SEVI
Lumipas ang Valentines Day, grumaduate na si Rovi, matagal na pala nang iwanan ko si Alexander. Araw-araw hindi siya mawala sa isip ko. Wala na ding nakukwento sa akin si Toffer kung nagmemessage pa sa kaniya si Gavin. Hindi na rin kami nakapag-usap dahil sa pagiging busy namin.
Ilang buwan na ang lumipas, araw-araw ko siyang namimiss. Nangungulila pa rin ako sa kaniya. Walang oras na hindi ko siya naiisip. Kahit na i-abala ko ang sarili ko sa trabaho ay naiisip ko pa rin siya.
Ilang araw na lang ang bibilangin, eleksyon na. Magkakaalaman na kung sino ang susunod na magiging President. Anim ang tumatakbo pero ang pangalan ni daddy ang pinakamatunog na mananalo. Pero si Villarreal, hindi niya pa rin ako tinatantanan na baliw daw ako at magpalabas daw ng medical record ang pamilya namin. Siraulo ba siya, ano ang kinalaman ko sa eleksyon?
Alas dose na ng gabi, kakarating ko lang bahay dahil sinamahan ko si Mommy sa bahay ng mga kapatid niya. Gusto ko ding makita ang mga pinsan ko.
Pagpasok ko sa kwarto ko ay naabutan ko si Rovi na may kausap sa cellphone.
"Si ate nandito na wait lang." Narinig kong paalam niya dito.
"Sino yan?" Tanong ko.
"Si kuya Toffer" mahinang sagot niya. "Gusto ka daw niyang makausap."
Binigay niya sa'kin ang cellphone niya. "Hello, Toff si Sevi to."
"Sev, namiss kita" bungad niya agad.
"May kailangan ka?" Diretso kong tanong sa kaniya. Andami pa kasing pasakalye. "Magsalita ka na?"
"Nakakahiya" sagot niya. May mali na naman sa taong ito.
"Wag kang mahiya, ano yun?" Tanong ko.
"Baka magalit ka?" Nag-aalangang sagot niya. Malaki siguro ang problema nito kaya hindi makapagsalita.
Nilayo ko muna ang cellphone sa tainga ko. "May alam ka ba?" Tanong ko kay Rovi. Umiling lang siya bilang tugon. "Hello, ano na sabihin mo? Tutulong ako kahit ano."
Narinig kong bumuntong hininga siya. "Sev, kailangan ko kasi ng pera. Bubuhatin na yung sasakyan ko."
"What do you mean bubuhatin?" Tanong ko. "Unpaid ba ang sasakyan mo?"
"Over due na, ilang buwan ko ng nalagpasan ng di nababayaran. Akala ko naman kasi may pera pa ako, yun pala sina mom at dad kasi eh. Alam mo na ang ginawa nila" problemado niyang kwento.
"Bakit hindi ka nagsabi noon? Willing naman ako magpahiram" sagot ko sa kaniya. Napatingin ako kay Rovi, nanlalaki ang mga mata niya sa sinagot ko. "Siraulo ka kasi, sinosolo mo ang problema."
Nakita kong sumenyas si Rovi. "Ate huwag!"
"Wait lang Toff, may sinasabi kasi si Rovi" paalam ko sa kaniya sandali. "Anong sinasabi mo?" Tanong ko sa kaniya.
"Ate tumawag si Tita Flor, sabihan daw kita na huwag papahiramin ng pera si Kuya Toffer dahil kung saan-saan niya lang daw ginagastos. Mabuti na daw na kunin yung sasakyan niya" warning sa'kin ni Rovi. "Baka narinig niya."
Sinenyasan ko siya na ako ng bahala at manahimik na lang. "Toff, are you still there?"
"Narinig ko." Malungkot niyang sagot. "Okay lang Sev, naiintindihan ko."
BINABASA MO ANG
IMPRINTED TO YOU
Aktuelle LiteraturA story of a mafia boss who falls in love with a mysterious girl. A girl whose identity has been hidden because of a conflict situation. Being a daughter of a rich politician and had the highest position in the country, her identity was hidden beca...