Chapter Eighteen

390 11 0
                                    

THIRD PERSON'S POV



Ala una ng madaling araw, handa na ang grupo nina Sevi para sa pagpunta sa Airport pauwi ng Pilipinas. Nasa baba na ang lahat, siya na lang ang hinihintay.




"Madam, tara na po. Pinapasundo na po kayo ni Boss Lance" sabi sa kaniya ni Debby.




"Ah sige" sagot niya.




Bitbit ang mga personal niyang gamit ay sumunod siya dito. Nasa loob na ng sasakyan ang lahat. Tumabi siya sa kapatid niya na natutulog.





"Aalis na tayo" wika ni Lance.




Napapikit na lang siya ng mata dahil sa antok at pagod. Gusto niya ding ipahinga ang sarili muna. Marami ang nangyari kaya pinili niyang matulog din kagaya ng kapatid niya.





Pagdating sa airport ay dire-diretso silang pumasok. Matapos silang macheck sa immigration ay nagtungo sila sa private plane ng ama niya. Wala na siyang lingon likod at umakyat na sa loob ng eroplano.





Natulog muli ang kapatid niya, kaya siya ay pumikit din. Ang kasawiang nangyari dito ay mananatili lamang dito bilang isang napakagandang alaala, sabi ng utak niya.






SAMANTALA!






"Boss!!!!" Nagmamadaling sigaw ni Gavin nang nasa pintuan pa siya ng silid ng amo niya. "Boss gising!" Tinulak niya ang pinto.





"Ang ingay mo!" Saway nito sa kaniya.  "Alam mo ba kung anong oras pa lang?"






"Boss, umalis na sina Sevi!" Sagot nito. "Boss papunta na silang airport!"





Napabangon si Alexander, humila siya ng kahit anong damit pantaas at sinuot iyon. "Tara na!" Aya niya dito. Kahit naka-tsinelas lang silang dalawa ay tumakbo sila palabas ng bahay.






"Tatawagan ko yung  airport manager para dire-diretso tayong papasukin" wika ni Gavin. Tumango lang si Alexander sa kaniya. Ang nasa isip niya ay ang maabutan niya sina Sevi.





Nawala ang antok niya habang nagmamaneho siya papunta sa airport. Mahigpit naman ang kapit ni Gavin sa upuan niya dahil halos paliparin na ng amo niya ang sasakyan nila.




Dire-diretsong pumasok sila sa airport dahil nakontak naman nila ang manager. Binigyan sila ng sasama sa kanila.




Nakita nilang may lumipad na eroplano.





"That is the only private plane here!" Turo ng kasama nila sa kakalipad lang na eroplano.






"Private plane? Who is the owner?" Tanong ni Alexander.





"I have no idea"  sagot nito. Muntik nang mapamura si Alexander dahil wala siyang nakuhang matinong sagot





"I-check natin sa mga CCTV boss" aya ni Gavin dito.




Pumunta sila sa CCTV area. Inumpisahan nila sa mga pumasok sa oras na yun, nakita nila ang grupo nina Sevi na napapalibutan ng mga lalaki kagabi. Dire-diretso ang mga ito patungo sa immigration at diretso na sa runway kung saan nandoon ang private plane nito.




Napasabunot na lang sa sariling buhok si Alexander, sa ikatlong pagkakataon ay hinayaan niyang umalis si Sevi.




"Gavin!" Walang lakas niyang aya dito. Nauna siyang lumabas at dumiretso sa sasakyan nila.





IMPRINTED TO YOU Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon