Isang linggong wala sa sarili si Kate. Ni hindi sya makapagtrabaho ng maayos.
"Ma'am Kate, Sir Alucard is here." Tumango nalang si Kate at pumasok ang binata na may dalang flowers at wine. Kitang kita ang asul na mata nito at bagong gupit na mas lalong nakadagdag sa angking kagwapuhan nito.
"Are you alright? You look pale."-sagot nito sa kaniya at tumango siya. "Hindi ka makakapagtrabaho ng maayos kung ganyan, Tequila. I'll take you home."
"Wag na. kaya ko naman."
"No."-sagot ni Alucard at tinawag ang assistant nito para ipa-assist sila papuntang unit niya. Iinihatid siya ng golf cart hanggang makarating sa building niya.
"I'll take care of her from here. Thanks."-sagot ni Alucard at sinamahan siya hanggang sa tapat ng unit niya.
"K-Kaya kong maglakad."-protesta niya pero hindi nagpa-tinag ang binata. Bridal style ang pagbubuhat sa kaniya nito.
"Wag ka ng umangal, babe. Malaki ang muscles ko kahit tatlong Tequila Buenaventura pa kaya kong buhatin."-sagot nito sa kaniya. Malaki nga naman talaga ang katawan nito at bagay naman sa kaniya dahil matangkad ito. Mas matangkad si Alucard kung ikukumpara sa kanilang magpipinsan. Mas malaki din ang katawan nito na halatang laking gym. Sobrang bango din nito at nakaka-adik ang amoy ng musk na gamit nito.
"T-Thank you, Alucard. Kaya ko na."-sagot nito pero sa halip na sagutin siya nito, kinuha nito ang susi sa kamay niya at ito na nag nagbukas ng pinto ng unit niya. ibinaba siya nito sa sofa.
"Sorry sa istorbo."-bulong niya.
"It's okay. Alam ko naman na wala akong chance sayo pero at least let me be your best friend. I always wanted to have a girl best friend."-sagot nito sa kaniya at kumuha ng bimpo at pinunasan ang noo niya. Napa
"May sinat ka. You need to unwind. I'll be leaving for Alaska this Thursday. You want to come?" Alaska? Hindi pa sya nakakapunta doon.
"H-Ha? Naku, hindi pwede. May trabaho ako."
"Makaka-survive naman ang lugar nato kahit wala ka, Tequila. As your bestfriend and your boss, I demand you to take a break."-nakangiting sagot nito sa kaniya.
"Kelan pa kita naging bestfriend?"
"Ngayon ngayon lang." Natawa nalang siya.
"Promise me, walang hidden agenda to?"-tanong niya sa binata.
"Wala. Promise. Pinaalam na kita kay Odette. Wala naman daw problema."
"Talaga? Pumayag siya?"
"Oo. Basta wag daw kita gawing isa sa mga babae ko. I told her that I want to be your best friend at hindi pa siya convinced kaya papatunayan ko yun."-natatawang sagot ni Alucard sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Nothing in this world (COMPLETED)
RomanceNathan is Kate's long time boyfriend at matagal na niyang inaantay na yayain siya nitong magpa-kasal. Mas mahal ng lalaki ang career nito at napapabayaan na siya. Madalas na silang nag-aaway at nag-tatalo. Hindi na healthy ang relasyon nila. Kate...