Chapter Thirty Three

372 11 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

Maagang nagising sina Alexander at ang mga lalaki. Sina Sevi at Mavi ay mas naunang bumangon sa kanila. Sigurado siyang naiinis pa rin sa kaniya ito dahil hindi niya ito kinampihan kagabi at tinulungan pa niyang mang-asar.

"Wanna watch a practice game outside?" Tanong ni Rovi sa kanila. Mas nauna pang nagising ito sa kanila para magjogging kasama si Lance. "Bumaba na ba sina Ate?"

"Hindi pa" sagot ni Gavin na nagkakape.

"Napikon yun si Ate Mavi kay kuya Lance at si Ate Sevi naman kay Kuya Alexander. Good luck na lang sa inyong dalawa" pang-aasar nito habang paakyat sa hagdan.


"Hindi mo kasi kinampihan kagabi boss" sabi sa kaniya ni Gavin.


"Manahimik ka! May kasalanan ka pa sa'kin!" Banta niya dito. Naalala niya ang pagkabitin niya kagabi dahil dito. Muntik ng sumakit ang puson niya kagaya ng sinabi ni Sevi sa kaniya kagabi.


"Malay ko bang gumagawa kayo ng milagro" pabulong na sagot ni Gavin.


Pinalo niya ito sa likod. Napaubo ito dahil sa ginawa niya. "Tara na mag-almusal na tayo" aya niya dito. Kailangan pa niyang suyuin si Sevi kundi ay baka lumalala pa ang tampo nito sa kaniya.


"Sabi niyo tulog pa sina ate?" Nagtatakang tanong ni Rovi. "Wala na sila sa kwarto."



"Kambal, nakita niyo ba sina Mavi at Sevi?" Tanong ni Toffer sa dalawa na abala sa paglalaro sa cellphone.



"Maagang nagising ang dalawa, mga five siguro" sagot ni Duke.


"T'saka alas nuwebe na to hindi gumigising ng late ang dalawang yun " dugtong ni Prince.


"Hinahanap mo ba sina Mavi at Sevi?" Tanong ng bagong pasok na si Lance. Nakakunot noo pa ito at hindi maipinta ang mukha.


"Where is Sevi?" Tanong ni Alexander.


"Sa labas nanonood sa mga nagpapraktis na volleyball player" sagot ni Lance. "Gumalaw ka na diyan bago ka pa makakita ng kaagaw at gulo ngayong araw."


"Holy sh*t!" Mura niya. Naalala niya ang pinag-usapan nila kagabi, ang tungkol sa super crush nito.



Inubos niya lang ang kape at mabilis siyang lumabas. Sumunod sa kaniya sina Toffer, Gavin at ang kambal. Maging si Lance ay sumunod na din.


"Sevi!" Tawag niya dito. Hindi siya nito nilingon pero alam niyang narinig siya nito. Nakita niyang nakatutok ang mga mata nito sa mga naglalaro ng volleyball sa buhanginan. "Sevi!" Lumapit na siya pero lumayo ito at lumipat ng pwesto.


"Away na to" natatawang sabi ni Toffer.



"Mavi!" Tawag din ni Lance dito.

"Manahimik ka busy ang mga mata namin sa maagang pandesal at sa magagandang tanawin sa aming harapan" sagot ni Mavi dito. Tutok na tutok ang mga mata nito sa mga naglalaro. "Baby! Stanley!"


"Sabi mo?" Tanong ni Lance nang marinig niya ang sinabi nito.


"Baby ko yang si Stanley, dating player sa university!" Tinuro nito ang isa sa mga lalaking naglalaro.



"Sevi, I'm talking to you." Lumapit siya kay Sevi. Hindi siya makapagtiis na hindi ito makausap.


"Psssshhh tahimik, busy din ako!" Saway nito sa kaniya. "Chua! Si Henry!" Hinila nito si Toffer at kinikilig na nakatingin sa court sa mga naglalaro.

IMPRINTED TO YOU Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon