#wmm38

1K 35 13
                                    

Okay, narration Pasok!
Ps. Iba 'to sa kung paano ako mag narrate sa mga novels ko hehehe. Try ko lang mag bara barang narration.
***

Nakanguso ako habang tinititigan ang cellphone ko na nakababa at nakapatong lamang sa magkabilang hita ko. I am torn between sending a message to Whiskey, o kaya naman ay tititigan na lamang si Ramm baby na nakaupo doon sa kabilang sofa.

Putangina, ang hot talaga.

Hindi ko alam kung sino na ba ang crush ko, kasi alam ko, sure ako na crush ko si Whiskey kahit na hindi ko pa ganoon ka-kilala. Well, wala pa naman kaming napag uusapan na matino talaga dahil sa akin.

"Hoy, kanina ang daldal mo kaka-kwento tungkol sa Crush mo, tapos ngayon hindi ka na nagsasalita?!"

Inis kong hinarap si Aphrodite na epal sa tabi ko. May hawak siyang baso, base pa lamang sa amoy niyon, alam ko na kaagad na Rum iyon.

"Don't talk to me, mabaho ang hininga mo.."

Narinig ko ang halos sunod sunod na pag mumura niya, kaya bago niya pa ako bugbugin, mabilis na akong tumayo at tinungo ang Bar island counter dito sa loob ng bahay ko. Charot, bahay nila Astraea 'to, pero for sure magiging bahay ko rin in the near future.

Habang namimili kung alin ang susubukin kong inumin, nakaramdam ako ng pamilyar na presensiya sa tabi ko. Hindi iyon si Ramm, multo 'yon.

Charot siyempre, si Ramm 'yon. Hindi naman multo ang partner ko dito sa story na 'to.

Halos manuyo ang lalamunan ko nang bahagyang magtama ang siko naming dalawa. Shet, bakit siko lang?!

Hina mo naman, baby!

Kinakabahan ako pero hindi ko iyon pinapahalata. Syempre, kahit naman malandi at maharot ako may hiya pa din ako sa katawan.

Pagilid ko siyang tiningnan at napakagat na lamang ako sa labi nang mapansin na kaunting kaunti lamang ang distansya ay magdidikit na talaga ang katawan namin.

Bago pa ako makapagsalita at makaangat ng tingin kay Ramm, narinig ko na ang nakakaakit niyang boses na nagpapakilabot sa akin.

"What do you want to drink? Wine, tequila.. Whiskey.. Or rum?" aniya sa mabagal na boses.

Nahigit ko ang hininga nang matigilan ako't maproseso sa isip ang sinabi niya.

Pamilyar.

Ano daw?

"U-uh.." Putangina, ba't wala akong masabi?! "W-wine na lang.."

Ganoon dapat ang sagot.

None of the two. Hehe #goodgirlsipsyche #hindibiased #improudtomyself.

wreck me moreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon