KABANATA 2
ATARAH
I clicked the pause sign on the remote control and then the movie I was watching paused. Tinignan ko ang orasan sa pader na kaharap ko. Maghahating-gabi na ngunit hindi pa rin dumarating si mama. Paano na 'to? Kapag hindi dumating si mama ay baka hindi na ako makasama bukas.
"Oh, bakit hindi ka pa natutulog? It's past your bedtime na. What are you doing here?" Tanong ni kuya. May hawak itong baso na sa hinala ko'y isang kape na naman dahil sa matapang na amoy nito. Huminto siya sa aking harapan kung kaya't napatingala ako. "Wala kuya. Hinihintay ko lang si mama." Sabay ngiti ko sa kaniya.
"Bakit? May kailangan ka sa kaniya?"
"Kuya naman," simangot ko. "Wala ah. Hindi ba puwedeng gusto ko lang hintayin si mama?"
"Hmm okay." Tumango-tango ito. "Sige, diretso tulog pagdating ni mama ha. Walang cellphone cellphone, okay? Bukas mo na rin ipagpatuloy iyang pinapanood mo." Bilin nito na tinanguan ko. Yumuko siya at saka ako hinalikan sa noo. Pagkatapos no'n ay saka siya umalis paakyat.
Bumuntong hininga ako pagkaalis ni kuya. Kilalang-kilala niya talaga ako. Hindi ko kasi ugaling hintayin si mama kapag ganitong gabi na. Ganitong oras ay natutulog na ako dahil kay kuya. Alam din ni kuya na may gusto akong hingiin kapagka ganitong gabi't hinihintay ko pa rin na dumating si mama. May pagkastrikto si kuya sa akin pero hindi naman ganoon kasobra.
Patapos na ang palabas na pinapanood ko nang sa wakas ay dumating si mama. "Mama!" Patakbo kong dinaluhan si mama nang mahigpit na yakap saka siya hinalikan sa magkabilang pisngi. "Good evening, mama."
"Good evening, 'nak. Bakit hindi ka pa tulog?" Tanong niya. Naglakad siya papuntang kusina at saka niya nilagay ang dalang isang plastic bag ng mga gulay na pinamili niya sa itaas ng table.
"Wala po. Hinihintay kitang makauwi."
Isa-isa niyang inayos ang kaniyang mga pinamili sa refrigerator. "I know you, Atarah. Now spill it," banayad na saad ni mama habang itinutuloy ang kaniyang ginagawa.
I can't stop but to fidget my hands. "Mama ano kasi... gusto akong isama nina Salie sa outing." Kapag ganitong sitwasyon ay ang pinakamatino sa miyembro ang kailangang banggitin.
Tumango ito. "Uhum, kayo na namang pito?"
Mahinhin akong humagikhik. "Opo."
"Saan ninyo balak pumunta?"
"Sa Hara Island daw, mama."
Napakunot ang noo nito. "At saan 'yan?"
"Uhm...." Tumalbog nang malakas ang puso ko sa kaba. No, gusto kong sumama. Hindi puwedeng wala ako. Ano ba naman kasi. Hindi ko rin alam kung saan iyon, e. May pakiramdam na ako sa magiging desisyon ni mama.
"Hindi mo alam?" Nag-aalinlangan akong napatango. "Ano nga iyong pinakaayaw ko?"
Hindi ko na napigilan ang sumimangot. "Ang pumunta sa lugar na hindi ko alam," nakatungong tugon ko.
"Alam mo naman pala. Siguro alam mo na rin ang sagot ko?" seryoso nitong wika.
Lumapit ako rito at saka kumapit sa kaniyang kaliwang braso. "Mama, sige na. Hindi naman palagi 'to, e. Si Mira, alam niya ang lugar na iyon. Siya iyong nagsabi na roon daw kami pupunta. Sige na mama please." Nagpapa-cute na ako sa kaniya para lamang payagan niya akong gumala at sana nama'y gumana ang ginagawa kong ito. Akala ko'y hindi gagana ang ginawa ko ngunit halos lumabas sa tuwa ang aking puso nang ngumiti si mama. This is a sign! Pinanggigilan nito ang aking magkabilang mukha. "Ikaw talagang bata ka."
"Hihi." I pouted. I intentionally looked more cute para mas lalong lumaki ang tyansa kong payagan ako ni mama.
She sighed. "Pinapayagan na kita. Pasalamat ka at sinabi mong alam ni Mira ang lugar na iyon. Ilang araw ba?"
BINABASA MO ANG
Atarah's Metamorphosis [UNDER REVISION]
ParanormalC O M P L E T E D Are you willing to lose yourself in exchange for a trip? Genre: Paranormal | Horror | Romance Started: August 7, 2020 Ended: September 3, 2020 ©️ to Byum Yuu for my book cover💞 Atarah's Metamorphosis. Copyright ©️ introvertedmiss...