Chapter 1

4 0 0
                                    

Isang panibagong araw para sa akin. Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa aking classroom nang may tumawag sa aking pangalan.

"Sheena! Sheena!"

Agad kong nilingon ito at agad ring nakilala nang tuluyang makalapit.

"Uy, Carol. Bakit?" Tanong ko agad.

"Nabalitaan mo na ba?" Bungad na tanong naman nito sakin.

Saglit akong nagisip. Hindi makuha ang sinasabi ng kausap... Wala naman kaming assignment? Wala ring program kasi kung meron, dapat alam ko na by now. Kumunot ang noo ko, tanda ng kaguluhan sa aking isip.

"Hayst nako! Sheena... Diba kilala mo si Ate Lovely?" She probed, hindi niya na napigilan.

Kumunot ang noo ko.

Ate Lovely? Hmm...

"Lovely Ramos? Higher grade? Yung nakasama natin sa field?" She probed more, pilit akong pinapaalala.

Ah.

"Yeah, I remember." Sabi ko kapagkuwan.

Minsan namin yun nakasama sa event ng school. Mabait, at hindi mahirap pakisamahan.

"Yun! Naaalala mo pa!" Napa-palakpak pa siya.

"Oh eh ano naman?" Tanong ko nang sa wakas ay makapasok kami ng classroom namin. Well classmate ko tong si Carol, baka lang hindi ko pa nasasabi.

"Sila na!" Eksaheradang pahayag niya.

Sila na? Kinunotan ko siya ng noo para malaman niyang hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

"Naalala mo nung sinabi ni Ate Lovely na may nanliligaw sa kanya?"

Saglit kong inalala ang mga pagkakataong tinutukoy niya. Mahirap alalahanin kung wala ka namang ni katiting na pagkainteres doon pero sumagi sa isip ko na may nabanggit nga ito noon.

Unti unti akong tumango.

"Sinagot niya na yun! Kanina lang... Yiehh kinikilig nga ako eh." May payakap effect pa siya sa sarili niya na ikina ngiti ko. Baliw talaga to.

"Alam mo bang kalat na kalat na yun?Nakakakilig talaga! Pero wag ka—wait no, magugulat ka kung sino yung lalaki..." Sabi niya nang may ngisi sa labi.

Napangiwi naman ako dun. Hindi ko nalang pinansin at inayos nalang ang mga gamit ko.

"Sikat yun eh... Madalas ko naririnig yung pangalan nung lalaki, kaya lang nakalimutan ko." Pagpapatuloy niya.

"Wait lang ah, itatanong ko lang sa iba yung pangalan..." Paalam niya. Nahabol ko pa nga siya ng tingin nung tumakbo pa siya. Chismosa talaga to.

Nagpatuloy ako sa ginagawa nang tapikin ako ni Lyka. Kaibigan ko at seatmate ko rin.

Tinaasan ko siya ng kilay, ngunit ngumiti lang ito. Wala naman atang araw na hindi to nakangiti.

"Musta?" Tanong ko sa kanya nang umupo siya sa katabi kong upuan.

"Okay lang, wala paring ganap." Makahulugang sagot nito kasabay ng pagtawa.

"Ewan ko ba sayo!" Nangiti nalang ako sa nangyayari samin.

"Ayan na si Ma'am!" Nasabi niya nalang. Napatingin ako sa pintuan ng classroom namin at naabutan nga ang pagpasok ng aming guro sa araw na yun.

"Sheena, Alam ko na! Si—"

Napatingin ako sa kaibigan na tumawag.

"Yes, Ms. Diño?"

"—Ay, Ma'am!" Hilaw siyang nangiti nang makita si Ma'am at tuluyan nang naupo sa upuan niya. Natakot siguro kay Ma'am.

CAN WE BREAK UP INSTEAD? (Completed)Where stories live. Discover now