Sa Montefalco Airlines sila sumakay ng plane. nakahanda na ang eroplano nito. nakita niyang may nakalagay na 'Collins' sa name ng airplane kaya alam niyang sa kanila ito.
"Montefalco si Odette diba? So sa kanila yung airlines?"-tanong ni Kate.
"Yes, bee. Sa private plane na tayo sumakay para hindi na hassle. Ayoko ding sumabay sa ibang pasahero. Tara?"
Nakahawak sa kamay niya si Alucard hanggang makapasok sa loob. Mukang good for 20 persons dito. May dalawang bodyguards, isang flight attendant, saka dalawang pilot silang kasama.
"Heto yung pinabili nyo, Sir."-may inabot na paper bag na triumph ang isang bodyguard at iniabot kay Alucard. Namula si Kate. Triumph pa ang tatak at sigurado siyang ito ang pinabili niyang bra.
"Thanks. Here, bee. I'm sure kasya na yan. Haha."-Alucard. tinanggap naman niya ito. Libo ang price ng isang bra at nalula na naman siya. Limang piraso ang binili sa kanya at worth 7k kaagad! Ang mahal nito para maging underwear lang.
"B-Bee, ang mahal naman. Kahit dalawa lang sana. Masyadong mahal. Sayang ang pera mo."-bulong niya. nasa loob na sila ng private plane nito.
"Don't bother, bee. Pera lang yan. kikitain ko pa. besides, para sayo naman so it's worth it."-sagot nito na nagpangiti sa kaniya.
"You can sleep if you want, bee. Or gusto mo ng wine?"
"I'm not sleepy. Wine nalang. Thank you pala sa mga binigay mong wines. Masasarap lahat."
"Syempre, masarap yun parang ako."-nakakalokong sagot nito.
Malamig na yung klima at ang ganda ng paligid. Todo silip sya sa bintana ng eroplano at hindi matanggal ang ngiti niya sa view.
"Ang ganda pala sa Alaska."-bulong ni Kate. Alucard's right arm is on her waist. Her heart is beating so damn fast and yet, she feels so comfortable whenever he's around. Mixed emotions ang nararamdaman niya.
"I'm glad you like it. Can I ask you a favor, bee?"
"Kahit ano wag lang kamanyakan."-sagot nito sa kaniya. Alucard chuckled.
"Can I introduce you as my girlfriend? I'm sure magtataka sila kapag sinabi kong bestfriend lang kita.... If it's ok with you." Bumibilis ang tibok ng puso nya at hindi agad nakapagsalita. Sa halip, tumango na lamang siya bilang sagot. Hindi pa ito nagdadala ng babae sa bahay nila? Ang swerte naman niya kung ganon.
Bumaba sila sa isang private island at sigurado siyang nasa Alaska na siya. May sumalubong sa kanilang isang babaeng maganda, sexy at mestiza, blue din ang mata nito na parang babaeng version ni Alucard. Meron ding isang medyo may edad na lalaki na kamukang kamuka nito at babae na kamuka niya din at asul ang mata.
"Mom, dad, Masha, I want you all to meet my girlfriend, Kate Tequila Buenaventura."-pakilala nito sa kanila. Halos malagutan siya ng hininga dahil pinakilala siyang girlfriend nito sa harap ng magulang at kapatid. Oh God! Nababaliw na siya.
BINABASA MO ANG
Nothing in this world (COMPLETED)
Roman d'amourNathan is Kate's long time boyfriend at matagal na niyang inaantay na yayain siya nitong magpa-kasal. Mas mahal ng lalaki ang career nito at napapabayaan na siya. Madalas na silang nag-aaway at nag-tatalo. Hindi na healthy ang relasyon nila. Kate...