"Psyche.."
Halos mapairap ako nang marinig ang utas ni Ramm sa magandang pangalan ko. Hindi ko alam kung bakit siya nandirito sa Airport, pero pakiramdam ko ay pakana ito ni Aphrodite.
Ang bwisit na 'yon! Bwisit silang lahat! Ang sarap tapunan ng kape!
Matalim kong tinitigan si Ramm sa harapan ko. Kitang kita ko ang pagbabago sa pisikal na anyo niya. Mas nag mature, pero wala ng panama iyon sa'kin.
Matagal na akong nakaahon sa kanya. Hindi na ako mag aatubiling lumusong pang muli.
"Psyche!"
Umigting ang bagang ko bago nilingon sina Aphrodite na kadarating lang. Pigil na pigil akong hindi umirap nang mamataan si Astraea na mukhang busangot sa tabi niya.
"Ayaw ko siyang kasama.." wala sa sariling usal ko, habang ang paningin ay na kay Astraea.
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang dumaan na sakit sa mata nito, ngunit ipinagsawalang bahala ko iyon.
"Alis na tayo Aphrodite," anyaya ko.
Lumipat ang paningin ni Aphrodite sa lalaking nasa likod ko, subalit agad rin naman na ibinalik sa akin.
"Heavily tinted ang sasakyan niya," inginuso niya pa si Ramm, dahilan para pagak akong matawa.
"Kung ayaw mo na makita ka ng mga tao, at kung ayaw mo na pag tinginan pa tayo lalo dito, sumama ka na sa kanya."
Palihim kong pinasadahan ng tingin ang buong Coffee shop, tama nga siya, dahil halos ang lahat ng mga naka upo at ibang naka pila sa malapit na counter ay pinagtitinginan kami.
Ang iba'y nag bubulungan pa, ngunit bago pa ako makapag salita, isang marahas na pag haltak na ang naramdaman ko sa palapulsuhan, upang tuluyan akong matangay at mapalayo sa mga mapang husgang mata ng mga tao.
Nawala na ako sa sarili ko, hindi ko na alam ang mga nangyari sa kasunod. Basta't natauhan na lamang ako nang nasa loob na ng isang magarang sasakyan ng putanginang baboy na ex ko.
"Tang- anong ginagawa mo?!" natatarantang sigaw ko habang nanlalaki ang mga mata dahil sa paghuhubad niya ng pang itaas na damit.
Tinapunan niya lamang ako ng tingin bago kumuha ng panibagong damit sa backseat. Nakatulala ako sa kanya, habang sinusuot niya 'yon. Napaismid na lamang ako nang bigla niyang ibato sa akin ang t-shirt niya kaninang ngayon ay amoy kape na!
"Your coffee spilled on my shirt," he groaned. "Amoy kape na ako.."
Umirap ako't pinili na manahimik na lamang sa front seat ng sasakyan niya.