Chapter 10: true colors

125 6 0
                                    


"Are you ready?"-tanong ni Alucard kay Kate. Nasa tapat na sila ng bahay nila sa Bulacan. May isa pang kotse sa likod nila at laman nito ay dalawang bodyguard nito at personal assistant.


"Just wait inside the car. I don't like attention."-utos ni Alucard sa mga kasamahan nito. Bumaba na sila sa kotse at napatingin sa kaniya ang mommy niya na nagdidilig ng halaman.


"Kate!"-tumakbo ito palapit sa kaniya.


"Mommy, wag ka ng tumakbo. Hindi ka na bata."-nagbibirong sagot ni Kate sa kaniya at saka niyakap ito.


"Sino yang gwapong Amerikano na kasama mo?"-tanong ng mommy niya.


"Ahm, isa po siya sa mga boss ko and bestfriend at the same time, mom. He's Dr. Alucard Montenegro."


"Good afternoon, tita."-bati ni Alucard sa kanya gamit ang English accent nito.


"Alucard? kakaiba ang pangalan mo. Doctor ka hijo? Naku, siguradong pinagkakaguluhan ka sa ospital dahil sa kagwapuhan mo! Haha. Good afternoon din, hijo. Naku, dapat nagsabi ka manlang samin Kate para nakapag-linis kami ng bahay. Pasok kayo."


Pumasok sila ni Alucard sa loob ng bahay. Sakto lamang ang laki ng bahay nila. Two storey building ito ay may apat na kwarto sa taas at dalawa sa baba. May library din sila at separate na entertainment room.


"Maliit lang ang bahay namin compared sa mansion niyo."-Kate.


"It's fine, bee. Your lolamommy is nice and you look like her."


Pinaghanda sila ng juice ng mommy niya.


"Kate? Naku, napabisita ka!"-niyakap siya ng daddy niya. Malaki ang eyebags nito at nahirapang maglakad.


"Anong nangyari sayo, dad? ayos ka lang ba?"


"Ah, O-Oo. Nalaglag lang ako sa hagdan."-sagot ng daddy niya. Nagulat naman siya ng lumuhod si Al sa harap ng daddy niya at hinawakan ang binti nito na namamanas.


"You need to see a doctor for this, tito. Mahilig po ba kayo sa maalat? Mukang may problema ang kidney ninyo. We need to run tests."-Al.


"Naku, nagpacheckup na ako nung nakaraan, a-ayos naman daw."


"I insist, tito. Heart surgeon po ako at hindi ko ito specialty but I have a cousin who's a Nephrologist. He can help you. I'll take you to my hospital. Maasikaso ka po doon."


"Naku, Salamat, hijo. Sino ka pala?"


"Alucard Collins Montenegro po. At your service. I'm Tequila's bestfriend."


"Bestfriend?"

Nothing in this world (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon