Chapter Twenty Seven

409 8 0
                                    

SEVI

Everything is settled, tanggap nila si Alexander wala ng problema sa kanila. It's official, kami na ulit. He is officially welcome to our family.

"Masaya tayo ah" wika ni Rovi. Kami na namang dalawa ang naiwan dito sa bahay. Mamaya pa akong hapon pupunta sa hospital.

"Kasi bunso syempre tanggap na ninyo si Alexander." Nakangiting sagot ko sa kaniya.

"Tama pala si Kuya Toffer nuh? Nakakasuka pala makakita ng mga ganyan lalo na ikaw. Ehhhhhh, hindi ako sanay." Nag-arte pa siyang nasusuka. Binatukan ko nga para tumigil.

"Wala kang review ngayon?" Tanong ko sa kaniya.

"Wala, pahinga muna" sagot niya. "Wala kayong date ni Kuya Alexander?"

"Maaga pa" sagot ko. Masosorpresa na lang ako baka nand'yan na siya bigla.

"Pero may plano, iba din" tukso nito. "Sabagay hindi din naman tutol ang mga matanda, hayaan na natin. Pero ate, unahan niyo kaya sina Kuya Lance at ate Mavi."

"Pag ako sinapak ni Prof ikaw sasapakin ko" ganting banta ko din sa kaniya.

"Nga pala, aalis ako. Ipapasyal namin si Gavin sa buong Kamaynilaan para hindi siya maligaw" paalam niya sa'kin. "Wala ding klase ang kambal kaya kaming tatlo ang nagprisinta."

"Sige enjoy niyo yan" sagot ko. "Aakyat muna ako sa kwarto. Maghahanda na lang ako sa mga dadalhin ko mamaya."

Iniwanan ko siya sa sala. Noong isang araw lang kami huling nagkita ni Alexander pero ngayon namimiss ko na agad siya. Mabuti pa noong nasa France kami, iisang bahay lang kaya araw-araw nagkikita kami.

Hinanda ko ang mga dadalhin ko. Ako ang naatasan ni daddy sa mga biktima ng nagdaang aksidente. Okay na si Calix, nagpapagaling na siya. Yung mama na may malalang injury ay okay na din. Nakakausap ko na siya pero ang mga nabaling parte ng katawan niya ay matagal-tagal pa bago gumaling.

Handa na ang lahat ng dadalhin ko. Si Kuya Lance na lang ang hinihintay ko para may kasama ako at driver. Hindi kasi pumapayag si daddy na wala akong kasama kapag lumalabas.
Dala ang gamit ko ay bumaba ako.

Nagtataka ako dahil may kausap si Rovi. Akala ko nakaalis na to? Nandito pa pala siya.

"Ate, surprise!" Sabi niya nang makababa na ako.

"You're here!" Nakangiti kong wika nang makita ko si Alexander. Yinakap niya ako at hinalikan sa noo.

"Ang sakit sa mata!" Reklamo ni Rovi. "Maghahanda na din ako susunduin ako ng kambal" paalam niya sa'min.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kaniya.

"Namiss kita" sagot niya. "Ako na ang sasama sayo. Nagpaalam na ako kay Tito, pinayagan niya akong samahan ka."

"Sure ka?" Biro ko sa kaniya.

"Oo, nagpaalam ako" sagot niya. "Ako na ang magbibitbit niyang dala mo. Sasamahan kita kung saan ka magpupunta." Kinuha nito ang bitbit niya.

Magkahawak kamay kaming lumabas ng bahay. "At bakit ka naman sasama sa'kin?" Curious kong tanong.  Pinagbuksan niya ako ng pinto at nilagay niya sa backseat ang mga dala ko. Sumakay siya sa driver's seat. Hindi pa din niya sinasagot ang tanong ko. "Love, hindi mo sinasagot ang tanong ko."

Ngumiti siya sa sinabi ko. "Say the first word first."

"Love?" Ulit ko. "Ayaw mo?"

"Gusto ko" sagot niya.

"Sagutin mo na ang tanong ko" sabi ko sa kaniya.
"Love" dugtong ko.

Natawa na naman siya, hindi nagpapahalata na kinikilig siya. "May sinabi sa'kin si Chris kaya ako nandito."

IMPRINTED TO YOU Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon