Kabanata 10☠︎︎

165 11 0
                                    

KABANATA 10

ATARAH

Naaalala ko pa no'ng time na nagbakasyon kaming pamilya sa isang private resort na pagmamay-ari ng kakilala ni papa. Bata pa ako no'n kaya malaking bahagi sa akin ang pagiging curious sa mga bagay-bagay. Mahilig din ako sa mga adventures.

Iniwan ko no'n sina mama at papa nang walang paalam. Si kuya naman ay busy sa pakikipaglaro sa mga batang kakikilala lang niya. Hindi naman ako maka-relate sa kung anumang nilalaro nila kaya hindi ko na rin sila inabala pa.

Nga pala bata pa lang ako nakakaranas na ako ng mga kababalaghan sa paligid ko katulad lamang ng palagi akong sinasaniban ng mga masasamang espiritu. Kung hindi ako nagkakamali nasa unang baytang ako nang mangyari ang pinakaunang karanasan ko rito. Sa mga oras na iyon sobrang banayad ng pagkakasabi ko ng mga salita ko ngunit iba ang dumarating sa kanila. Sabi ng kapitbahay namin sumigaw daw ako nang pagkalakas-lakas na siya raw ipinagtataka nila kasi raw hindi ako ganoon magsalita. Simula sa oras na iyon nagkasunod-sunod na ang mga kababalaghan sa buhay ko kaya wala akong choice kung hindi ang masanay.

So iyon nga dumating 'yong time na muntikan na akong mawala sa kanila.

Masayang-masaya ako no'n nang makadiskubre ako ng isang kuweba. Walang katao-tao sa paligid kaya pakiramdam ko ako ang unang nakadiskubre. Isang malaking achievement iyon para sa isang batang katulad ko sa edad na iyon. Nagtatalon pa nga akong pumasok. Maputik  nga lang lupa kaya ramdam na ramdam ko ang pagdikit nito sa aking mga paa.

Ngunit napagtanto kong hindi ako puwedeng lumayo sapagkat sobrang dilim ng kuweba at wala akong dalang puwedeng gamitin ko pang-ilaw.

Hindi ko napansin ang oras dahil sa paglalaro ko roon. Hindi ko rin alam kung paanong nakabalik ako kina mama. Ang alam ko lang ay pinapalo na ako ni mama dahil hindi niya raw alam kung saan-saan daw ako nagpupunta. Ngunit hindi ko iyon ininda sapagkat sobrang bigat ng pakiramdam ko. Ang sakit ng ulo ko na para ba itong binibiyak kaya hindi ko napigilang sumigaw. Ang init din ng aking mga mata pati na rin ang ibang parte ng aking katawan.

Hindi ko na mabatid ang aking ginagawa subalit ilang sandali ay hawak-hawak na ako ni papa at para bang nahihirapan siyang pigilan ako.

Tumahan din ako pagkaraan ng ilang oras. Saka kami umuwi pagkatapos ng pangyayaring iyon. Akala nga nina mama wala lang iyon. Subalit huwag na huwag kang pagpapalinlang sa isang masamang espiritu.

Isang hapon kung saan nagpapahinga sina mama at papa sa kanilang kuwarto pati na rin si kuya ay natutulog nang bigla kong maisipang pumunta sa kusina. Hindi ko alam ngunit nakuha ng aking pansin ang kutsilyo na nakalagay sa taas ng mesa. Para itong inaakit ako. Kinuha ko ito at pinaglaruan. Hindi ko matandaan ang sumunod na pangyayari. Naramdaman ko na lang ang matalim na nakatarak sa aking dibdib. Kitang-kita ko ang paglabas ng sariwang dugo mula sa aking katawan saka ako nawalan ng malay.

The doctor did their best, but also stated that it was a great miracle that I was saved. Sa lalim daw nito'y nahirapan sila at malaki ang pagkakataon na hindi ako maisalba. Sabi naman ng mga albularyo ay marami raw ang sumanib sa akin. Isa na raw doon ang dalagang nagpakamatay.

Ang dami ko talagang pinagdaanan, no? Kaya ganito sa akin si kuya dahil sa nakaraan namin. I bet he was traumatized by the situation.

Kinabukasan, nagpaalam ang mga kaibigan ko na uuwi na sila baka raw kasi hinahanap na sila sa kani-kanilang bahay. Hinatid sila nina mama at papa sa labas. Himala at umuwi si papa ngayon. Marami kasi siyang trabaho kaya hindi siya nakakauwi palagi. Nalaman din ni papa ang nangyari sa amin ngunit hindi naman ako nito pinagalitan. Pinagsabihan lang, oo.

Lumipas ang ilang linggo at balik na naman ulit kami sa pagkaburyo sa bahay. Ibinabaling ko na lang ang pagkaburyo sa pagtulong kay mama sa mga gawain sa bahay at saka sa pagtulong kay kuya sa trabaho nito. Minsan nakaka-video call ko sila Eve, Mira, Martin, at saka ng iba pa ngunit hindi nga lang palagian.

I busied myself with stuffs, but sometimes I felt like something is wrong with me and that someone is watching me.

Sinarado ko nang mabuti ang pintuan 'tsaka nagtalukbong ng kumot. Napahinga ako nang malalim. Hindi naman talaga ako ganito kamatatakutin pero wala kasi akong kasama ngayong gabi. Hindi ko alam kung anong oras babalik si kuya. Si mama naman ginabihan sa labas kaya naisipan na lang nitong makituloy muna kay tita ng isang gabi lang. Sa malayo kasi siya pumunta. Tapos si papa naman balik ulit sa pagtatrabaho.

Gustong-gusto kong makatulog ngunit ayaw ng diwa ko. Ang dami kong what ifs. What if may tumabi sa 'kin habang natutulog ako o 'di kaya ay hawakan ang mga paa ko o 'di kaya ay panoorin ako habang natutulog. Tapos paggising ko nasa harapan ko siya at magkaka-eyes to eyes contact kami katulad ng nangyari sa akin doon sa isla. Waahh! Putek na yan!

Sa tinagal-tagal ng pananakot ko sa sarili ko ay nakatulog din siguro ako. Hindi ko nga lang napansin kung anong oras iyon.

Hmm nasaan kaya ako? Bakit parang sobrang dilim naman? Inikot-ikot ko ang sarili habang nakatingin sa paligid ko. Napahinto ako sa pag-iikot nang may makita akong pamilyar sa akin. Isang napakagandang mansion na pinapaligiran ng mga bulaklak. Animo''y nasa isang mala-magic world ako. Iyong mga napapanood ko sa movies na fantasies. Ano ba 'yan kaya siguro familiar sa 'kin kasi nga marahil ay mula sa napanood ko. Napakamot ako sa aking leeg at napapailing na lang. Kakapanood ko 'to.

Dahan-dahan ang mga yapak akong pumasok sa mansion. Lalo akong napanganga dahil sa sobrang ganda nito sa loob. Napatingin ako sa aking mga paa naniniguradong wala itong duming maiiwan. Kasi nga naman sobrang linis ng tiles kung tignan saka nakakatakot marumihan. I feel like mahilig sa ancient times or renaissance na style ang may ari ng bahay na ito. Or baka lang makasinaunang tao lang talaga sila. Hays parang naaakit tuloy ako manirahan dito. Puwede kayang makitira? Kahit isang mutsatsa siguro tatanggapin ko.

Dala ng kuryusidad ay lumapit ako sa mga nakapatong sa dingding na naglalakihang mga painting. My eyes specially caught a glimpse of a woman whose beauty can make everyone in awe. That small perfectly shaped face that goes well with its paleness and those rosy colored lips. She was wearing a long white dress and was as if dancing with the wind. Her smile reminds me of someone.

Kahit sino siguro magkakagusto sa kaniya, no?

Nakakatakot siguro ang maglaro rito. Kahit saan ka tumingin mamahaling gamit ang sasalubong sa 'yo. Mula sa labas pa lang nagsusumigaw na talaga ito ng karangyaan.

Napakislot ako sa gulat nang may marinig akong yapak. Shit! Bumaling ako sa pinanggalingan ng huning iyon. Sumalubong sa aking paningin ang babaeng nasa painting. Para itong lumabas mula roon dahil sa ayos nito ay katulad na katulad lamang ng suot niya sa painting.

Namalayan ko ang sarili kong sinusundan siya papunta sa dagat. Sobrang hinhin ng paglalakad nito na para bang pakiramdam mo ay sumasayaw siya habang pinapanood mo siya. Huminto ako nang huminto siya sa tabi ng dagat. Nasa likuran niya ako kaya hindi ko malaman kung anong ginagawa niya.

Pagkaraan ng ilang segundo'y dahan-dahan siyang humarap sa 'kin. Tumingin siya sa aking mga mata at saka ito ngumiti. "Putangina!" Malutong kong saad nang mapagtanto kung sino ang sinusundan ko. Mas lalong nanindig ang aking balahibo nang mag-iba ang ayos niya, mula sa hindi makabasag pinggan hanggang sa mukhang makakabasag ng puso dahil sa nakakatakot nitong mukha. Kaya pala pamilyar kasi siya iyon! 

Banayad itong lumalapit sa akin na siyang hindi ko nagustuhan. Binabawi ko na putek!

"Aaahhh!" palahaw ko.

Atarah's Metamorphosis [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon