SEVI
Tulog na ang mga tao nang makauwi kami ni Kuya Lance ng mansiyon. Dire-diretso ako sa kwarto ko pero pagbukas ko ng pinto ay naabutan ko si Rovi na binubuksan ang regalo ni dad.
"Pasaway ka talaga!" Binato ko siya ng tsinelas ko pero naiwasan niya.
"Ganda naman ng gift ni dad" bulalas niya. "Baka naman." May pinaplano na naman siyang masama sa regalo ni dad sa'kin.
"Nauna ka pang magbukas!" Inagaw ko sa kaniya. Bagong camera ang bigay niya sa'kin. "Pabili ka!"
"Baka naman, pahiramin mo ako. Binabantayan ko yan eh, limited edition lang yan tapos bagong labas pa" pagpaparinig niya.
Hinawakan ko siya sa kamay at hinila patayo. "Labas na at matutulog na ako. Maaga ka pa bukas para sa review mo!"
"Ate!" Pakiusap niya.
"Good night bunso!" Tinulak ko siya palabas at nilock ang pinto.
Niligpit ko ang mga regalo nila sa'kin at pumasok ako sa banyo para maghalf bath. Matapos ay lumabas ako at napaupo sa upuan ko. Kinuha ko sa drawer ang bigay ni Rovi na nakapicture frame na picture ni Alexander.
"Crazy f*ck!" Kinausap ko ang mukha niya.
Napangiti ako at napahawak sa labi ko. F*ck! Why am I feeling this? Namiss ko ba ang halik niya? Syeeet buti hindi ako gumanti kundi baka isipin niya na sabik na sabik ako sa kaniya. Ang lakas pa rin ng kabog ng puso ko dahil sa kaniya. Nakakainis! Mahal ko pa rin siya!
Tumunog ang cellphone ko, si Toffer ang tumatawag. Ang siraulo nakipagsabwatan pa talaga siya sa Hudas na yun! Bahala siya sa buhay niya! In-off ko ang cellphone ko para manahimik na. All this time magkasabwat pala ang dalawang yun. Nagpalit na siya ng best friend, pinagpalit niya ako kina Alexander at Gavin.
At ang Alexander na yun, sinabi niya sa'kin na mahal niya si Iris. Tapos sasabihan niya din ako na ako pa rin ang mahal niya. Ginawa niya ba yun para saktan ako? Hindi! Humanda siya sa'kin!
"Ate!" Katok ni Rovi.
Lumapit ako sa pinto at binuksan siya. "Ano?"
"Happy birthday!" May iniabot siya sa'king nakabalot na box. "Joke Lang yung kanina, ito talaga ang totoo. Baka sabihin mo buraot ako."
"Ang galing nga ng regalo mo sa'kin. Napasaya mo ako sobra" sarcastic kong sagot. Tinanggap ko ang bigay niya.
"Nyeeeeehhh mahal niya pa!" Tukso niya sa'kin. "Kapag nakita ko ulit yun, papasalubungan ko ulit siya ng isa pang kamao."
"Dami mong sinasabi!" Tinulak ko ang mukha niya. "Thank you bunso."
"Good night ate" paalam niya. "Wag kang mag-alala ikaw pa rin ang mahal nu'n. Mas maganda ka pa rin kahit kanino. Kahit sa babaeng sinasabi niya na mahal niya."
"Thank you pero hindi ko pa rin ipapahiram sayo ang bigay ni daddy. Good night." Sinara ko na ulit ang pinto. Narinig ko siyang nagmura, natawa na lang ako.
Naupo ako sa kama at binuksan ang regalo niya. Napangiti ako nang makita ito. Key chain na teddy bear na may personalized name ko. Ang dami ko ng natanggap na key chain galing sa kaniya. Lahat na lang ng regalo niya sa'kin puro key chain.
Inilagay ko ito sa drawer ko. Isasara ko na sana nang makita ko ang box na ang laman ay ang bracelet na binigay ni Toffer na kahawig ng bigay ni Alexander sa'kin noon. Kinuha ko ito at tinitigan, kung hindi ako nagkakamali ay ito din iyon at baka pinabigay lang niya sa'kin.
BINABASA MO ANG
IMPRINTED TO YOU
General FictionA story of a mafia boss who falls in love with a mysterious girl. A girl whose identity has been hidden because of a conflict situation. Being a daughter of a rich politician and had the highest position in the country, her identity was hidden beca...