Kabanata 11☠︎︎

163 9 1
                                    

KABANATA 11

ATARAH

Nagising ako dahil sa pagyugyog ng aking katawan. Pinilit kong buksan ang aking mga mata at nakita si kuya Amos sa aking harapan. Nag-aalala ang mukha itong nakatingin sa 'kin.

Hinahabol ko ang aking hininga at ramdam ko rin ang tagktak ng pawis sa aking mukha na siyang pinupunasan ngayon ni kuya gamit ang aking kumot. "You had a nightmare again."

I sighed. Buti na lang at panaginip lang iyon. Napabaling ako kay kuya at binigyan siya ng nagtatakang tingin. "Paano ka nakapasok dito?"

"Tingin mo wala akong susi?"

Mahina niya akong hinila papalapit sa kaniya saka niya pinatong ang ulo ko sa dibdib niya. Inilingkis ko naman ang mga kamay sa kaniyang baywang. Dahan-dahan niyang hinagod ang aking buhok.

"Napapadalas na ang mga bangungot mo ha."

"Kaya nga kuya e."

"Gusto mo pa'ng matulog o manood muna tayo ng movie para makalimutan mo ang bangungot mo?"

"Movie na lang kuya." Mas mabuti na siguro ito.

Sa mga ilang araw na lumipas ay ganoon pa rin ang nangyayari sa akin. Gigising ako mula sa bangungot at makikitang nasa tabi ko sina mama o 'di kaya ay si kuya o si papa. Tapos tatabihan nila ako hanggang sa makatulog ulit ako. Palagi na lang gano'n. Palagi na lang ang babaeng iyon ang dahilan ng mga bangungot ko. Ano ba'ng masamang nagawa ko sa kaniya at bakit niya ako ginaganito? Well hindi pa ba ako nasanay?

Sabi nila kapag mahina ka, maputi, sobrang buting bata, at iba pa ay lapitin ka ng alam niyo na 'yon mga espiritu. Iyong iba puwedeng nagandahan sa iyo kaya gusto ka nilang asawahin tapos may iba na gustong makipagkaibigan. May iba rin naman na gusto ka lang siraan, typical na masasamang espiritu.

Napabuntong-hininga ako, nandito na naman ako siguro sa panaginip ko. Kung hindi na lang kaya ako matulog, no? Hindi naman siguro ako mamamatay? Hayaan na nga.

Nakakapangilabot ang eksenang sumalubong sa aking paningin. Hindi ko kailanman napanaginipan ito. Hindi mo aakalain na hahawak ng malaking itak ang isang balingkinitang babae. Nagsisigawan at nagsisitakbuhan ang mga tao papalayo sa kaniya habang siya nama'y hinahabol sila. Natakot ako ng sobra nang may madapa sa kanila ngunit wala man lang tumulong at iniwan na lang ito. Pinagtataga ito ng babae at matapos matantong wala na itong buhay ay iniwan niya ito at naghabol ulit sa iba. Karumal-dumal ang sinapit ng mga tao sa isla. Nagmistulang pula ang kanina'y puting bestida ng babae.

Hindi ko kayang tingnan isa-isa sa kanila dahil pakiramdam ko'y maduduwal ako. Gusto kong tumakbo rin papalayo rito ngunit nanatili ang aking mga paa sa kinatatayuan ko. Para bang nawalan ng lakas ito na kumilos. Come on, ngayon pa ba?

Maya-maya'y nag-iba ang tagpuan. Nasa isla pa rin kami ngunit hindi katulad ng tagpuan kanina. Wala na ang mga nakahandusay na bangkay ng mga tao. Bumungad sa akin ang dami ng bilang ng mga taong nakatayo na mistulang may pinapalibutan. Nakiraan ako upang makita ko nang tuluyan kung ano ba'ng pinapanood nila. Ngunit hindi ko inaasahan ang nakikita ng dalawang mata ko ngayon. Gusot-gusot ang puting damit nito at pumapalahaw sa takot at disgusto. Nagsisigaw siya ng tulong ngunit wala man lang ni-isang nag-alok nito.

"Tulungan niyo! Ano tatayo lang kayo diyan?! Kailangan niya ng tulong! Putangina! Tulong!" Nagsisigaw ako sa harap ng mga taong iyon pero parang wala silang naririnig.

Napagtanto kong wala talagang sasagot sa 'kin dahil nasa panaginip lang ako. Pakiramdam ko'y isa ito sa mga nakaraan ng babae. K-kaya ba pinatay niya ang mga tao sa isla?

Napabalikwas ako ng bangon. Ramdam ko ang isa-isang pagtulo ng mga luha mula sa aking mata. Naawa ako sa sinapit ng babae. It is really true when they said that an evil is sometimes made by the people themselves. Hays maaawa rin ba ako sa sinapit ng mga tao gayong hindi man nila tinulungan ang babae? Sa dami nila puwede nila itong pigilan ngunit walang nangyari. They could have their reason, but I couldn't still understand that. Though the way the people died is way too brutal. Siguro sa mga oras na iyon ay punong-puno siya ng galit kaya niya iyon nagawa.

"Huwag kang maawa sa 'kin." Napakislot ako gawa ng pagbulong niya sa aking tainga. Nakakapanindig balahibo ang lamig ng kaniyang hininga na dumapo sa aking balat. "Pare-pareho naman kayong mga tao. You only seek for pleasure pagkatapos ay aalis na parang walang nangyari."

Napakunot ako sa noo. Oh, ano namang kinalaman ko roon?

"Umalis na lang kayo sa isla pagkatapos niyong magsaya? Paano naman ako? Hindi pa ako nagsasaya."

"K-kaya ka b-ba nandito?" nanginginig kong tanong. Sa tanang buhay ko ay hindi pa ako nakikipag-usap sa ganitong mga nilalang, ngayon lang.

"Well, yes and I want fun." Matatanggap ko pa ang pag-uusap namin kung hindi ganiyang nakakakilabot ang boses niya.

"Tanginamo bumalik ka sa isla kung saan ka nanggaling!"

Ngumisi siya. Maabilis ang galaw nitong nilapit ang mukha sa 'kin na siyang naging dahilan ng pagsigaw ko nang malakas. Ang walang hiya, pinaglalaruan siguro ako. "I asked for help but you just left."

"W-when?" iyak ko. Anong pinagsasabi niya? Wala akong matandaang humingi siya ng tulong 'tsaka paano naman?

Mabini nitong hinahagod ang aking buhok. Pakiramdam ko'y lahat ng balahibo ko ay nagsitaasan dahil sa ginawa niya. "G-get your hands off me." Kahit nanginginig ay kinaya kong patigasin ang boses ko. Sabi sa akin noon ni auntie ay minsan daw labanan ko rin sila, na huwag daw ako papaapi sa mga nilalang na katulad nila. Kasi patay na ang mga ito at wala silang magagawa sa akin.

Sinunod nito ang sinabi ko at humagikhik. "I like you," malambing niyang saad. Oh shit. I don't like that voice. Mas nakakatakot ang boses nito kapag ganitong pinipilit niyang maging malambing. Putek isa na namang bangungot 'to.

"I don't like you, bitch!" Umalis ka na lang please.

Mukhang nasagot ang panalangin ko nang mawala siya sa aking harapan. Hinihingal akong napasandal sa ulunan ng kama hawak-hawak ang dibdib. Aatakihin talaga ako sa puso dahil sa babaeng iyon.

Bumukas ang pinto at iniluwal no'n si kuya. "Did something happened?" he asked.

I just smiled at him weakly. Pinaparusahan ba ako? Ano namang kasalanan ko kasi. Nakakagago na. Maaawa na sana ako sa kaniya kung hindi niya lang ako ginaganito.

Atarah's Metamorphosis [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon