SEVI
Tatlong araw ang lumipas nang magkaaminan ng feelings. Kinulit ko si Gavin kung ano ang mga pinagsasabi ko noong nalasing ako, sinabi niya sa'kin lahat. Thank God at wala naman akong nasabi tungkol sa pamilya ko. Atleast hanggang ngayon ay sikreto pa rin iyon.
Naging extra sweet na ang mokong sa'kin kung kailan naging kami, dun lang natutong manligaw. Pero masaya ako dahil sa mga pinapakita niya. He's so sweet, caring and kind.
"Love!" Tawag ni Alexander sa'kin.
"Ano yun?" Tanong ko.
"Tara may pupuntahan tayo" sabi niya.
"Magpapalit lang ako" paalam ko.
"No that's fine. Ayaw kong may ibang titingin sayo" sagot niya. Napakapossessive namang boyfriend to pero okay lang d'yan ko naman siya nagustuhan.
Sumimangot ako. "Tara na nga." Lumabas kami ng bahay at dumiretso sa sasakyan niya. " Where to?" Tanong ko.
"Surprise" sagot niya.
"Tayo lang?" Tanong ko.
"Yes" sagot niya.
Sa araw-araw naming pumupunta sa siyudad nasanay na ako na hindi gawin ang mga nakagawian ko. I feel safe when I'm with him.
Bumaba kami sa harap ng isang jewelry shop. "Ano gagawin natin dito?" Tanong ko.
"Tara sa loob" aya niya. Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob. Sinalubong kami ng manager and as usual habang nag-uusap sila ay wala na naman akong maintindihan.
Nakakalula ang mga alahas dito. Kumikinang ang kulay at dyamante. Mapagold, silver at ibang klaseng mga mamahaling alahas.
"Let's go, pumili ka" sabi niya.
"Are you serious? Hindi utang?" Tanong ko.
Umiling siya, nasanay ako sa pagiging palautang ko dito. Pinasanay niya din kasi. "Hindi ka naman siguro mag-aaya ng kasal?" Pabiro kong tanong sa kaniya.Natatawa siyang umiling. "Hindi pa unless makilala ko na ang parents mo" sagot niya. "I just want to buy a gift for you. Na magpapatunay na para ka lang kay Alexander Montiero." Inemphasize niya talaga ang word na ako ay para sa kaniya.
"You have my heart Alexander Montiero, walang makakaagaw nu'n sayo" biro ko sa kaniya. "Pero if you insist dahil libre, pipili ako. Pwede yung pinakamahal?" Biro ko.
"Anything for my love" sagot niya.
Tumingin ako sa hilera ng mga kwintas, wala akong mapili dahil marami naman akong ganito sa bahay. Mga regalo at pamana ni mommy sa'kin. Kulang na lang ay isangla ni Rovi ang laman ng jewelry box ko kung walang tira sa allowance niya. Tiningnan ko din ang iba pero wala, kanina excited akong pumili pero ngayon hindi na.
"Wala akong mapili" sabi ko sa kaniya.
May nilabas siyang box sa likod niya. "Here, this is personalize." Binuksan niya ito. Isang gold na bracelet na may design na hearts at stars. "You have my heart and you are my star that filled up my empty sky, just like my life. Dati maraming kulang pero nang dumating ka ay pinunan mo lahat."
Sinuot niya sa kamay ko. "Thank you." Yinakap ko siya ng mahigpit. "Ang ganda, kasing ganda ko."
Natawa siya sa sinabi ko. "Wala ng mas gaganda sayo love."
BINABASA MO ANG
IMPRINTED TO YOU
General FictionA story of a mafia boss who falls in love with a mysterious girl. A girl whose identity has been hidden because of a conflict situation. Being a daughter of a rich politician and had the highest position in the country, her identity was hidden beca...