Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakayakap ni Ramm sa akin matapos naming mag usap tungkol sa mga nangyari noon.
Mabigat pa din sa loob ko, pero siyempre nabawasan na dahil sa mga panibagong nalaman.
Napapikit ako nang muling isiniksik ni Ramm ang sarili niya sa leeg ko. Ramdam ko ang pamamasa no'n, siguro'y dahil sa hilam na luha sa mga mata nito.
"Bakit niya ginawa 'yon?" kahit nanggigigil sa galit, nagawa ko pa rin na itanong 'yon.
Kahit pa sabihin na matagal na ang pangyayaring 'yon, masyadong malaking bagay para sa akin 'yon, kaya para sa akin ay hindi dapat 'yon basta bastang kinakalimutan!
"Divine likes me. Pinapauwi niya ako sa Manila noon pero ayaw ko pa, kaya ginamit niya sina Judge para tawagin ako, at sabihin na kailangan ako doon kahit na hindi naman talaga.." huminga siya ng malalim, pilit ikinakalma ang sarili.
Kusang ipinalibot ko ang magkabilang kamay sa buong katawan niya, tanda na ibinibigay at isinusuko ko na ang sarili sa kaniya.
"She used my phone because she said she lost hers, that's why I let her borrowed it for awhile. Pagkatapos kong makipag usap kay Judge, umalis ako kaagad.. Huli na nang maalala ko na nasa kanya nga pala 'yong cellphone ko.." halos pabulong niyang sinabi ang huling salita, animo'y hiyang hiya sa kagaguhan niya.
"Napakababaw.." bigong usal ko.
Humikbi siya. "I-i know, I'm sorry.."
Umiling ako. "May picture 'yon Ramm. Inupload no'ng tanginang Divine na 'yon.."
Halos mapairap siya sa ere. "That's one of our old photos.."
Matalim ko siyang tinitigan, tinantya ang reaksyon niya. "Nasaan na si Divine?"
Umiwas siya ng tingin at ipinagkibit balikat na lamang 'yon. "Secret, baka magalit ka."
"Pinatay mo ba?" ngumisi ako.
"Hindi naman," umangat ang gilid ng labi niya.
Tumaas ang kilay ko. "Eh si Whiskey?"
Pigil ko ang sarili na matawa nang malukot ang mukha niya. "Let's go inside, ayoko na pala makipag usap sa'yo.. Pagod na ako." aniya at dire-diretsong pumasok sa bahay namin, iniwan akong mag isa sa bakuran.
"Hoy gago ka! May pa tequila, wine, whiskey and rum ka pang nalalaman!" natatawang sigaw ko.
Huminto siya para harapin ako, hindi na natanggal ang ngisi sa labi naming dalawa. "Ano na ang sagot mo doon?"
"Of course, Rumm!" I smirked, making him chuckle.
***
AAHHH THANKYOU HAHAHAHAHAHAHA TAPOS NA NEXT TIME NA LANG SC02 HUHU. SORRY KUNG MAY NA DISSAPOINT, SANA BET NYO PA DIN HUHU LABYU ALL THANKYOU SO MUCHYY!!!
TINATAMAD AKO MAG AN ETO NA LANG AATTACH KO DITO HEHE qeelllllyyyyy sana nagustuhan mooo!!😭💘HAPPY 1.31K READS!!!