Chapter 9

2 0 0
                                    

Sa sumunod na mga araw ay busy parin kami dahil palapit na nga ang examination. Sobrang hectic ng schedule pero nagagawa pa ni Dave na matuntun ako pag nagiisa ako. Ewan ko sa lalaking yan kung pano niya nalalaman kung nasan ako. Minsan nga naiisip ko na pinapasundan niya ko eh.

Wala parin akong lakas ng loob na sabihin kay Lyka na nagkabalikan nga kami. At nasabayan pa ngang sobrang busy namin, I didn't even remember kung kailan kaming apat huling nagsama sama nila Lloyd eh. Isa pa yun, pano ko ipapaalam sa kanila?


One time. Sobrang pagod ako galing sa school dahil sa group project, na magkaiba kami ni Lyka ng group kaya mas maaga ata siyang nakauwi.

Pagpasok ko sa bahay ay naririnig ko agad si Lyka na nagsisisigaw, hindi ko alam kung bakit. Nagalala agad ako kaya sinubukan ko siyang puntahan sa kwarto niya. Na sana ay di ko nalang ginawa para hindi ko malaman ang dahilan ng pagiyak niya ngayon.

This is the first time na nakita kong umiyak si Lyka, she's also brave and strong girl who doesn't easily hurt. But that time? I saw her at her lowest. I just hugged her, letting her feel that I'm here just like how she's been there when I needed her the most.

After nun ay sobrang busy na ulit namin dahil sa paghahanda sa examination this sem. Hindi na kami masiyadong nakakapagusap. Gusto ko nang ipaalam sa kanya yung tungkol samin ni Dave dahil for some reason, nagiguilty ako na hindi ko pa sinasabi sa kanya.


"Hi..." Bati sakin ni Dave that day nang matapos ang exam nila. Mukang pagod na pagod ang loko. Pero in all fairness ah, gwapo talaga siya. I smiled at him.

"Hi..." Bati ko rin ng tuluyan niya nakong niyakap.

Nagtagal yun ng ilang segundo na umabot ng minuto kaya natawa nalang ako sa kanya saka nagtangkang umalis sa pagkakayakap niya sakin. Ngunit hindi pumayag ang loko. "Saglit pa... I just wanna hug you for a while." sabi niya na kinangiti ko.

Ganon lagi ang sistema namin ni Dave. Hanggang sa isang araw ay umuwi ako ng bahay at nadatnan ko nalang si Lyka na hinihintay ako? Nasa pinto siya eh, bahagya pakong nagulat.

"Uyy, anong ginagawa mo diyan?" tanong ko sa kanya. "Kumain kana?" dagdag ko pa.

Ngunit hindi niya sinagot alin man sa tanong ko. I got weirded out pero nagpatuloy ako sa pagpunta sa kwarto ko para magpalit na ng komportableng damit.

Nang matapos ay lumabas ako ng kwarto at ganon nalang ang gulat ko nang makitang nandon parin si Lyka.

Huminto ako sa harap niya. "Anong problema mo? Anong trip mo?" tanong ko sa kanya.

"Kailangan ko pa bang magtanong, Sheena? O pwedeng sabihin mo nalang?" seryosong tanong niya. Na nagpawala ng ngiti sa aking labi.

Kailan niya nalaman? Pano?

"Pano mo nalaman?" i asked na gusto ko sanang bawiin. Im wrong with that one.

"So wala kang planong ipaalam sakin? Bakit?"tanong niya parang hindi maintindihan kung bakit kailangan ko ngang hindi sabihin sa kanya.

Hindi ko nasagot ang tanong niya dahil parang nanuyo ang lalamunan ko at gustuhin ko mang magsalita ayaw bumuka ng bibig ko.

"Bakit kailangan mong itago sakin? Ibang tao ba ko—"

"Kasi ayaw mo sa kanya." sagot ko sa tanong niya.

"Kasi nga... Hindi naman siya kailanman nakabuti sayo! Look, if hindi mo lang huh, if incase nakalimutan mo lang... He freaking cheated on you! Pinalitan ka niya, hindi pa man kayo naghihiwalay! Anong malabo dun? Asan sa mga yun ang dahilan para hindi ko siya ayawan? Huh?" sunod sunod na sabi niya. Parang frustrated sa akin.

CAN WE BREAK UP INSTEAD? (Completed)Where stories live. Discover now