ALEXIS’ POINT OF VIEW
I was lying on my bed when suddenly, someone barged into my room kaya napatingin ako sa taong yun. I saw ate Angel, standing by the door.
“Ranzi and your teammates are here.”
She said, nagtaka naman ako at tinignan ko muna siya ng seryoso kung totoo ba sinasabi ni ate. Baka mamaya prank niya lang eh.“Baliw, it’s true. Dalian mo na inaantay ka na nila.”
“Ha? Para saan?” Tanong ko, wala naman nagmessage or nagchat sa’kin na may kailangan sila.
Kinuha ko agad yung phone ko sa may nightstand at tinignan yung messages ko.
Napatapal ako ng noo nung nabasa ko sa group chat namin na nagbabalak pala sila mag-XYLO tonight, ano ba yan?! First day na first day XYLO agad ang nasa isip.
Gusto ata ng hangover, eh may subject pa naman kami bukas tapos sa umaga pa. Mga baliw ata to eh.
“Nakahiga ka lang pala dyan eh.”
Napatingin ako sa may pintuan and nakita ko si Ranzi na nakatayo kasama si Ate Angel.“Sige Ate, thank you. Ako na bahala dito.” Tumango si ate at umalis na. Naglakad papasok si Ranzi at dumiretso siya sa closet ko.
Bumangon ako agad sa higaan at sinundan si Ranzi, hinayaan ko siya na mamili ng susuotin ko kasi minsan talaga maganda fashion sense nitong si Ranzi eh.
“Ano pumasok sa kukote niyo at naisipan niyo mag-Xylo?” Tanong ko, nakakuha na ng damit si Ranzi at ibinigay sa’kin.
Long sleeve na puti and black cargo pants yung binigay niya sa’kin.
“Di ba may isa pa tayong subject tom?”
“Wala eh, nagkayayaan. Hayaan mo na.” Bumuntong-hininga ako at dumiretso na sa bathroom para magpalit.
Pagkatapos ko magpalit ay nag-ayos muna ako ng sarili bago kami umalis. Humiwalay ako ng car sa mga kasama ko dahil just in-case raw na biglaan ako umuwi.
Pagdating namin sa Xylo ay marami-raming tao ang nandito, syempre sikat tong Bar sa BGC eh.
Everyone was dancing while drinking kaya medyo magulo but still halata mo na masaya sila.
“Nagpa-reserve na ako ng table.”
Talagang prepared eh noh? Gusto talaga magwalwal to the max ng mga to eh.
Talagang prepared eh noh? Gusto talaga magwalwal to the max ng mga to eh.
Pumunta na kami sa table na pinareserve ni Kaye na nasa may dulong part malapit sa hagdan papunta sa second-floor ng bar.
Maraming tao ngayon and halos lahat ata mga nandito mostly taga Wetherton kasi based sa mga itsura eh. Kilala ko rin yung iba.
“Order na kayo.” Aya ni Kaye samin, we nodded. Nag-order na sila ng isang bucket ng beer and pulutan syempre.
![](https://img.wattpad.com/cover/234885951-288-k108360.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Masungit Na President (UNDER REVISION)
Romance"We come to love not by finding a perfect person, but by learning to see an imperfect person perfectly." - Sam Keen More frequently than not, two people are attracted to each other in the opposite way. Alexis, a top volleyball player, had a major cr...