"M-ma.. A-alam ko kung sino ang nag kalat at p-pinag-send-an ko.."
Kahit nanginginig sa takot, nagawa ko pa rin na ikondisyon sa tama ang pag iisip at sinasabi ko. Kailangan kong ipaglaban ang sarili ko. Kailangan kong ipagtanggol ang sarili ko.
Dahil sa sinabi ko, naagaw ko ang atensiyon ni Mama. Mag buhat nang kumalat ang mga litrato at video ko sa Internet noong isang araw, maski siya ay hindi na din nagkaroon pa ng pagkakataon na makalabas ng bahay.
Putak doon. Putak dito.
Ganoon ang nadidinig namin, kahit na sa ibang kapitbahay rito. Maliban syempre kina Aphrodite. Hindi ko nga lang alam kina Astraea.
"Sino? Alam mo ba ang bahay? Ang putanginang 'yon! Tara at sugurin natin!"
Hindi pa man ako nakakapag ayos o nakakabawi sa gulat, mabilis na niya akong kinaladkad palabas ng bahay.
Ang tibok ng puso ko sa loob loob ko'y masyadong mabilis ang takbo at pag tambol. Para akong hinahabol at nasa karera dahil sa pinaghalong takot at kaba.
Pero mas malala ang pagod.
"K-kila Astraea ma.. A-ang kuya niya ang nag pakalat.."
Napapikit ako nang tuluyan iyong lumabas sa bibig ko. Ang hirap aminin. Ang hirap sabihin. Ang hirap tanggapin.
Tangina minahal ko lang naman siya.
Bakit ganito ang iginanti niya?
Halos magkandarapa na ako nang hilahin ako ni Mama patungo kila Astraea. Mula sa pwesto namin, kitang kita ko doon si Astraea na parang gulat na gulat dahil naaaninag kami ni Mama na paparating.
"K-kuya!" sigaw niya sa natatarantang boses.
Saktong pagtapak namin sa pintuan ng bahay nila ay ang pag tambad ng buong pamilya nila. Kita ko ang panlulumo ni Ramm doon sa tabi ng Papa niya. Si Astraea ay tahimik na lumuluha sa gilid.
"Psyche!"
Hindi ako lumingon. Boses iyon ni Aphrodite, ngunit wala akong pakialam. Nasa likuran ko lamang siya dahil ramdam ko na malapit ang presensiya niya.
Umangat ang tingin ko kay Mama, ngunit ganoon na lamang ang pag kunot ng noo ko sa pagtataka nang mapansin ang pinaghalong gulat at galit sa mukha niya.
"R-roux.." halos pabulong na utas niya, tulala sa isang pamilyar na pigura sa harapan namin.
Umawang ang labi ko na sinundan iyon ng paningin. Kitang kita ko rin kung paano natigilan ang Papa nila Ramm at Astraea.
"Fifi.."
Sa dalawang pangalan na ibinanggit nila, unti unti ay nakabuo ako ng konkulsiyon sa utak ko.
Ang naudlot na pagmamahalan ng dalawa ang siyang nag uwi sa pagkasira ng relasiyon namin ni Ramm.
Pinaghigantihan lang ba ako?
***
Kilala niyo ba sila? lol. Nasa unang series ng Epistolary ko 'yon. And yes, second generation ito. Surprise!