Eksaherada akong napasinghap. "A-ano?!"
Hindi siya sumagot at tahimik lamang na pinalis ang luhang kumawala sa mga mata niya.
"Sinong mga pinakulong mo? At teka.. Paano mo nagawa 'yon ah?! Wala ako dito!"
Bigo siyang umiling. "Hindi mo gugustuhin na malaman, Psyche.."
"Tanga ka! Ikaw ang dapat na nandoon sa kulungan! Kung sino sino ang ipinakulong mo, wala ka ng nagawang matino ano?!"
Yumuko siya at paulit ulit kong napansin ang pag galaw ng panga niya.
"Ikaw ang nagpakalat no'n hindi ba? Ikaw ang namahiya sa akin hindi ba? Ikaw 'yong nanloko sa akin, 'di ba? Oh bakit ikaw malaya ngayon?!"
Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko, kaya siguro ganoon na lamang ang pag sabog ko ngayon. Ayoko na, gusto ko na lamang ilabas. Tangina, walong taon.
"Tangina Ramm, dapat ikaw din naka kulong do'n! Napakababoy mong hayup ka! Nakakadiri ka!" Lumapit ako sa kanya at walang sawang pinaghahampas. "Napakagago mo! P-paano mo nagawa 'yon sa'kin ah?! Girlfriend mo 'ko R-ramm! Tangina ka ha, paano mo nagawa 'yon sa'kin!?"
Napahagulgol ako at tuluyan nang isinuko ang sarili sa kaniya sa bawat pag sangga at panghuhuli niya sa mga pananakit ko. Bumubulong siya ng mga kung ano anong salita na hindi naman nakakapag pakalma sa akin.
"F-fuck you! Huwag mo akong h-hawakan! Hayup ka! Nakakadiri ka! Napakababuy—"
Natigil ako sa paninigaw at pagpapaulan sa kanya ng mga mura't sapak dahil sa napakalakas na sigaw niya.
"It's not my fucking fault, Psyche!"
Napaigik ako sa takot, lalo na't humigpit ang hawak niya sa magkabilang braso ko. Madilim at matalim ang tingin niya sa akin.
"I-ikaw ang nagpahiya sa sarili mo! I-ikaw ang nagsend no'n, pero sigurado ka ba na ako ang kausap mo ah?! Ako ba ang nanghingi?!"
Nanlaki ang mga mata ko. Ano ang ibig niyang sabihin?
Marahas siyang umiling nang pakawalan ako. Bumuhos ang mga luha sa pisngi niya. "Tangina, sa akin ka galit na galit gayong ikaw ang gumawa ng ikapapahamak mo.."