Isang malakas at nakakabinging sampal ang natanggap ko kay Mama. Napapikit ako at mariin na napakagat sa labi nang maramdaman ang hapdi at mainit na sumigid sa aking pisngi. Pakiramdam ko ay namanhid ang parteng iyon ng mukha ko, kasabay ng pagkamanhid ng puso ko dahil sa sakit at pighating nararamdaman ngayon.
Inaasahan ko na 'to. Inaantay ko lang. Tatanggapin ko, kasalanan ko.
Unti unti kong idinilat ang mga pagod na mata na may bakas ng luha. Nanginginig ang mga labi ko nang tumama ang paningin sa mata ng Mama ko.
Katulad ko, halos manginig din ang buong katawan niya sa galit at gigil. Bumuhos ang mga luha sa pisngi niya, hindi makapaniwalang nakatingin sa akin at halata ang galit sa buong ekspresiyon.
"A-ano sa tingin mo ang ginagawa mo Psyche?!" malakas na sigaw niya na nagpaismid sa akin.
Bago pa ako makasagot, mabilis at marahas niyang hinaltak ang buhok ko. Nalukot ang mukha ko sa sakit at hindi na halos makatayo dahil hindi na masabayan pa ang lakas niya, habang ikinakaladkad ako patungo sa sala ng bahay namin.
"Tangina! Nag iisip ka ba ah? Nasaan ang utak mo?"
Tahimik akong lumuluha habang umuungot at iniinda ang sakit. Ang mga hita at braso ko ay kumikirot na din, siguro ay tumatama sa kung saan saan na parte ng bahay at gamit sa paligid na nadadaanan.
"Nakakahiya ka punyeta! Bwisit, ano na ngayon ang sasabihin ng mga tao?! Ayon, tangina pinagpi-pyestahan ang kiki mong gaga ka!" ani Mama, at padaskol akong itinulak, dahilan para mapasubsob ang mukha at sarili ko sa sahig.
"Tignan mo ngayon ang nangyari?! Puro kalibugan ang nasa isip mo, kababae mong tao! Nakakadiri ka! Ang laswa laswa ng pinaggagagawa mo!"
"M-ma.."
Hindi ko na nakayanan at napahugolgol na ako sa sakit nang sunod sunod na tumama sa akin ang mga bagay na nahahawakan niya.
Napaigik ako sa sakit na lumukob sa buong katawan ko nang tumama sa akin ang Electricfan na siyang ipinambato niya sa akin.
Sumunod ay ang speaker. Ang mga figurines at ang suot niyang sandals na may takong pa.
Napakasakit no'n, pisikal e.
Pero tangina, mas masakit sa emosiyon.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang daming mga nambabatikos sa akin. Marami akong natatanggap na kung ano anong mensahe. Marami akong nababasa, nakikita. Ang sakit sakit pala.
Kahit mga kaibigan ko, ayon wala. Ako lang ang mag isa. Walang natira maski isa, kahit si Mama.
Sa kasalanang ako mismo ang gumawa, ako lang rin ang mag isang gagawa ng paraan para patuloy na lumaban.
Ang tanong.. Lalaban pa nga ba ako, kung wala na akong nakikitang pag asa para mabuhay pa ako?
Tanginang kagagahan 'to.