Continuation...
Siya nga pala, gusto ko lamang mag pasalamat sa inyo, dahil sa kabila ng mga nangyari ay nandito pa rin kayong dalawa. Nagalit ako't umalis ng wala man lang paalam, pero ngayong bumalik kayo ay walang pag aatubiling tinanggap niyo pa rin ako.
Naalala ko pa noong nakabasa ako ng sunod sunod na mensahe galing sa mga naging kaklase at kaibigan ko noon. Ilang beses nilang ipinamukha doon sa message na 'yon na nakakahiya at nakakadiri dahil naging kaibigan nila ako.
Pero ngayon, heto kayo. Parang wala man lang nangyari dahil ni hindi man lang kayo nagalit sa akin. Especially you, Astraea. Sa ating lahat, masasabi ko na ikaw ang pinaka medyo seryoso at matino kaysa sa amin ni Aphrodite. Kumbaga neutral lang at ikaw ang siyang magsisilbing gitnang bagay upang maging Balance ang pagkakaibigan natin.
First, I wanted to apologize. Sa'yo ko ibinunton ang galit ko sa Kuya mo. Pakiramdam ko ay pinagkaisahan ako at kasama ka sa mga nantraydor sa akin. Dagdag pa na nalaman ko na Ang Papa niyo ang siyang dahilan kung bakit nasaktan ang Mama ko noong kabataan nila. Wala na pareho ang Mama niyo at Papa ko, pero kahit na ganoon ay hindi pa din ako sang ayon sa na magbalikan pang muli ang Papa niyo at si Mama.
Bukod pa syempre sa gusto ko si Ramm.
Noon pala 'yon😐
Sa'yo naman Aphrodite, wala akong masabi. Siguro kasi matapos nang nangyaring 'yon ay ikaw lamang ang tanging nanatili para sa akin. Though, si Astraea rin pala kaso hindi naman ako nakakausap dahil ayaw ko siyang kausapin.
Salamat sa pananatili, sa walang sawang pagpapasensya, paghihintay, at pagtitiwala. Hindi ko alam kung papaano ako babangon muli noon, dahil maski si Mama ay galit na galit sa akin dahil sa ginawa ko. Wala akong malalapitan, wala akong mahihingian ng tulong pero ayon kayo, kusang lumapit sa akin sa kabila ng lahat ng nangyayari no'ng panahong iyon.
Hindi kayo nag dalawang isip na samahan at puntahan ako, kahit na halos lahat ay pinandidirihan na ako. Ni hindi kayo lumayo sa tabi ko, at ako pa mismo ang siyang nagtulak sa inyo palayo.
Patawad at Salamat.
Iyon lamang ang sa ngayon na magagawa ko. Siguro, pag dating ng panahon, sana.. Ako naman ang siyang walang hanggan na tutulong sa inyo.
Sana mapatawad niyo pa ako't tuluyan muling buksan at ipagpatuloy ang nahinto nating pagkakaibigan.
Namiss ko kayo, please add niyo na ako ulit sa gc kung buhay pa😪🤞
***
hello, galit pa din ba kayo sa ginawa ni psyche? huhuhu takot ako sa previous chap :(( feeling ko walang kaparehong mindset si psyche, baka mabash ako kalerki.