Chapter 5: Heartbeat

117 6 6
                                    

Kate's POV:


Hindi ko alam kung ilang oras akong umiyak sa bisig niya. Nakita ko nalang na basang basa na yung tshirt niya.


"S-Sorry, basa na yung shirt mo."


"Okay lang. ok ka na?"


"I want to drink. Samahan mo ako."


"Sige."


Naglakad kami papunta sa bar. Sa counter kami umupo.


"Tequila sunrise nga... sayo?"tanong ko kay Renzo.


"Screwdriver."


Tulala ako habang ginagawa yung drinks.


"Tell me, Renzo. Kelan ka magpro-po-pose sa kaniya?"


"Ha?"


"Dun din naman ang punta niyo diba?"


Inabot nung bartender yung drink kaya inistraight ko agad at umorder ulit.


"Don't tell me, hindi mo mahal yung babae? Tsk. Kung ganon pala, pota, wag mo ng paasahin!"


"Wag kang magmura please."


"Bakit? Anong mali dun? Tangina kasi. Hirap na hirap na ako."


"Kate..."


"Yan ang hirap sa inyong mga lalaki, paasa kayo!"


"Wag mong i-generalize, Kate. May kanya kanyang reason ang lahat ng bagay."


Hindi ko alam kung nakailang tequila ako. basta, umiikot na  yung paningin ko pero kulang padin.


"Sex on the beach please."


"Tatamaan ka niyan. Hinay hinay lang... boss, wag muna. Mamaya na baka malasing to."


"Renzo naman. Yun nga ang balak ko eh. maglasing. Tssss."


"Uuwi na tayo kung maglalasing ka dito."


"Hmp.... Last na to...tapos sa villa nalang...total libre lang dun. Madaming alak akong nakita kanina. hahaha"


Ininom ko ng straight ang sex on the beach at humagod ito sa lalamunan ko.


"Singkit kana. Lasing ka. tara na."


Nag-abot ng pera si Renzo at saka hinila ako. Tumakbo ako papunta sa beach at naririnig ko siyang sumisigaw pero hindi ko maintindihan yung sinasabi niya. tinanggal ko yung shirt ko at tinapon kung saan at saka nag-dive sa dagat.

Nothing in this world (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon