Chapter 3: Feelings

106 4 4
                                    


This chap is still dedicated to my childhood friends. Hihi. Happy reading! :)

________



"Tayo ang naka-toka sa balloons. Sila Grace yung tshirt printing dahil meron silang machine at gamit."-Danna. Nasa mall sila ngayon at namimili ng mga gagamitin bukas. Bukas na ang alumni at excited na sila.


"Lahat ng mga sasakyan sa batch natin ay gagamitin sa parade. Dun tayo sa pickup para sa likod tayo pwesto."


"Oo sige. Magbaon tayo ng shirt kasi yung ibang alumni may dalang tubig at nambabasa."-natatawang sagot ni Kate. Last alumni kasi, may naghahagis ng ice water, powder at kung ano-ano pa.


"Haha. Oo nga!"


Nasa bahay sila ngayon nila Denson at doon nakasampay ang mga tshirt na may prints. Nakahanger ito at pinapainitan para matuyo agad ang print.


"Magmeryenda na muna kayo."-anyaya ni Tita Sonia, mommy ni Denson.


"Opo tita. Thank you!"-sagot nila at kumuha ng sandwich.


"Baka makain mo yung pintura. Maghugas ka muna ng kamay."-Kate to Merck. Nasa tapat niya kasi ito at may blue at puti na pintura ang kamay niya.


"Subuan mo nalang ako."-nakangiting sagot naman nito sa kaniya.


Kinuha ni Kate ang sandwich at saka sinubo kay Merck. Kumagat ito at halos kalahati agad.


"Dahan dahan kasi! Hahaha!"-natatawa si Kate dahil halos mabulunan ito. Inabutan niya ito ng bottled water.


May nabasag na bagay sa gilid nila kaya napatingin sila.


"Sorry. Dumulas."-Nakatingin sa kaniya si Renzo at may galit ang mata nito. napalunok si Kate. Ano na namang ginawa niyang masama? 


"Ayos lang. Nasa kusina ang walis at dustpan, pare."-sagot ni Denson at umalis si Renzo.


"Kumagat, pare. Haha."-natatawa si Merck at naghighfive sila ni Denson, Ric at Zem.


"May feelings padin. Hahaha!"-Zem.


Umiling nalang si Kate at pinagpatuloy ang pag-aayos ng props para bukas. Nakabalik na si Renzo at may dalang dustpan at walis.


"Kate, subuan mo pa ako."-nakangiti si Merck sa kaniya kaya inirapan niya lang ito.


"Maghugas ka ng kamay. Busy ako."-pagsusungit niya at tinawanan lang siya nito.


Lahat ng balloons ay pinalobohan na nila at dinala sa loob ng mga kotse na gagamitin bukas. Ang iba ay nasa motor. May nakalagay na batch 2011 sa lahat ng balloons at yellow and green ang kulay nito since ito ang theme ng school nila.

Nothing in this world (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon