"Psyche," bulong ni Ramm matapos niyang iparada ang sasakyan sa tapat ng bahay nila Mama.
Nanatili akong tahimik, hindi ko magawang mag salita. Bukod sa ayaw ko siyang kausapin, wala rin namang lalabas na salita mula sa labi ko dahil hindi ko alam ang dapat na sasabihin.
Ang alam ko lang galit ako. Gusto ko siyang murahin, laitin at ibato sa kanya lahat ng mga masasakit na natanggap ko noon sa mga tao.
Narinig ko ang marahas na buntong hininga niya. "Can we talk.. some other time?"
Kahit sulyapan siya ay hindi ko magawa. Ang sakit pa rin pala. Lahat bumabalik. O baka naman hindi kasi nawala?
"I know it's been almost a decade now.. But still, I want to explain everything to you.."
Nanuyo ang lalamunan ko sa pagkalambing ng boses niya. Parang nag susumamo, parang nanunuyo.
Kalma, Pscyhe. Hindi ka dapat na magpadala. Winasak ka niya. Sinira ka niya. Ginulo niya ang buhay mo. Pakiusap, huwag kang marupok tangina.
Nahigit ko ang hininga ko nang maramdaman ang paglapat ng kamay niya sa ibabaw ng palad ko. Unti unting bumaba ang tingin ko doon, pinapanood ang marahan at maingat na paghagod ng mga daliri noya doon.
"Baby, that's not me.. I would never do that to you, Psyche."
Hindi ako naniniwala.