Nakatitig pa rin siya sa mukha ni Alexander na blangko ang expression. Panay patak ang luha ni Sevi habang nakatingin dito.
"Don't cry" utos ni Alexander sa kaniya sabay punas sa pisngi niya.
Pinilit nitong bumangon kahit kumikirot ang tagiliran nito. Ininda niya ang sakit.
"Sevi!" Sabay na sabi nina Mavi at Alexander.
Hindi niya ito pinansin, titig na titig pa rin siya sa mukha ng lalaki. "I'm sorry" hingi niya ng tawad dito. Hinila niya ang kamay na hawak ni Alexander.
Nagulat si Alexander sa ginawa niya. "Sevi." Ang pangalan lang nito ang nabanggit niya dahil sa gulat sa ginawa nito.
"I'm sorry Alexander." Iyak nito sabay abot para yakapin siya. "I'm sorry." Kahit may sling ang kaliwang kamay nito ay nagawa nitong yakapin siya gamit ang kanan.
"What are you talking about?" Nagtataka niyang tanong. Yinakap niya din ito. Panay pa rin ang hagulhol nito sa dibdib niya. Mas isinubsob nito ang mukha niya sa dibdib niya.
"I'm sorry" hingi uli nito ng tawad habang umiiyak.
"Sevi" nag-aalalang wika ni Mavi.
Hindi nito pinakinggan ang kapatid. Patuloy lang ito sa pag-iyak sa dibdib ni Alexander. "I'm sorry. Sa lahat ng pwede kong makalimutan ay ang mga bagay pa na mahalaga sa'kin. I'm sorry kung kinalimutan kita. I'm sorry for making you wait. I'm sorry hindi ko sinasadyang kalimutan ka." Mas lalong lumakas ang iyak nito.
"Wala kang dapat ihingi ng tawad love. I'm still here, hindi na kita iiwan" sagot niya dito para tumahan na ito sa pag-iyak. Maging siya ay nag-aalala sa nangyayari dito.
"I'm sorry" iyak niya pa din dito.
Maging si Mavi ay natagalan na sa pagtawag ni Gavin sa doctor. Mabilis siyang lumabas at iniwanan ang dalawa para sundan ito.
"You're bleeding" wika ni Alexander. Dun lang napansin ni Sevi ang dugo sa damit niya. Kasabay nu'n ay ang pananakit ng tagiliran niya. The pain is unbearable na parang hinihiwa ang parteng iyon ng katawan niya. "Parating na rin naman ang doctor."
"Sevi!" Pumasok sina Mavi at Gavin kasama ang doctor at mga nurses.
"Bibitawan muna kita para macheck ka ng doctor. At matingnan ang sugat mo" malumanay na paalam ni Alexander sa kaniya. Tumango siya at dahan-dahan na lumuwag ang yakap niya dito.
Lumayo sila ng konti habang inaayos ng babaeng doctor ang benda sa tagiliran niya. Napapapikit na lang si Sevi sa hapdi tuwing nadidiin ng konti ang paglapat ng doctor dito.
Inutusan sila ng doctor na lumabas muna dahil kailangan nilang palitan ang suot na damit ni Sevi dahil nabahiran ito ng dugo. Si Mavi lang ang nagpaiwan para tumulong.
After a while ay pinabalik din sila nang matapos na. Tapos na rin nilang palitan ang benda nito maging ang nakapulupot sa ulo nito.
"Doc Saavedra, huwag niyo po munang piliting gumalaw. Sariwa pa po ang tahi niyo sa tagiliran kaya kapag pinilit niyo ay baka bumuka ulit at magdurugo" paalala ng doctor.
"Thank you" malumanay niyang sagot dito. Nagbilin pa ang doctor kina Mavi at Alexander tungkol sa mga hindi dapat gawin ni Sevi bago ito lumabas.
"You have to rest first" wika ni Alexander sa kaniya.
"I think I have enough rest." Ngumiti ito sa kaniya. Nakaupo na ito at nakasandal sa head board ng kama niya. Titig na titig ito sa mukha ni Alexander habang nakangiti. Kinakabisa nito ang mukha niya.
BINABASA MO ANG
IMPRINTED TO YOU
Fiksi UmumA story of a mafia boss who falls in love with a mysterious girl. A girl whose identity has been hidden because of a conflict situation. Being a daughter of a rich politician and had the highest position in the country, her identity was hidden beca...