Kabanata 6☠︎︎

207 11 3
                                    

KABANATA 6

ATARAH

Sa nagdaang dalawang araw ay panay ang panaginip ko nang masasama. Pare-parehong lahat malalala ngunit ngayo'y kaya ko na ang gisingin ang sarili kapag nasa bingit na ng kamatayan, sa loob nga lang ng panaginip ko.

Naninindig pa rin ang balahibo ko kapag nakikita ko ang mga taong iyon sa labas. Bigla ko na lang naaalala ang napanaginipan ko kapag nakikita ko sila. Subalit parang hangin naman kami sa kanila hindi katulad ng nasa panaginip ko.

Medyo naging matiwasay naman ang pananatili namin dito sa mga nagdaang araw. Ngunit para lang iyon sa mga kaibigan ko. I don't know, may hindi ako maipaliwanag na pakiramdam ko. Pakiramdam ko may nakasunod sa akin palagi ngunit katulad naman ng dati hindi ko pa rin ito mahanap-hanap.

Napatingin ako kina Chris, Mira, Salie, at Nash na kadarating lang. Kung saan-saan na naman ito nakapunta. Pakana lahat ng iyan ni Chris. I am very sure na kinaladkad niya ang mga iyan para lang may kasama siyang maglakwatsa.

Dumating din sina Martin at Eve galing sa ibang direksiyon.

"Magkasama kayo?" tanong ni Mira kina Martin at Eve.

Umiling si Eve. "Hindi, nagkataon lang na nagkasabay kaming bumalik," sabi niya na tinanguan naman ni Martin.

"Ah, kaya pala. Kung nahanap ko lang kayo kanina edi nakasama rin kayo sa amin." Turo ni Chris sa dalawa na ikinailing ng mga nasa likod nito. Bumaling ito sa akin kasabay ng pagturo sa akin gamit ang hintuturo. "At ikaw."

"Oh ano naman?"

"Sumama ka sa sunod ha. Wala kang mapapala sa kauupo diyan," panenermon niya. Ako nama'y tinatangu-tanguan lang siya. Wala akong paki. "Mamaya babalik kami roon. May nakita kaming lumang mansion doon."

"Oh bakit hindi pa kayo pumasok doon kanina?" nagtataka kong tanong.

"Gusto ko lahat tayo papasok," nakangising sagot ni Chris.

"Paladesisyon ka rin e 'no?" sabat naman ni Eve.

Ngumiti ito nang pagkalaki-laki na para bang inaamin nitong totoo ang sinabi ni Eve. "At saka ginugutom na kami kaya napagdesisyunan naming bumalik muna."

Sumang-ayon naman ang lahat na kumain muna bago magpatuloy sa kung anumang balak ng isa't-isa na gawin. Hindi namin inakala na tanghalian na pala kung hindi lang sumakit ang tiyan ng lahat. Ang bilis nga naman ng araw. Ngayon na pala ang uwi namin, kaya alam kong hindi papayag na umuwi si Chris kung hindi niya mapuntahan ang lugar na iyon.

Pagkatapos kumain ay napagdesisyunan ko munang magpahinga sa tabi ng dagat. Ramdam na ramdam ko ang simoy ng hangin na humahalik sa aking balat. Naaaliw kong pinapanood ang bawat paglapit ng mumunting alon sa aking mga paa. Ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ang simoy ng hangin. This is what I call peace, simply loving the nature.

Nabalik lamang ako sa ulirat nang tawagin ako ni Mira. "Atarah halika na ikaw lang ang kulang."

Nagmadali akong lumapit dito dahil mukhang kami lang ang nahuhuli. 'Di naman halatang nagmamadali sila ano?

"Hoy, bilis na!" inip na sigaw Chris mula sa malayo.

Papalapit nang papalapit kami sa lugar na tinutukoy ni Chris. Isa siyang malaking bahay na animo''y bahay ng mararangya kung hindi lang niluma ng panahon. Napakaganda niyang tignan subalit hindi maipagkakaila ang nakakatakot nitong ambience. Nandoon na sa harapan ng malaking pintuan sina Chris, hinihintay lang kaming dalawa ni Mira.

Nagmadali naman kami sa paglalakad.

Pagdating namin ay doon lang binuksan ni Chris ang napakalaking pintuan. Unti-unti ang pagbukas nito at gumawa pa ito ng nakakarinding ingay. Pagbukas nito ay sumalubong sa amin ang napakalaking alikabok na siyang naging dahilan ng pag-ubo ng lahat.

"Ang baho naman." Saad ni Eve na siyang hindi ko rin maitatanggi.

"Let's go guys I can't wait to see what's inside here," said Chris. Kami namang mga babae ay sabay-sabay na nagkatinginan.

"Are you nuts?! There's no way in hell I'll go in there!" biglang sigaw ni Eve.

"Come on, don't be too kill joy, Eve."

"Sasama ka o maiiwan ka?" dagdag pa ni Nash.

Napasimangot naman si Eve at kulang na lang ay iiyak na ito. "Ang sama ninyo." Wala siyang nagawa at napapayag na lang. Ewan ko kapag si Nash ang kaharap ni Eve bigla na lang itong napapatahimik o 'di kaya'y si Nash lang ang kayang magpaamo o magpaiyak kay Eve.

Sabay-sabay kaming pumasok sa loob habang magkakahawak ang kamay nina Mira at Eve. Si Salie naman ay nakakapit sa aking kanang braso. Nangangamba man ay sumama na ako dahil ayaw kong maiwan at mas ayaw kong iwanan sila. What if nanatili ako sa labas habang kampanting naghihintay tapos hindi ko alam na may nangyayari pala sa kanila sa loob, 'di ba? Mas ayaw ko no'n.

Tumingin ako sa aking harapan. Nasa unahan namin si Chris na sobrang excited na kung makalakad ay aakalain mong nasa amusement park. Para bang hindi maalikabok ang nilalakaran nito kung makalundag. Kasunod naman nito ay si Nash na chill lang kung makalakad. Ngunit paminsa-minsan ay napapa-ubo dahil sa kakulitang pinaggagawa ng nasa unahan niya. Kasunod naman niya ay ang dalawang sina Mira at Eve na siyang matatakutin sa aming lahat. Kung makahawak ang mga ito sa isa't-isa ay para nang mababali ang mga kamay nila. Napapailing na lang ako. Well, I can't blame them. Takot din naman ako pero sanay na ako. Sa lahat ba naman ng kababalaghang naganap sa buhay ko ay hindi ako masasanay? Napatingin naman ako kay Salie na siyang nakakapit pa rin sa aking braso. Siya ang pinakatahimik sa aming lahat. Minsan isa rin siyang misteryoso sa akin dahil hindi siya palasalita, hindi siya nagkukuwento tungkol sa buhay niya. Bumaling naman ako kay Martin na siyang nasa kaliwa ko. Ngumiti siya sa akin ngunit hindi iyon ang pumukaw sa paningin ko. Napahinto ako sa paglalakad. Dumagundong ang puso ko sa pagtibok at pakiramdam ko ay uminit ang katawan ko mula sa baba hanggang sa taas. Hindi ko maaipaliwanag ang nararamdaman ko dahil sa naghalo-halo na ito. Para akong mawawalan ng ulirat dahil sa ngiti na iyon. At hindi nga ako nagkamali nang unti-unting bumigay ang talukap ng aking mga mata at ng aking katawan. Huli kong naaalala ay ang pagsalo sa akin ni Martin at ang nakakakilabot na ngiti ng babaeng nasa tabi niya.

Atarah's Metamorphosis [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon