CHAPTER 7: FLOWERS

7.1K 209 20
                                    

ASH LEE’S POINT OF VIEW

Pagdating ko sa classroom ng first class ko ay kakaunti palang yung taong nandito, and when I walked inside lahat talaga ng mata ng mga kaklase ko ay na sa’kin.

“I’m so lucky, same block na natin si Miss President.”  I heard a guy whisper to his friends. But I didn’t mind it na lang, some of them wants to be on the same block as mine, pero meron rin namang ayaw.

“Kung minamalas ka nga naman oh, same block ko pa talaga si Miss Scott.”

I heard from a woman. See? Ayaw nila ako kablockmate hindi lang dahil sa pagiging terror ko, but I’m also a dean’s lister. In short, academically competitive ako.

Hindi ko na lang yun pinansin and sat beside Stephanie na nasa may duluhan. Pataas kasi yung seat kaya mas maganda dito kahit medyo malayo sa prof, at least kita mo ang whole perspective ng room.

“Kanina ka pa dito?” I asked her, habang busy siya sa phone niya.

“Where’s Haji?”

“I don’t know, kanina ko pa yun hindi nakikita.” She said, bumuntong-
hininga ako at naghalumbaba sa may table.

“Wanna go to Xylo later?”

“Hmm, have you asked Haji?” I asked her back bago tumingin sa kanya. She nodded bago tumingin sa’kin.

“She’s grounded, kaya I’m not sure if makakasama siya.”


“Then let’s try to ask her in person baka naman magbago isip nun, sayang din. My boyfie will come pa naman.”

I rolled my eyes when Stephanie said that, hindi ko talaga gusto yung boyfriend ni Steph.


“Okay, pero iwasan niyo naman ang PDA please. We’re single ni Haji and masakit sa mata.” Reklamo ko, natawa si Steph bago bumalik ng tingin sa phone niya.


Siya lang naman kasi taken saming tatlo and worse, red flag pa talaga ang bf. Kaya ayaw namin ni Haji doon, because that guy had cheated on Stephanie many times na pero itong si tanga, tinatanggap pa rin. Baliw talaga to eh.


Maya-maya ay nagsisidatingan na isa-isa yung mga kablockmates namin. And napatingin ako nang may pumasok pang kablockmates namin. It was Alexis and her friends.

Pero nagtaka ako when I noticed Alexis holding a bouquet of flowers na familiar. Wait? Kanino yan galing? I think nakita ko na yan kanina eh.

“Kanino galing yan?” I heard Lacson ask Alexis sabay turo sa hawak niyang flowers.

“Weird, ngayon ka lang tumanggap ng flowers.”

“Galing kay Henry eh, syempre tatanggapin niya.” I heard Defensor said, sabi na eh those flowers really are meant for me dapat but I refused kasi.

“Baliw na talaga yan kay Henry.”

Malapit lang naman pwesto nila Alexis samin kaya naririnig ko usapan nilang tatlo. And Alexis just gave them a smile like an idiot, hindi ko alam bakit to baliw na baliw kay Henry eh.

Ang Masungit Na President (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon