Hindi na ako nag atubiling mag ayos pa—Charot, syempre nag ayos ako. Duh, ipapamukha ko sa Ex ko kung ano at sino ang ginago niya.
Mabuti na lang tulog na si Mader Nature nang makababa ako sa sala. Pag bukas ko ng pintuan ay siyang pag bungad sa akin ni Ramm na umawang ang labi sa gulat.
"P-pasok.."
"Saan?"
Nalaglag ang panga ko sa tanong niya. Tanga ba siya? Napansin niya siguro ang reaksiyon ko kaya't napakurapkurap siya sa kaba.
"J-joke only.." ngumisi pa siya na parang aso.
Umikot ang mga mata ko sa ere. "Tigilan mo ako at baka kahit Abogado ka, ako magpapakulong sa'yo—"
"I'm not a lawyer anymore," pag puputol niya sa sinabi ko nang tuluyan nang makapasok sa sala ng bahay.
Alam ko na iyon dahil nalaman ko na kay Aphro fucking Dite. Pero hindi ko pa rin maiwasang magulat.
Paano nangyari iyon?
Napalunok si Ramm, seyosong nakatingin na sa mga mata ko. "I didn't even get a chance to be a Prosec—"
"At papaanong nangyari 'yon?" hindi ko na nakayanan pa't kaya iyon na ang itinanong ko.
Binasa niya ang labi habang bahagyang ikinikibot kibot iyon. Naging malikot ang mga mata niya, tila'y iniiwasan ang mapanuring titig ko.
"Ano ang dahilan Ramm?" matigas kong tanong.
Pinasadahan niya ng daliri ang buhok, tumitingala habang mariin na ipinipikit ang mga mata, animo'y nahihirapan na ipagtapat sa akin ang dahilan.
Sa ilang segundong paghahanda sa sarili, huminga siya ng malalim at muling sinalubong ang tingin ko. Unti unti ay nabasa ko ang panlulumo sa emosyon nito.
"I-i manipulated everything by using my my t-title.." he bit his lower lip when tears escaped from his eyes. "I sent them to jail baby, I put all of them behind bars.."