"Nanliligaw ba yun sayo?"-tanong ni Renzo ng makabalik siya sa living room. Bitbit nya ang isang boteng alak at wine glass.
"Hindi noh. 1950 pa to. Tiyak masarap ito."-sagot ni Kate at nilagyan ang baso ng wine.
"Sigurado ka? bakit nagbigay ng bulaklak ang taong yun? Anong nakalagay sa card?"
"Sweet lang talaga sya."
"Tss. Dr. Alucard Montenegro."-bulong nito. natawa nalang si Kate sa reaksyon niya.
"Wag ka ngang ngumuso dyan. Hindi naman ako gusto nun. Boss ko yun."
"Hindi naman ako nagseselos." Natahimik siya sa sagot nito sa kaniya.
Napatigil si Kate ng mag-ring ang telephone niya.
"Good evening Ma'am Kate, this is Lara from the reception desk. May naghahanap po sa inyo dito sa lobby. Grandparents niyo daw po." Nagtaka si Kate kung bakit ngayon dumating ang parents niya. ang sabi nila ay sa Sunday pa sila pupunta. Friday palang ngayon.
"Ah, sige paakyatin mo na. Thank you, Lara." Ibinaba niya na ang telephone at bumaling kay Renzo na nakatingin sa kaniya.
"Nandito ang grandparents ko, Renzo. Magtago ka muna sa kwarto ko at wag kang lalabas."
"Bakit ako magtatago? Pede mo naman akong ipakilala na kaibigan mo."
"Hindi pa alam nila daddy na wala na kami ni N-Nathan."-sagot nito. daddy at mommy ang tawag niya sa grandparents niya dahil ito ang nagpalaki sa kaniya. Nasa ibang bansa kasi pareho ang magulang niya.
"Bakit?"
"Matanda na sila. Ayokong...biglain sila. Gustong gusto nila si Nathan para sakin."
"Naiintindihan ko."-sagot ni Renzo at dumaretso sa kwarto niya.
Niligpit ni Kate ang isang wine glass at bote. Kelangan mukang nag-iisa lang siya sa loob ng unit niya. Pinasok niya ang kwarto na tutulugan ni Renzo at kinuha ang damit nito at dinala sa kwarto niya. Naabutan niyang nakahiga sa kama niya ang binata.
"Ah, pwede bang sa walk-in closet ka magtago?"
"Hindi naman siguro sila papasok dito."
"Please."
Huminga ng malalim si Renzo at saka pumasok sa walkin closet niya.
"May lock dyan sa loob. Ilock mo ha."
Lumabas si Kate ng biglang may mag-door bell. Binuksan niya ang pinto at niyakap ang dalawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/235992882-288-k572710.jpg)
BINABASA MO ANG
Nothing in this world (COMPLETED)
RomanceNathan is Kate's long time boyfriend at matagal na niyang inaantay na yayain siya nitong magpa-kasal. Mas mahal ng lalaki ang career nito at napapabayaan na siya. Madalas na silang nag-aaway at nag-tatalo. Hindi na healthy ang relasyon nila. Kate...