Chapter 10

1 0 0
                                    

"May problema ba?" Tanong ko agad kay Lloyd nang tuluyan kaming maka order ng pagkain sa restaurant na pinili niya.

Hindi kasi talaga ako mapakali sa katahimikan niya.

Tumingin agad siya sakin nang marinig ang aking tanong. I don't know but i sensed something at that. Hindi ko alam kung overthinking lang ba ako o talagang masiyado ko lang siyang kilala para hindi mapansing may kakaiba siyang kinikilos.

"Ang tahimik mo eh, naninibago ako." Maya maya ay biro ko nang hindi pa rin siya magsalita. Bahagya pa kong tumawa para naman mabawasan ang bigat na unti unti kong nararamdaman dahil sa kinikilos niya.

Sinubukan kong tumingin sa cellphone ko nang may matanggap na message galing kay Dave. I immediately smiled.

'Hi, babe. I love you, really.'

His exact message. Ewan ko pero nitong mga nakaraang araw ay mas naging vocal siya sa kanyang nararamdaman. At sa tuwing makakahanap ng pagkakataon ay agad suaunggaban para lang lumapit sakin at dumikit.

I found it approaching... Im touched, because i feel like sure na talaga ako sa kanya this time.

I replied my 'i love you too' to him before ko binalik ang tingin ko kay Lloyd na napansin kong kanina pa ata ako pinagmamasdan. I can't understand the visible expression on his face but with that i finally confirmed na theres something na bumabagabag sa kanya.

Agad nawala ang ngiti sa labi ko at napalitan ng pagse seryoso ang kaninang masayang expression ko.

"Tell me, what is it?" seryoso kong tanong. Diretsiyahan.

Dahil unti unti nakong kinakain ng kaba dahil sa pinapakita niya sakin. If he's this way, it's probably a bad thing. And i have a guts na it's about something na may kinalaman sakin.

He sighed. Parang nahihirapan.

With what?

Pinapanood ko siya gamit ang mga mata kong seryoso ngunit may bahid na pag aalala

"How much do you love him?"

My lips parted. Sa seryoso niyang tanong na agad kong naintindihan. He already knows...

I licked my lips, trying to make an amend with my reaction a while ago. Matapang kong hinarap ang mga mata niya.

"I love him, very much..." sagot ko. Nasasaktan sa di malamang dahilan. Trying to fight my love for Dave by declarating it to my dearest boy best friend.

Saglit kaming natahimik na dalawa, walang nagsalita... Pero maya maya ay dahan dahan siyang tumango na para bang nakapagdesisyon na siya... Sigurado sa gagawing desisyon sa isang malaking bagay... Pinaka importanteng bagay... At kung tama man ako sa hinala kung yun? Hindi ko naman alam kung ano yun...

"I will support you..."

Sabi niya sa mahinang boses. Nahihirapan pero matapang. Hindi ko alam kung anong naging reaksiyon ko ngunit isa lang ang sigurado ko, lamang ang gulat sa lahat. Agad akong bumaling sa kanya. Nasaksihan ko ang nagsusumamong mga mata niya... Nasasaktan pero umiintindi...

Agad nangilid ang mga luha ko. Nasasaktan. Pwede bang sabay mong maramdaman ang sakit at saya sa isang pagkakataon?

Ayokong makasakit ng iba pero ayoko ring manatiling tahimik na lang na nasasaktan... Kaya sinusubukan kong gawin ang lahat para pilit na ipaglaban ang kasiyahan ko... And i know it's him... It's Dave...

Kaya kung paanong handa akong hayaan ni Lloyd na mahalin si Dave at suportahan ay sobra ang sakit na pinapadama sakin. I feel na ito na ang pagpapahayag ni Lloyd ng pagsuko sa akin.

CAN WE BREAK UP INSTEAD? (Completed)Where stories live. Discover now