Doc 32

4.2K 140 2
                                    







"nag tetext ako Kay brix at Hindi ako nag sasawang humingi nang tawad kahit Hindi Niya ako nirereplayan pag tinatawagan ko Naman siya ayaw niyang sagutin Alam ko nasaktan ko siya pero masakit din sakin.







"Susuko naba ako Sabi ko pa habang nakahiga sa Kama at maliwanag na sa labas Hindi ko Alam Kung nakatulog ba ako or Hindi Basta lutang Ang isip ko. nang mag alarm Ang cp ko ngayon pala Ang check up ko kaya kahit  tamad kumilos naligo at nag bihis nako. Plano ko din na puntahan si brix sa office Niya after nang check up ko.





"Nag hahanap ako nang parking lot nasa building nako nang hanwell hospital nag face mask ako para makaiwas sa tingin Nila bahala na Hindi ko Alam Kung may Alam sila pero advance ako mag isip sa totoo Lang kaya nang makapasok nako diretcho agad ako sa Isa sa mga Obgyne nang ospital .





"Mrs. Hanwell bati agad sakin ni dra. pangilinan Isa sa mga kapalitan ko bilang Obgyne dahil naka leave nga daw ako pero Plano ko Hindi nako papasok at magreresign nalang.




"Hi doc balik na bati ko,  Chinek Lang ako at another medicine dahil sa stress medyo humina Ang baby ko na pwedeng mawala Kung Hindi ako mag iingat  aminado ako at iingatan Kona Ang sarili ko unti- unting lumalayo sakin si brix at Ang anak ko nalang Ang meron ako kaya gagawin ko Ang lahat mailigtas ko Lang Ang anak ko.




"Napahawak ako sa tiyan ko na medyo halata na at 2months na din going 3months medyo umbok na siya parang puson Lang hahaha!  nakaupo Lang ako hawak ko Ang tiyan  ko nang makaramdam ako nang hilab ngayon ko Lang nalaman na gutom na siya dahil Hindi pa ko nakakakain Talaga.




"Nang mabili ko Ang mga gamot pupuntahan ko Sana si brix sa office Niya nang nakasalubong ko si Molly Ang secretary Niya at Ang Sabi nito lumabas daw at may imeet Lang kaya dumiretcho nako sa parking lot at Plano kong kumain para makainom nang gamot.



"Nakita ko Ang sarili ko sa isang restaurant at Alam ko Ang may ari nito is Isa sa mga kaibigan ni brix. At friend din ni Tristan na si Timothy, the owner and also a chef nasa bungad palang ako nang salubungin na Niya agad ako.






"Dra. You here may kasama ka Sabi pa nito na tumingin pa sa likod ko.





"Mag Isa Lang ako Sabi ko pa na kinatango Niya at inalalayan ako sa Mesa at dun pa talaga ako pinapwesto sa may bandang bintana na good for 4 person.




"Wala akong kasama Sabi ko uli Kay Timothy.





"Sasamahan Kita just wait Sabi pa nito na may kausap sa phone at Hindi ko nalang pinansin tinawag ko Ang waiter pero nagulat ako nang may order na daw ako kaya hinintay ko nalang dahil gutom na nga ako talaga.







"nag laro ako sa cp ko ng candy crush. Nasa moment ako na nanggigigil sa laro ko nang may umupo sa harap ko at nagulat ako nang nasa harap ko si Timothy na may dala nang pag Kain at kasama Niya si Ezikiel at Malcolm na kinagulat ko.





"Kala ko ba ikaw Lang Sabi ko pa na kinangiti Lang Niya. Kaya Hindi nako umimik.





"Nandun kami sa kabilang Mesa Hindi mo kami napansin. Sabi ni Malcolm sakin Sakto mag Isa kalang at kami Lang Naman kaya samahan kana namin. Sabi pa nito pero Hindi ko siya tignan dahil busy nako kumain bahala sila. "





"Gutom na si buntis rinig Kong Sabi ni Ezikiel, Na kinatawa nang tatlo. kala ko tahimik lang sila dahil  nang ipakilala sakin ni brix dati Ang mga Ito tahimik Lang at parang may sariling mundo, pero makulit din pala,  kumakain parin ako nang ice cream habang Yung tatlo busy din uminom nang beer, Nang biglang may mahagip Ang mata ko at napahinto ako sa pag subo nang ice cream nang Makita ko si brix kasama si Helena at tinawag pa ni Timothy at Alam Kong nakita ako ni brix pero Kita ko Ang pang iling Niya na parang ayaw niyang lumapit sakin yumuko ako para pigilan Ang pag tulo nang luha ko, Nang mag salita si Malcolm kaya bigla akong napatingin.





"Hayaan mo siya mas gwapo pa kami dun, Sabay tawa ni Ezikiel at pabalik na si Timothy sa Mesa namin na walang imik. mga baliw talaga bulong ko pa,  natapos akong kumain pero Hindi ako Pinansin ni brix. Lalapitan ko sana nang pigilan ako ni Timothy kaya Hindi nako lumapit, Pasakay nako nang sasakyan ko nang magsalita si Ezikiel.






"hatid kana namin ako na mag drive Sabi Niya at binigay ko nalang Ang car key ko at pinag buksan pa ko ni Malcolm sa back seat, At nasa harap sila pareho tahimik Lang ako at Hindi ko mapigilan Ang pag tulo nang luha ko at pag hikbi. Alam ko naririnig ako ni Ezikiel at Malcolm pero pinabayaan nalang Nila akong umiyak hanggang sa condo ko hinatid ako nang dalawa.





"Diretcho agad ako sa kwarto at dun umiyak nang umiyak hanggang sa makatulog nalang uli ako Na masama Ang loob. At Hindi nako nakapag bihis.




"naalimpungatan ako nang may mag text sakin at Dali - Dali akong naligo at nag bihis nang mabasa ko Ang text ni brix at nag send pa siya nang address Ang Alam ko sa penthouse Niya Yun at dun pala siya nag stay kala ko kasama niya si dra. Santos kaya Hindi umuwi. Yung lungkot at pag iyak ko biglang napalitan nang tuwa at ngiti dahil makakapag usap na din kami. At hawak ko Ang isang envelope Kung San nandun Ang USB at picture na kuha nang pinsan ko. 




"Nag text pa sakin si Luke Kung kumain naba ako at uminom nang gamot. Isa ding makulit kaya nag replay nalang ako na ok kahit Hindi pa Naman talaga ako kumakain dahil sa excited ako na Makita si brix at ibigay Ang hawak ko then plano ko mamaya nako iinom nang gamot.



"Tinext ko din si Tristan Sabi ko na magkikita kami ni brix na pinagtaka Niya nang una dahil pwede Naman daw na siya nalang Ang pumunta sa condo diba. Pero sinabi ko na dun Kasi siya nag stay na at marami pang sinabi si Tristan na Hindi ko nalang pinansin, Ang importante sakin eh,  Makausap siya at Kung kinakailangan lumuhod uli ako para matanggap Niya uli ako kami nang anak niya gagawin ko kahit sinabi niyang Hindi Niya anak Itong PINAGBUBUNTIS ko.




"Nag taxi nako para Hindi nako mag iikot sa parking Isa sa mga problema ko Yun Ang parking at nag mamadali ako talaga.





"Manong para po Sabi ko pa, at nag bayad agad ako  medyo malapit Lang Ito sa ospital mga kalahating oras din Ang biyahe, Pero Kung may car ka mabilis Lang din.



"Sumakay agad ako sa elevator papunta sa unit ni brix medyo mataas siya nasa 45 floor Yung penthouse Niya buong floor Yun.



"Nasa harap nako nang pinto kakatok Sana ako kaso pag pihit ko bukas Naman pala kaya pumasok nako medyo Malaki Ang penthouse ni brix,  May second floor Yun nilapag ko Ang envelope sa Mesa at  umakyat ako sa hagdan dahil Wala Naman siya sa Sala apat Ang kwarto kaya inuna ko Ang unang pinto kaso walang Tao.



"BRIXXXX! Tawag ko pa nang makarinig ako nang yabag or ingay sa pang tatlong room, Pag bukas ko nun Nakita ko si brix hawak Ang ulo at yakap siya ni Helena, at Wala silang suot pareho pinilit Kong wag umiyak pero tumulo na uli Ang luha ko at Kita ko sa mukha ni brix Ang takot at pag katulala nang Makita Niya ako sa harap Nila.



" Hindi ako tanga kahit siguro high shool alam kung anoh ang nakikita ko ngayon. Napakapit ako sa damit ko dahil sa inis.



"masaya kana brix!!   Sabi ko pa habang umiiyak, masaya ka nang Makita akong ganito, Lalapit na Sana si brix sakin nang kinaatras ko at Ang bruha na linta kumapit pa sa braso ni brix.




"Sana sinabi mo nalang na ayaw mona,  sana sinabi mo nalang na Hindi Mona ako mahal, Sana sinabi mo nalang na may iba na.  Papalayain Naman Kita Basta makinig kalang sa explain ko. Galit na sabi ko dito.






" Pero walang imik si brix na halatang nag iisip din, mag sasalita pa Sana siya nang umalis ako masyado nang malabo Ang paningin ko dahil sa luhang dumadaloy dito  Tinawagan ko si Tristan para sunduin ako nang malapit nako sa hi-way para hintayin Ang pinsan ko, Nang may tumulak sakin at nawalan nako nang malay nang mabangga ako nang sasakyan.








***********



All Right Reserved2022
🦋©️ Miss R.A
🕷 Black Butterfy🥀




#4 (BRIX HANWELL)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon