CHAPTER 14: DREAM

5.8K 184 19
                                    

ALEXIS’ POINT OF VIEW

A few weeks had passed after what happened, and I just tried to act cool para hindi halata na totoo yung inamin ko.

I’m still bothered about what I’ve said kaya hanggang ngayon, I’m trying my best na wag mag-interact ang aming worlds.

Mahirap na, baka i-confront pa ko edi buking na si bakla. Mahirap pa naman tumanggi don, parang si Mama Mary ang ganda eh.

Buti na lang talaga, bati kami ng universe ngayon dahil naging busy din si Ash these past few weeks.

All of us are busy because the seasonal tournament is approaching and kailangan namin ng matinding practice.

Kaya after class, talagang dumideretso kami nila Ranzi and Steph sa practice. I’m exhausted yet motivated because we will represent our school for the Seasonal Tournament once again.

We also rotated our roles during training para mas magamay namin yung buong court. Kailangan kasi talaga naming maging mas aggresibo at handa pagdating sa laban.

Balita ko, ang makakaharap namin ay yung Eastern Coast University. Medyo mahirap sila kalaban ha.

Bukod saming mga athletes, busy na rin ang bawat organizations lalo na ang student council.

Marami silang on-going projects ngayon tulad nung new system na in-implement para sa No I.D, No Entry policy. Talagang mas hinigpitan ni Miss Ash Lee ang protocol eh.


There’s also the vending machines na nilagay nila throughout the campus. Some of them contain drinks and snacks while there’s also some containing contraceptives.

Well open naman na sa ganyan ang university, so it’s really good din na naglagay sila ng ganun.

Active na active talaga si Ash kasi madalas nakikita ko siyang naglilibot ng buong campus just to check every project na mina-manage nila.

Napakalaking benefits talaga sa mga students yung mga ginagawa niya, well ex crush ko yata yan.

Speaking of crush, hindi ko na din masyadong nakikita si Henry, lumbay na tuloy ng pagkatao ko.

Busy na rin kasi siya because of his basketball training. Pero kahit ganun we still have interactions pa rin naman na nagpapakilig sa’kin.

“Let me take a break guys, wait.”

I said to my teammates dahil medyo napapagod na ako kakatraining. I walked towards the bench, umupo ako sabay inabot yung bag ko. Kinuha ko yung tubig ko para magrecharge ng energy.

Malagkit na rin sa feeling yung pawis ko, kanina kasi pinatakbo ba naman kami ng 10 laps tapos warm up before the actual training.

Kalaban namin yung mga rookies kaya hindi rin masyadong mahirap.

They continued the game without me, nanood lang ako sakanila while taking some rest from the exhaustion. Every afternoon pa naman tong training namin.

“Hey.”
Napatingin ako nung may bumato ng kung ano sa likod ko. I saw Ash Lee standing in the audience area habang nakapamewang.

“Eat that.”

Turo niya kaya tumingin ako doon, nakita ko naman yung isang energy bar na nasa lapag. Kinuha ko yun at tinignan ko siya nang may pagtataka.

“Para saan to?”

I asked her, bakit niya ako binibigyan? For what ba? Luh. Baka mag-assume na ako niyan ha.

“Duh, don’t assume na galing yan sa’kin. Galing yan kay Ate Alex.”

Ang Masungit Na President (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon