This chap is dedicated to all my childhood friends :) This is just a story, no personal issues are involved.
-----
"Dare or dare?"-tanong ni Denson. Lahat ng mata naka-focus sa kaniya. Hindi siya makahinga. Kinakabahan siya sa iuutos sa kaniya ni Denson.
"T-Truth"-sagot ni Kate.
"Walang truth sa choices. Dare lang ang meron."-singit ni Merck. Napalunok siya ulit. Shit. Ang daya!
"P-Pero..."-Kate.
"Wala. Ako ang mag-uutos eh. Pili na."-Denson. Nakasmirk ito.
"Wala naman akong choice. Sige. D-Dare."-Kate.
Lumaki ang ngiti ni Denson at saka tiningnan niya ang mga tropa nito at nakangiti din ng nakakaloko. Shit. Pagtritripan yata sya ng mga to.
"Lumapit ka kay Renzo at sabihin mong 'Renzo mahal kita.' Tapos halikan mo sa labi."-Denson. Nanlaki ang mga mata niya. What the hell?!
"T-Teka... ang dami naman. S-saka bakit may h-halik? Siraulo ka talaga."-reklamo niya.
"Bawal reklamo dahil ako ang nag-utos, game lang naman ito. Sige na."Denson.
"Walang atrasan. Ikaw ang magbabayad ng venue ng after party!"-Zem.
"Oo nga! Peck lang sa lips."-hirit ni Grace.
"M-Magkano ba yun?"-Kate.
"3 days 2 nights yun saka 15 rooms. 5k per night times 2 days time 15 rooms equals... .. mga 150 thousand."-Merck. Nakasmirk ito sa kaniya.
"Shit."-bulong ni Kate. Ang mahal naman!
"Wala kang choice. Haha. Tumayo ka na!"-Denson.
Lumagok siya ng beer sa tabi niya bago tuluyang tumayo.
"Yun oh!"-sigaw nila.
"B-Baka may magalit."-Kate.
"Wala! Wala namang magpipicture eh. Sasapakin ko ang kukuha ng picture."-Denson.
Naglakad na siya papalapit kay Renzo. Nakatulala ito sa kaniya at kitang kita ang maganda nitong mata. Kinagat niya ang labi niya saka umupo sa tapat nito. Muling naghiyawan ang mga tao sa paligid kaya mas lalong lumakas ang tibok ng puso niya.
"R-Renzo, m-mahal kita."-bulong ni Kate. Nanlaki ang mata ni Renzo na nakatulala sa kaniya. Lumunok ito kaya gumalaw ang adam's apple niya and he looks hot. Pumikit si Kate at dinampian ng halik sa pisngi ang lalaki.
BINABASA MO ANG
Nothing in this world (COMPLETED)
RomanceNathan is Kate's long time boyfriend at matagal na niyang inaantay na yayain siya nitong magpa-kasal. Mas mahal ng lalaki ang career nito at napapabayaan na siya. Madalas na silang nag-aaway at nag-tatalo. Hindi na healthy ang relasyon nila. Kate...
