July 19, 5:00 PM
Abot tahip ang kaba ko nang makarating sa Falls na pagkikitain namin ng dalawang Alak. Hindi ko alam kung anong gagawin ko once na makita ko silang pareho doon. Hindi ko kilala si Whiskey, kahit mukha, boses, o ano pa man.
Siguro sa abs? Kasi 'yon 'yung Icon niya sa telegram eh. Abs niya lang. Feeling ko naman kabisado ko na 'yon, kasi ilang beses ako nakatitig doon e. Feeling ko din kaya ko na 'yon i-drawing sa hangin.
So anyways, ayon nga. Naglalakad na ako ngayon sa bwisit na napakadaming putik at malalaking trunks ng puno sa lupa. Ang dami ring bato at nagkalat na mga tuyong dahon na siyang gumagawa ng nakakakilabot na tunog sa tuwing humakhabang ang mga paa ko.
Sobrang lapit ko na sa may Falls, dahil naaaninag ko na mula pa dito si Ramm baby. Nakatitig lamang ako doon habang isinasarado ang maliit na distansya naming dalawa.
Huhu, tangina. Humarap. Ang gwapo talaga.
Naiwan ang mga mata niya sa akin, samantalang pinasadahan ko naman ng tingin ang buong paligid.
Hinahanap 'yong isa pang tao na kikitain ko.
Pero wala. Walang ibang tao.
Si Ramm lang ang tanging naghihintay doon.
Wala ng iba. Kami lang dalawa.
Okay.
Huwag ng hanapin 'yong mga wala dito.