CHAPTER 12: LAST NIGHT

6.2K 182 34
                                    

ALEXIS’ POINT OF VIEW

Dahan-dahan akong dumilat at ang una kong nakita ay ang ceiling ng kwarto ko. Tumingin ako sa paligid at narealize ko na umaga na pala.

Inabot ko agad yung phone ko na nasa nightstand sa gilid at tinignan ng oras.

“7:50am.”  I said to myself, medyo prinocess ko muna yung nangyayari dahil medyo antok pa ako.

Binaba ko muna yung phone ko sa may dibdib ko at pumikit ulit.

I was about to sleep again when suddenly the realization hit me. Wait?! It’s almost 8am?! And start ng class ko 8:30?! What the actual fuck?!

Nagmadali ako agad bumangon at dumiretso sa bathroom para maligo.

Pagkatapos ko maligo ay medyo masakit pa ulo ko habang nag
susuklay ng basang buhok ko. Shit, this hangover.

“I don’t wanna drink again pag may pasok kinabukasan.” Reklamo ko, kainis kasi bakit naparami yung inom ko? Hindi ko na nga alam kung anong nangyari kagabi eh.

Pagkatapos ko mag-ayos ng sarili ko ay lumabas na ako ng kwarto. Hindi na rin ako nag-uniform ngayon kasi pwede naman magcasual wear sa school, basta may ID.

Yun ang policy doon at mas hinigpitan pa ni Ash, ewan ko ba don. Pero maayos naman siya na president dahil ginagawa talaga yung mga tungkulin niya.

“Oh, may klase ka ba ngayon?”

Tumingin ako kay Ate Angel na busy sa laptop niya dito sa dining area. Naglakad ako papunta upuan ko sa may harapan niya.

“Manang, bigyan niyo ng breakfast si Alexis and medicine.”

“This freaking hangover.”

Reklamo ko, bumuntong-hininga ako habang hinihilot yung sintido ko. Sobrang sakit ng ulo ko, parang nasusuka pa nga ako eh.

“By the way, how did I get home? Inuwi na naman ba ako ni Chloe?” Si Chloe kasi nag-uuwi samin ni Ranzi pag nalalasing kaming dalawa.


Mataas kasi alcohol tolerance ng babaeng yun kaya kami yung lugi pag makikipag-inuman siya.

“Yes, actually marami kayo na inuwi ni Chloe eh. Buti nga kasama niya si Ash Lee.” Napatigil ako sa paghilot ng sintido ko when Ate mentioned Ash Lee.

Umangat ako agad ng tingin sa kanya, her attention was on the monitor habang humihigop ng kape.

“Ash Lee?”

Tanong ko, just to make sure lang naman. Baka naman kasi hindi si Scott yun eh.

“The President?”

“Yes, Ash Lee Scott.” Tumingin sa’kin si Ate and she laughed kaya nagtaka ako. Ano nangyari don? Bakit siya tumatawa? Baliw na ata.

“And my gosh, buti na lang talaga gising pa ako that time. Nakakastress ka kagabi.”

“Huh? Why?”

Ang Masungit Na President (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon