"Magjamming nalang tayo dito sa loob ng villa. Bukas nalang tayo maligo. Nakakatamad na saka masakit yung sugat kapag nabasa ng tubig alat."-Denson. Nakonsensya tuloy ako bigla.
"Ipaghahanda ko nalang kayo. Ano bang gusto niyo?"-tanong ko.
"Kahit ano gagawin mo?"-nakangiting sagot ni Merck.
"Oo. Name it."-sagot ko.
"Kahit ano daw, pare."-Zem. Napatingin silang lahat kay Renzo kaya napalunok ako.
"Renz, nasayo na ang bato ni Ding. Ikaw na ang bahala."-Ric.
"Oo nga tutal ikaw ang nanguna sa labanan. Haha."-Denson.
"Sleep with me tonight."-Renzo. Nalaglag ang panga ko.
"R-Ric?"-tanong ko sa pinsan ko at tumango lang siya. seryoso?!
"Matutulog lang tayo. Yun lang. I just want us to talk alone. Yung walang extra."-Renzo. Lumunok ako ulit. Tulog lang ba talaga?
"Diba sabi mo kahit ano? Wala ng bawian."-Denson. Ano ba tong napasok ko?!
"Mag-padeliver tayo ng pizza saka bucket ng beers ulit."-JM.
"Oo nga."-Karl.
"Sige. ako na tatawag. Other requests?"-Arsenio.
"Sisig bangus saka sisig tokwa."-Marvin.
"Lechon manok."-BJ.
"Lobster."-Danna.
"Oo masarap yan pulutan."-Merck.
"Steak saka barbecue."-JM.
"O sige. isulat niyo sa papel."-Arsenio.
"Sana all may kaibigan na Montenegro."-Tanya.
May malaking TV sa living room. 72 inches to at binuksan ni Denson.
"Grown ups! Nice. Kakastart lang mga pare."-Merck.
Nakaupo kami sa sofa at dahil hindi kami kasya, nasa sahig yung iba. Nasa kanan ko si Danna at nasa kaliwa ko si Fatima kaya hindi ko katabi si Renzo.
"Dito nalang ako."-Pumwesto si Renzo sa harapan ko. sa sahig siya nakaupo.
"Dun nga kayo sa villa niyo."-pagtataboy ni Renzo kay Marvin dahil humiga ito sa binti niya. natawa nalang ako.
BINABASA MO ANG
Nothing in this world (COMPLETED)
RomanceNathan is Kate's long time boyfriend at matagal na niyang inaantay na yayain siya nitong magpa-kasal. Mas mahal ng lalaki ang career nito at napapabayaan na siya. Madalas na silang nag-aaway at nag-tatalo. Hindi na healthy ang relasyon nila. Kate...