ALEXIS’ POINT OF VIEW
“This upcoming tournament, kailangan natin ng more intense na training dahil napansin ko the last cup ay talagang determinado sila na matalo tayo.”
Our coach explained everything habang nakaupo kami dito sa may bench sa Gymnasium.
“And you, Alexis okay ka na ba?”
“Yes Coach, no worries. Okay na rin yung braso ko.” I said, Coach nodded at me. The last kasi na tournament ay na-injured yung arms ko.
Buti na lang talaga patapos na yung laro nun kaya nakahabol pa sila nung nawala na ako sa court. That time I was rushed to the hospital and thank God! Hindi malala yung injury ko. Sadyang nasobrahan lang raw yung braso ko sa training non.
“Ang hirap mag-adjust kung wala si Alexis sa court.” Tumingin ako kay Stephanie nung nagsalita siya.
“Siya kasi yung inaasahan namin ni Ranzi na mag-spike ng bola.”
“Yun nga eh, last tournament nun hindi naging complete yung golden trio sa last minute ng laban.”
Nahiya naman ako nung sinabi nila yun, parang nagi-guilty tuloy ako dahil nagka-injury ako. Lakas nila mang guilt-trip eh.
“Sorry for that, guys. I promise na hindi na ako maoover-training. Sorry ulit, pero at least kahit ganun di ba nanalo pa rin tayo.” I cheered them up.
They smiled at me and nodded
After ng meeting namin ay naisipan na namin pumunta ni Ranzi sa classroom dahil magkablockmate lang rin naman kami eh.Ngayong year ay nagreblocking ulit, kaya may mga kablockmate kami last year na hindi na namin kablockmate ngayon. Hindi ko lang alam kung sino pa yung mga naiwan.
Hindi ko na kasi tinignan yung list ng new blockmates ko basta ang
mahalaga sa’kin kablockmate ko sila Ranzi at Chloe. Same majors lang rin kasi kami.‘Well, bestfriends kami eh’ Kung ano kasi yung interest ng isa interest na rin ng dalawa, ganun kami. Ewan ko nga basta parang connected to each other talaga kami.
Tipong sporty kaming tatlo, same major rin yung kinuha namin and same interests din kami sa business. Para talaga kaming magkakapatid, pero ako lang yung matino.
Si Chloe at Ranzi kasi kaibigan ko na since birth pa, magkakaibigan ang family namin kaya nagkakilala kaming tatlo. Nung una nga hindi ko talaga kasundo yan si Chloe eh, palagi ba naman nang-aasar.
Pareho rin kami volleyball players pero si Chloe umiba na ng landas, in-invite kasi siya ni Ash Lee maging Vice President niya kaya ayun, si accla pumayag. Dahil diyan umalis na siya sa team.
“Sino ba yung mga natira pa natin na kablockmates?” Tanong ko kay Ranzi habang naglalakad kami papunta sa may classroom namin. “Hindi ko kasi tignan yung list.”
“Hindi ko rin alam, ganun rin ginawa ko eh.” Napailing ako sa sagot ni Ranzi, habang busy sa pagsasalita yung isa ay napatingin ako sa mga taong naglalakad sa hallway.
Biglang nagspark yung buong system ko nung nakita ko si Henry na papalapit sa direction ko. Napatigil ako sa paglalakad at napatitig sa gwapo niyang mukha. Shet, kahit nakabusangot siya pogi niya pa rin.
“Here we go again.” I heard Ranzi said, alam kong ayaw na ayaw talaga nung dalawa kay Henry.
Pero anong magagawa ko? Eh naging crush ko na siya since first year college.
Simula nung tinulungan niya ako dati nung nagtry-out ako sa volleyball team ng university namin nung freshman year.
FLASHBACK
Pagod na pagod akong umupo sa may bench dito sa garden ng University namin at hindi ko na alam gagawin ko. Sobrang hilong-hilo na ako at yung mga tuhod ko nanginginig na rin.
“I need water!” I screamed, hingal na hingal akong sumandal at pinunasan yung pawis ko gamit yung kamay ko.
Napapikit ako habang pinapaki-
ramdaman yung simo’y ng hangin. Habang nasa kalagitnaan ako ng pagcooldown ng pagod ko ay bigla akong nakaramdam ng malamig sa pisnge ko kaya nagulat ako.“What the!” Napatingin ako sa taong naglagay ng malamig sa pisnge ko at nakakita ako ng isang gwapong lalaki.
Nakangiti siya saakin habang hawak-
hawak yung bottle of water. Who is this guy? Bakit ang gwapo niya?“Hey, baka matunaw ako niyan.” Biro niyang sabi sa’kin at natawa, napa-iwas ako ng tingin at namula.
“Blushing, cutie.”
Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko sa mga oras na to dahil sa kilig na nanalaytay sa buong sistema ko. This is not the first time na maramdaman ko to dahil marami na rin ako naging crush.
But this guy is different, hindi ko alam pinagkaiba niya but damn this is the first time that someone approached me with a bottle of water. And gwapo pa.
“
Take this, mukhang pagod ka eh.”
Bumalik ako ng tingin sa kanya at kinuha yung inabot niyang water. Pagkakuha ko ay umupo siya sa tabi ko.“Bago kalang dito sa Wetherton, ano?”
“A—ah yes, bakit?” Tanong ko pagka-
tapos kong uminom. Tumingin ako sa kanya na busy sa pagtitig sa harapan niya.“Ngayon lang kasi kita nakita, I’ve been here since high school.” He said, I nodded habang nakikinig sa kwento niya. Hindi lang siya mabait, pala-kwento rin.
“What’s your name?”
“A—Alexis.” I introduced myself kahit kinakabahan ako by just being around him. Ewan ko ba kung bakit.
“And you?”“I’m Henry.” He said bago i-abot yung kamay niya sa’kin, we shook our hands and his was really soft and tender.“I’m in the varsity basketball.”
“Nice to meet you, Henry.”
END FLASHBACK
That’s when I started to admire him, wala ang gwapo niya kasi and he’s such a gentleman. That’s my ideal guy. Well, bisexual ako and I like both genders but, mapili kasi ako when it comes sa guy. ‘Picky.’
Mataas standard ko sa guys kumpara sa girls. Well, mas better nang nag-iingat sa guys kaysa makagawa ng kasalanan di ba? Like… hello, marami nang nabubuntis sa mga panahon na to.
Tapos most of the time tinatakbuhan pa ng mga lalaki responsibilidad nila. Ew, guys!
Well, iba naman si Henry dahil syempre pansin ko talaga sa kanya na he’s a gentleman and mabait. Tapos madaldal rin. It’s really nice having an inspiration kasi, dahil sa kanya pumapasok ako araw-araw.
As he was in front of me, napatingin siya sa’kin and he smiled. Nagwala bigla ang buong sistema ko sis, grabe ang ngiti ni kuya ay!
“Are you okay?” I asked him, kasi baka hindi siya okay dahil kanina nakabusangot siya. Napansin ko namang may hawak siyang bouquet of flowers.
“Ah yes, thanks for asking Alex.” He said, damn his voice is so handsome. Grabe Henry, nadadala na naman ako sayo. “Ahm, anyways here for you na lang.”
Nagulat ako nung inabot niya yung bouquet sa’kin, and everyone in the hallway started screaming sa kilig dahil doon. ‘What the freak...!’
------------------
Thank you for reading
![](https://img.wattpad.com/cover/234885951-288-k108360.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Masungit Na President (UNDER REVISION)
Romance"We come to love not by finding a perfect person, but by learning to see an imperfect person perfectly." - Sam Keen More frequently than not, two people are attracted to each other in the opposite way. Alexis, a top volleyball player, had a major cr...