Chapter 11

3 0 0
                                    

Ito na siguro yung sinasabi ni Lyka? Yung hindi ko pinakinggan...

Tang ina. Bulag na bulag ako sa pagmamahal ko sa lalaking to, wala na kong pinapakinggan na iba kundi siya. Sinaktan ko pa mahahalagang tao sa buhay ko. Hinayaan ko pang umabot kami sa puntong ganito.

Pero naisip ko... Diba desisyon ko to? I had a choice then, but i choose this. Loving him despite the flaws. Grabeng buhay naman ito. Ganito ba talaga magmahal? Tang ina naman palang pagmamahal to... Nangsasaksak. Nandudurog. Nang uubos.

Konting saya, buong pagkatao mo ang kapalit.

I wanted to blame someone else, pero alam kong sa huli... It still me, who choose this... Ako pa rin...

Grabe naman Dave... Ito ba talaga ang gusto mo? Bakit kailangan mo tong gawin sakin ng paulit ulit? Bakit naman ganon? Lagi nalang? Nananahimik na nga ko noon, tapos ginulo mo ko... Tapos ngayon... Ganyan?

Tahimik lang akong umiiyak mag isa sa kinaroroonan ko, masakit na pinapanood sila, pilit nilalabas lahat ng sakit nang bigla nalang may humatak sakin sa kabilang banda ng magandang hardin ng skwelahan na ito. I'm too weak to fight the person. Sobrang hina na hinayaan ko lang kung sino man siya na hilahin ako at tanggalin sa lugar na yon. Nakayuko lang ako habang umiiyak. Hinahayaang mag sink in sakin ang lahat.. Ang lahat ng kagaguhang ito... Lahat ng pagkakamali ko... Lahat ng pinaniwalaan at pinaglaban ko pero nauwi lang lahat sa....

Naisip ko na, Na tanga lang siguro talaga ako. Uto uto... Marupok ganon... Hindi nag iisip... Walang ibang naging hangad kundi ang tuluyang sumaya kaya sa huli ay nasasaktan pa rin. Ganid, kumbaga. Kaya nararanasan ko to ngayon.

"Diba sinabihan naman kita... Pero di ka nakinig... Bakit... Bakit mo hinahayaang paulit ulit ka niyang saktan?..."

Lalo lang akong naiyak nang marinig ang pagkabasag ng boses ng mahal kong kaibigan... Na nasasaktan ngayon dahil sakin. Na wala akong ibang ginawa kundi ang wag makinig sa kanya, ang saktan lang siya. Kailangan ba talaga na makasakit muna ng iba bago makuha na tuluyang sumaya? Ganon ba talaga? Kung ganon, Bakit ako? Nakasakit na... Marami na ang nasaktan, hindi pa rin sumasaya? Wala pa ring napapala kundi ang masaktan?

Bakit naulit na naman? Bakit nandito na naman ako sa sitwasyong ito? Malas ba ko sa pag ibig o sadyang gago lang talaga si Dave?

"Bakit kasi siya pa? Ang dami dami naman diyan..." humahagulgol na siya na dumadagdag sa sakit na nararamdaman ko.

I'm sorry Lyka. Pero hindi ko di alam... Hindi ko din alam...

"There's Lloyd... That is pursuing you for so long, i can't even remember and still, with real actions and care... Regards nalang dun sa panahon na naging kayo ng Dave na yan na wala siyang ginawa kundi respetuhin..." tahimik na paalala niya. Dahan dahan. Parang matagal na nagtiis at tinago... Ngayon lang napuno at napilitang ipagtapat...

"Na hanggang ngayon, nirerespeto niya pa rin... Kasi bakit? Kasi mahal na mahal ka nung tao. Sobra ng nasasaktan, pero ikaw pa rin ang pinipili, kasiyahan mo pa rin ang inuuna... Sana ikaw din... Kung ibubuhos mo lang din naman ang lahat ng pagmamahal mo, sana naman worth it yung tao na ipaglalaban mo..." dagdag niya. Nakikiusap...

I'm too lost because of the pain, i can't even manage to answer her.

Ngunit pano? Pwede bang turuan ang puso? Siguro naman kung magagawa lang, ay hindi naman ako dadating sa puntong ito ng buhay ko. Siguro naman kaya kong piliin ang tamang tao. Pero pano? Pwede ba talaga? Bakit kahit naman hindi ko ginusto ay si Dave lang? Kaya pano?

Parehas lang kaming umiiyak... Tahimik na nakatayo. Sinamahan niya ko, kahit alam kong labag iyon sa kalooban niya.

Naalala ko yung huling sinabi niya sakin noong nalaman niya na binalikan ko si Dave. Nung kahit lahat na ng logical na reasons ay naipaliwanag na niya ngunit hindi parin ako nakinig sa kanya. I will not comfort you... Pero kung paanong nandito siya ngayon sa tabi ko at niyayakap ako, sinasamahang umiyak... Sinasamahang masaktan... Im just so thankful, i have her. I don't know what to do without her.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal doon. At kung kailan at paano kaming nakaalis doon. Pero isa lang ang sigurado ako.

Tama na. Last na to. Hindi ko na kaya. Pagod na ko.

Nagdesisyon akong magmukmok. Yes. Nagdesisyon akong umiyak, magluksa at masaktan. Gusto ko nang damdamin ang lahat at ibuhos na. Para isang bagsakan na lang.

Narealize ko ito yung mga bagay na pinili kong hindi gawin noon.

Tinago ko lang noon, tiniis. Ngayon gusto ko siyang ilabas, tanggapin.

Gusto kong maramdaman lahat ng sakit, gusto kong ibuhos lahat, hanggang sa malaman ko lahat ng tanong ko, hanggang sa maintindihan ko na lahat.

Pagkatapos noon ay isa nalang ang kailangan ko... Ang pormal na magpaalam na kay Dave at humingi ng kasagutan sa aking mga tanong na dapat ay noon ko pa ginawa para hindi na kami umabot sa punto na ito. Dahil wala na... Sobrang ubos na ubos na ko. Hindi ko na kaya...

Pero bago ang lahat ay magpapahinga muna ako... Sarili ko muna ngayon. Bibigyan ko lang ng time ang sarili ko na huminga para sa lahat ng ito... Pipiliin ko muna ang sarili ko ngayon na hindi ko man lang nagawa noon. I will try to love myself first... Sarili ko muna ulit...

Sinuportahan at sinamahan ako ni Lyka sa lahat ng iyon, na sobra sobra kong ipinagpapa salamat sa kanya. Hindi niya ako pinabayaan. At pinapangako ko na yun din ang gagawin ko sa kanya pagdumating ang panahon na kailanganin niya rin ako. Hindi ko rin siya iiwan, katulad ng pagtabi at pagyakap niya sakin, pagdamay sa sakit na nararamdaman kahit pa man sobra ka nang nasaktan. Pinapangako ko...

Tama ako ng hinala nang isipin kong tuluyan na ngang hindi magpapa ramdam sakin si Dave. Hindi na ko nagtaka, ako na mismo ang nag conclude. Nakita ko na eh. Mabuti na rin dahil, wala pa ako sa kondisyon na kausapin siya... Na paki harapan siya. Na tanungin siya sa lahat lahat. Wala na muna akong pakialam. Ayoko muna na magkaroon ng pakialam.

Besides may motto talaga kami ni Lyka na dalawa eh. 'Pwede kang umiyak, pwede kang magpaka wasak. Pero hindi pwedeng maapektuhan ang pag aaral mo, ang pangarap mo.' kaya study first talaga kami, literal. Kahit hirap na hirap na ang puso mo, kailangan mong tatagan ang sarili mo dahil first of all, pinasok mo yan kaya ikaw ang may responsibilidad diyan. Ang mahalaga ay kaya mong bumangon sa lahat, kahit paulit ulit ka mang madapa. Kahit paulit ulit ka mang hamakin ng tadhana, you should stand up again and be brave.

Pagkatapos namin umiyak ay mag aaral na ulit kami. Ganon ang naging routine namin noong mga nakaraang linggo. Sobrang tinulungan ako ni Lyka. Hanggang sa tuluyan na ngang matapos ang last sem namin para sa taong iyon. Halos hindi ko na maalala na nag mo move on nga pala ako.

Legit yun. Well, ewan ko kung sa amin lang applicable pero... Isa sa talagang nakatulong sa akin mag cope up ay ang pag aaral.

Nawala na sa isip ko yung sakit, nawala na sa isip ko na isipin si Dave. Nawala pansamantala yung mga tanong. Pero hindi ko pa naman nakakalimutan na kailangan ko pa siyang kausapin, na kailangan ko pa na marinig at malaman ang mga sagot sa mga tanong ko... Pagkatapos non, i know i'm finally done with him. Yun na lang talaga ang hinihintay at kailangan ko, tapos na ko sa kanya.

Sa totoo lang ay wala na akong masyadong balita sa kanilang dalawa ni Ate Lovely. I don't know if naging sila ulit after ko silang makita sa araw na yun. But minsan siguro, nakikita ko sila, nakakasalubong sa hallway. Yun lang naman. Sobrang busy ko kasi sa pag aaral para maisipan ko pang  magbigay ng oras upang obserbahan lang sila. Now, that we're finally done on our first year college. I now have time... I just hope it turns out well.

But if you are curious with Lloyd... I don't know too... Busy ako, busy din siya sa ngayon. But i know we're still in good terms. He still contacting me, we still have communication with each other. But after ng pag-uusap namin ng araw na yun ay hindi na ulit kami nag usap about kay Dave. Hindi ko na rin binanggit ang nangyari samin ni Dave. Kasi wala narin namang point. Hindi ko rin naman alam kung paano ko pang magagawang sabihin sa kanya na ganon ang kinahitnan ng lahat pagkatapos ko siyang harap harapang saktan.

Ang mahalaga nalang talaga para sakin sa huli, ay okay pa rin kami. Nakakapag usap.

Now... All that matters to me is the people that stays by my side no matter what happened. They are strong to choose me. They are too brave to be with me.

CAN WE BREAK UP INSTEAD? (Completed)Where stories live. Discover now