Chapter Twenty Three

403 12 0
                                    

Lumingon silang dalawa sa pumalakpak.




"Ayos din." Natatawa nitong wika. "Boss!"





"Sev!" Bati ni Toffer dito.






"Kilala ba kita?" Sagot niya kay Toffer.







"Ang lapad pala ng hospital na to!" Bulalas ni Gavin. "Muntik na kaming maligaw."






"Actually kina Sevi to" sagot ni Toffer sabay takip ng bibig. "Wala kayong narinig." Isang masamang tingin ang binigay ni Sevi kay Toffer.







"Magsama nga kayong tatlo!" Naiinis niyang wika sabay talikod dito at mabilis na naglakad.







"Sevi!" Tawag ni Alexander sa kaniya. "Huwag kayong susunod!" Utos niya sa dalawa.






"Boss!" Isang nakakamatay na tingin ang binigay niya dito bago siya umalis para sundan di Sevi.







"Sevi!" Tawag niya ulit dito.






"Ano na naman? Tantanan mo nga ang kakasunod sa'kin" utos ni Sevi sa kaniya.






Hinawakan niya ito sa braso para pigilan sa pagtakas sa kaniya. "Sandali lang."






"Sige subukan mo sisigaw ako ng rape!" Banta ni Sevi sa kaniya.






"Go hindi kita pipigilan" hamon niya dito. Tiningnan lang siya ng masama ni Sevi. "Hindi mo kaya?"







"Hudas ka talaga!" Gigil na gigil nitong sabi sa kaniya.






"Pero mahal mo?" Tukso niya dito.







Wala na itong masagot dahil tama ang sinabi niya. Pilit na hinihila ni Sevi ang kamay niya pero hindi siya nito binibitawan.






"Bitawan mo ang kamay ko, may tumatawag sa cellphone ko!" Utos niya.






Binitawan niya naman, kinuha ni Sevi ang cellphone niya sa bag.







"Ate!" Bungad agad ng kapatid niya.








"Rovi? Bakit?" Tanong niya dito.







"Papunta na ako dyan sa hospital, hintayin mo ako. Bale nagtaxi ako dahil tumakas ako kina Kuya Renz. Nandito na ako" sagot nito. "Hintayin mo ako, pag-ako dinumog ng press isusumpa kita."







"Oo, hihintayin kita sa Lobby" pagsang-ayon niya.








"Wag sa lobby, basta text na lang kita. Bye." Pinatay nito ang tawag.








"Iwanan mo na ako dito baka makita ka pa ni Rovi" mahinahon niyang utos kay Alexander.








"Kakausapin ko ang kapatid mo" sagot niya.








"Galit yun sayo kaya please wag na" pakiusap niya.







"I'll talk to him to make things clear" sagot ni Alexander. "Ayokong malayo sayo Sevi that's why I'm here in the Philippines, sinundan kita.."








"Bakit ang tigas ng ulo mo?" Tanong ni Sevi dito. Nauubusan na siya ng pasensya dito.








"Basta para sayo makikipagmatigasan ako ng ulo" sagot nito.







IMPRINTED TO YOU Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon