This chap is dedicated to Zia and all my childhood friends.Happy reading! :)
-----
Naging maayos naman ang Homecoming nila. Umuwi kaagad si Kate dahil sumasakit ang ulo niya bunga narin siguro sa sunod sunod na puyat. After ng event, nagsiuwian din sila sa pamilya nila para makibonding. May after party na ginanap sa restau bar ni Shane at hindi na sya pumunta dahil feeling niya puro alak na yung half ng liquid sa kanyang katawan.
"Are you sure, hindi kayo sasama ng Batangas?"-tanong ni Kate kay Danna at Che.
"Oo. Magbobonding pa kasi kami ng parents ko kela lola."-Che.
"Pakamusta nalang ako kela lola."
"Birthday naman ni Mama sa isang araw kaya hindi ako makakasama."-Danna.
"Pakibati nalang ng happy birthday kay tita. So hindi na tayo makakapagbonding? Ang daya naman!"-Kate.
"Magkita kita nalang tayo pagluwas."-Che.
"Punta kayo samin sa Laguna at gumala tayo. Bawi nalang. After ng Batangas, babalik ka na ng Manila diba?"-Danna.
"O sige. ingat kayo ha. Skype saka messenger nalang tayo."-Kate. Niyakap niya ang dalawa at saka nagpaalam.
Chineck ni Kate ang mga pintuan ng sa mga kwarto sa taas at sa likod kung naka-lock na ito. Chineck niya din lahat ng bintana. Ibinaba niya ang breaker at saka lumabas ng bahay. Pinagmasdan niya bahay nila bago siya lumabas ng gate. Nag-aabang na ang pinsan niyang si Ric sa labas ng bahay niya. Dalawang van ang nirentahan nila. Binuksan ni Ric ang pinto ng van at nakita niya si Renzo na nakatingin sa kaniya. Napakagat nalang siya sa labi.
"Tabi kayo ni Renzo, couz."-nakangiti si Ric sa kaniya at saka nilagay ang bag niya sa likod.
"Uh, sige." Umakyat na siya ng van at saka isinara ito ni Ric. Katabi niya si Renzo at nababaliw na naman ang puso niya.
"Kate!"-nasa unahan niya si Fatima, Ric, Shane at Denson. Nasa likuran naman sila Grace, Zem, Merck at JM. Sila lang ni Renzo ang nasa gitna.
"Susunduin pa ba natin ang karibal mo, Renzo?"-natatawang tanong ni Denson.
"Karibal?"-bulong ni Kate sa isip niya.
"Si Arjay? Malapit lang samin ang bahay niya. dapat dumaan na tayo kanina."-Grace.
"Hayaan mo siyang mag-antay, babe. Haha."-Zem. Teka, si Arjay ang karibal ni Renzo? Kanino? Sa kaniya?
"Ayokong katabi yun. Sa gulong nalang siya."-malamig na sagot ni Renzo kaya natawa ang mga kalalakihan.
BINABASA MO ANG
Nothing in this world (COMPLETED)
Любовные романыNathan is Kate's long time boyfriend at matagal na niyang inaantay na yayain siya nitong magpa-kasal. Mas mahal ng lalaki ang career nito at napapabayaan na siya. Madalas na silang nag-aaway at nag-tatalo. Hindi na healthy ang relasyon nila. Kate...