukhang ex-con. Ang tino mo sa paningin ko."
"So, are you starting to like me?" Tanong niya ulit sakin.
"Hindi" sagot ko sa kaniya.
"Love, I can see it in your eyes. The amusement and the way you looked at me the moment you saw me in front of you." Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa mesa. Dinala niya ito sa bibig niya at hinalikan. "Hindi kita pipilitin na sabihin sa akin na gusto mo rin ako. Masaya ako na kasama kita ngayon."
Hindi ko alam pero napangiti ako sa sinabi niya. Kinikilig ba ako? Bakit nakikiliti ang tiyan ko na hindi ko alam? "Gutom na ako." Palusot ko sa kaniya.
"Iniiwasan mo ang topic ko love" wika niya. Napansin niya pala pero he still ignores it. Tumawag siya ng waiter para sa foods namin.
"By the way, that song earlier that's my favorite song" sabi ko. Nagustuhan ko talaga ang kanta, napakaromantic ng entrance ko. Matagal na ang kantang yun pero isa iyon sa pinakapaborito ko.
BINABASA MO ANG
IMPRINTED TO YOU
General FictionA story of a mafia boss who falls in love with a mysterious girl. A girl whose identity has been hidden because of a conflict situation. Being a daughter of a rich politician and had the highest position in the country, her identity was hidden beca...