Five months have passed after that incident. All went well, bumalik na sa normal ang buhay nila lalo na ang kay Sevi. They're relationship is getting stronger each and everyday.
"Salamat naman at balik na sa normal ang lahat" bulalas ni Rovi.
"You're right brother" sagot ni Sevi sa kapatid.
"Nakalabas na ba si Lance? Parang pinatawag siya ni dad kanina?" Tanong ni Javi sa mga kasama.
"Hindi pa" sagot ni Rovi.
"Nga pala Alexander, di ba nagpaalam ka kay Daddy na papakasalan mo na si Sevi?" Pabirong tanong ni Javi dito.
Napatingin lahat sa pwesto niya. "Hindi pa, imbento ka" tanggi niya dahil masama ang tingin sa kaniya ni Mavi. "Ang pinaalam ko kung pwede ko bang ayain si Sevi na magbakasyon."
"At saan mo naman ako aayain na magbakasyon?" Malambing na tanong ni Sevi sa kaniya.
"Kasama kami" sagot ni Toffer. "Yun ang paalam mo di ba?"
"Bakit sumasali ka?" Pinanlisikan niya ng mata ang kaibigan. "Usapang magjowa to, ang basted manahimik."
Tinawanan siya ng kambal at ni Gavin. "Tatahimik na nga."
"So ano yun love?" Malambing niyang tanong.
"Basta sasabihin ko na lang sayo kapag pumayag na si Tito." Nakangiti nitong sagot sa kaniya.
Napasimangot si Sevi sa kaniya. "May pasuspense ka pang nalalaman."
"Nakakabanas talaga kayong dalawa nuh. Pwede bang mag-excuse muna kayo sa mga single" utos sa kanila ni Toffer. "Ako, si brod Rovi, si brod Gavin at ang kambal, single kami wag naman ganu'n. Magkaibigan tayo pero"
"Sorry naman" sagot ni Sevi dito.
Nag-asaran at kulitan lang sila doon sa sala ng bahay nina Sevi. Lahat sila ay parte na ng pamilya nito. Panay pa rin ang lambingan nina Sevi at Alexander kahit na nababanas na si Toffer sa kanila.
Hindi nagtagal ay magkasabay na dumating ang parents nila at si Lance. Maliwanag ang mga mukha nila at masaya itong nakatingin sa kanilang lahat.
"Dad gusto naming magbakasyon" wika ni Rovi. "Miss ko na pong magswimming at magtampisaw sa dagat."
"At ibilad ang nakakabanas niyang katawan sa mga babae" pabirong sagot ng kambal. Isang masamang tingin ang ipinukol niya sa mga ito kaya nanahimik ang mga ito.
"So what do you want?" Tanong ng mommy nila.
"Mommy vacation" singit din ni Sevi. Tumayo siya at kumapit sa braso ng ina. "Plano kong ilibot si Alexander mula Batanes hanggang Jolo." Paglalambing niya dito.
Natawa sila sa sinabi nito. "Kaya mo?" Hamon ni Javi sa kaniya.
Hindi niya pinansin ang sinabi ng kuya niya. "Dad, baka naman" paglalambing naman niya sa ama.
"Sure, saan niyo gusto?" Nakangiting tanong ng ama nito.
"Palawan!" Sabay-sabay pa nilang sagot.
"Sige" sagot nito.
"Yehey!" Parang mga batang hiyawan nila.
Bumalik siya sa tabi ni Alexander. "Vacation with them is the best."
"Gusto ko tayo lang" mahinang bulong ni Alexander sa kaniya.
"Tito, iba ang plano ng dalawa. Honeymoon ang plano nila" sumbong ni Toffer.
"Siraulo!" Sabay nilang saway kay Toffer.
"Let Mavi decide for the schedule. Hindi na kami sasama. Ewan ko lang kina Javi at Jasmine kung sasama sila" wika ng daddy nila.
BINABASA MO ANG
IMPRINTED TO YOU
BeletrieA story of a mafia boss who falls in love with a mysterious girl. A girl whose identity has been hidden because of a conflict situation. Being a daughter of a rich politician and had the highest position in the country, her identity was hidden beca...