Kumatok si Merck sa kwarto ni Kate dahil nawawala si Renzo. Naabutan niyang magkatabi ang dalawa at natutulog. Napangiti siya. finally, sana magkatuluyan na sila. Huminga siya ng malalim at dahan dahang sinara ang pinto.
"Nakita mo?"-tanong ni Ric.
"Oo. Umiiskor sa pinsan mo."-Merck.
"Ha?!" Naglakad si Ric papunta sa kwarto ni Kate kaya humarang si Merck.
"Joke lang. Natutulog lang. Chill. Ok na yang ganiyan, pare. Pero sana this time, wag na niyang paasahin si Kate dahil ayokong patahanin na naman kapag umiyak sya kagaya noon."-natatawang sagot ni Merck saka kumuha ng beer sa ref.
"So hindi ka aamin sa kaniya? Alam kong crush mo siya."-Fatima. Nakaupo ito sa sofa at napatingin sa kanila.
"H-Ha? Hindi. Pinsan lang ang turing ko sa kaniya."
"Weh? Hindi naman kayo magka-dugo."-Danna.
"Pero asawa ng kuya ko ang tita niya kaya para sakin, kamag-anak ko nadin siya."
"Hmm. Oh well, ikaw ang bahala."-Ric.
"Mas mabuti na nga na wag ka ng umamin."-Fatima.
"Oo tama ka dyan, babe. Mas makakabuti yan para sa inyo, Merck."-Ric.
Nilunok ni Merck ang beer na hawak at lumingon sa kwarto ni Kate. He likes her since they were little. Magkababata sila at magkaklase mula pa Grade 1 at alam niya sa sarili niya na humahanga siya dito. It's just a crush, nothing more.
Bumukas ang kwarto ni Kate at lumabas si Renzo doon. Napatingin silang apat sa kaniya.
"Siguraduhin mo lang na pananagutan mo ang pinsan ko."-Ric.
"Kapag pinaiyak mo siya, ako ang sasapak sayo."-Merck.
"Ang OA niyo. Hahaha."-Danna.
Napangiti naman si Renzo at saka kumuha ng beer sa ref.
"Promise, this time, iingatan ko na siya. sinabi ko na sa kanya yung totoong nararamdaman ko."-Renzo.
"Weh? Anong reply?"-excited na tanong ni Danna.
"Wala pa. Alam kong nagmomove on pa siya. hindi biro ang walong taon. Anong laban ko dun."
"May laban ka dun, pare. Ikaw ang first love eh. First love never dies nga diba."-Ric.
"Ano palang balak mo sa girlfriend mo? Tapusin mo muna yan bago ka pumasok sa panibagong relasyon. Ayokong umiyak na naman siya dahil sayo."-seryoso ang muka ni Merck.

BINABASA MO ANG
Nothing in this world (COMPLETED)
RomanceNathan is Kate's long time boyfriend at matagal na niyang inaantay na yayain siya nitong magpa-kasal. Mas mahal ng lalaki ang career nito at napapabayaan na siya. Madalas na silang nag-aaway at nag-tatalo. Hindi na healthy ang relasyon nila. Kate...