Chapter 1: First love

328 9 9
                                    

Author's note:


I used my childhood friends' names and also my home town. This is just a story. Wala pong personalan.  Happy reading :)

This chap is dedicated to my couz Che, bff Danna, Erma, Teri and Tinay :)


---


"Hey, alumni homecoming na next week! Are you excited?!" Kate, Che and Danna are talking via Skype. Nalalapit na ang Alumni Homecoming nila na ginaganap tuwing last week ng April kada limang taon. Pinsan ni Kate si Che at childhood friend slash bestfriend nila si Danna since birth.


"Yes. Nag-file na ako ng leave."-nakangiting sagot ni Kate.


"Me too!"-sagot naman ni Che na kumakain ng mansanas.


"Well, nandito lang naman ako sa Mindoro at tapat lang ng bahay namin ang St. Jo. Haha."-natatawang sagot ni Danna. Sa St. Joseph Academy sila sa Mindoro nag-aral at dito gaganapin ang Alumni sa susunod na linggo. May restaurant na business sila Danna na may 3 branches. Nagtapos ito ng Business Ad sa isang Unibersidad sa Laguna.


"Naka-impake na ako sa sobrang excited!"-Che.


"Ako din naman pero kulang pa ako ng toiletries."-Kate.


"Sa bahay niyo ba ikaw uuwi? Mag-isa ka lang dun kapag nagkataon. Kung gusto mo, sa bahay ka nalang matulog."-Che.


"Oo nga. O kaya samin ka nalang matulog."-Danna.


"Sanay naman akong mag-isa. Kung gusto niyo, sa bahay nalang tayo matulog para makapagbonding tayo since ako lang naman mag-isa."-Kate.


"Gusto ko yan!"-sabay na sagot ni Che at Danna.


"Mag-grocery nalang tayo since walang pagkain sa bahay. Kaka-ani lang ng bigas nila lolo so wala na tayong popoblemahin sa bigas."-Kate. Ang lolo ni Kate sa side ng mommy niya ay may malaking taniman ng palay sa probinsya nila at saktong anihan kaya sako sako ito.


"Ako na bahala sa seafoods."-Danna. May palaisdaan silang malaki at meron din silang iba't ibang klase ng seafood kagaya ng alimango, sugpo at hipon.


"Sarap! Sige, sakin nalang yung meat and veggies. Masarap magluto si James. Sasama siya pauwi."-Che. Si James ang asawa ni Che. Engineer si Che at chef naman si James sa isang malaking barko.


"Great! May tagaluto tayo! Kelan kayo mag-be-baby?"-Danna.


"Wala pa sa plano. Alam niyo naman ang trabaho ni James. Huling akyat na niya ng barko ngayong taon at balak naming magbusiness na."-Che.


"Maganda yan para magkasama na kayo."-Kate.


Patuloy ang kwentuhan ng tatlo na para bang sabik na sabik sa isa't isa.

Nothing in this world (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon