SEVI
Dalawang buwan ang lumipas nang mangyari iyon. Naging limitado din ang mga galaw ko dahil may mga stalker at threats sa buhay namin nang may malaking company na ipinasara ni daddy dahil sa paglabag nito sa batas. Since nang mangyari yun ay madalas na din ang mga nagmemessage at nagpapadala ng kung anu-ano sa bahay.
Dalawang linggo na ang nakalipas nang magpaalam sa amin si Alexander na uuwi muna siyang France dahil may aasikasuhin. Iniwanan niya si Gavin dito. Sila lamang ng mga ilang goons niya ang umalis ang iba ay naiwan kay Gavin. Wala din namang humpay ang tawag niya para kamustahin ako at ang pamilya ko.
"Malungkot ka na naman, malayo na naman ang tingin. Namimiss ang jowa niya" pang-aasar sa'kin ni Toffer. Nandito kami ngayon para mag-attend ng seminar na wala naman kaming kinalaman pero kami ang pinadala ng mga parents namin.
Kami ang pinaattend para gawing magandang example sa iba. Paano magiging magandang example itong si Christoffer Chua?"Manahimik ka d'yan, mainggit ka lang" sagot ko sa kaniya.
Tinawanan niya lang ako ng mapang-asar. "Nga pala, change topic. Napadalhan ka ba ng invitation para sa reunion ng highschool batch natin?"
"Meron na" sagot ko. "Dadalo ka ba?" Tanong ko sa kaniya.
"Malamang, namiss ko din dati nating tropa." Nakangiti niyang sagot.
"Baka nandoon na naman si Kirby, tinatamad akong kaharap yun eh." Kaklase din kasi namin si Kirby noong highschool kaya hindi maiiwasan na magkita kami doon.
"Hayaan mo na siya, takot lang yun kay Alexander eh. Makita lang nu'n si Alexander umaatras na siya" natatawa niyang sagot sa'kin. "Attend na tayo para naman may kasama ako."
Inisip ko din kung dadalo ako. "Sige, dadalo ako."
"Yan, para magkasundo pa lalo tayong dalawa." Ginulo niya ang buhok ko. "Nga pala kailan babalik si Alexander dito."
"Baka next week siguro" sagot ko. Yun ang sabi niya sa'kin after niyang tapusin ang mga ginagawa niya doon ay babalik din kaagad siya.
"Ang hirap bang maging girlfriend ng mafia boss?" Mahina niyang tanong.
Umiling ako. "Hindi, masaya nga eh" proud kong sagot. "Eh ikaw mahirap bang magmove on?"
"Gusto mo talagang mag-away tayo dito nuh?" Banta niya sa'kin.
"Biro lang" sagot ko sa kaniya. "Kailan nga pala ang reunion?"
"Nakatanggap daw ng imbitasyon pero hindi alam kung kailan. Hindi talaga nagbabasa!" Gigil na gigil siya at gusto niya akong batukan. "Sa Miyerkules alas otso ng gabi. Winona's Garden sa Lobo, Batangas."
"Ilang araw na lang pala. Friday, Saturday, Sunday, Monday, Tuesday five days pa pala. Ano motif?" Tanong ko ulit.
"Lahat na lang itatanong mo hindi na magbabasa!" Napatingin sa'min ang ibang nakikinig sa guest speaker. Ngumiti kaming dalawa para hindi mahalata na nagtatalo kami dito. "Walang motif, dumalo ka lang. Sagot na ni Cojuangco ang lahat ng expenses doon. Hindi na natin kailangang magbigay pa."
"Si Cojuangco yung pinakamatalino nating kaklase di ba? Ano na ba trabaho niya ngayon?" Tanong ko.
"Businessman na siya at nakabase sa America ang negosyo niya. Umuwi lang dito dahil namiss ang mga kaklase niya" kwento sa'kin ni Toffer.
"Ah okay, pero bakit bitter ka?" Tanong ko sa kaniya.
"May kasalanan sa'kin ang siraulong yun! Pero wala na din naman sa'kin pero oras na magkita kami ay babatukan ko siya." Nagngising demonyo pa siya.
BINABASA MO ANG
IMPRINTED TO YOU
General FictionA story of a mafia boss who falls in love with a mysterious girl. A girl whose identity has been hidden because of a conflict situation. Being a daughter of a rich politician and had the highest position in the country, her identity was hidden beca...