KABANATA 3
ATARAH
Isa-isa kaming nakaramdam ng pag-asa nang aming matanaw ang isang ruta papasok sa gubat. Tila itong tinakpan ng kalikasan dahil sa sobrang tataas at kakapal ng mga damo sa paligid nito. Napahinga kami nang maluwang habang marahan ang pagpasok ng sasakyan sa gubat na ito.
Hindi ko maipaliwanag ang aking kasalukuyang nararamdaman. Para bang may kakaiba sa islang ito. Nagsusumigaw ito ng kalungkutan habang inoobserbahan ko ang paligid. Walang katao-tao at tanging huni lang ng uwak at ng mga kuliglig ang naririnig sa bawat sulok. Ako lang ba ang nakakaramdam nito o guni-guni ko lang talaga. Siguro'y dahil ito sa sinabi ng ale kanina. Hindi ko pa rin makalimutan ang pagtindig ng mga balahibo ko sa kaniyang mga sinabi lalong-lalo na ang mga titig nito sa amin. Napapatanong na lang ako kung tama ba ang naging desisyon namin.
"Mira, hindi ba ikaw ang nag-suggest nito?" tanong sa kaniya ni Eve.
"Ahh oo, bakit?" sagot nito na para bang wala lang sa kaniya ang nangyayari.
"Siguro naman alam mo ang lugar na ito?" dagdag nitong tanong.
"Hindi." Inosenteng umiling-iling si Mira.
Biglang bumigat ang pagtibok ng puso ko dahil sa balitang narinig. Mabilisan akong napaharap kay Mira. "Anong hindi? You were the one who suggested it."
"Hindi ko nga alam. Noong nagbubunganga si Chris sa video call, bigla ko na lang nakita ang Hara Island sa searches ko so 'yon ang nabanggit ko," tugon nito.
I can't help but to feel disappointed. Akala ko pa naman ay kaya niya isinuhestiyon ang lugar na ito ay dahil sa alam niya ito o kaya nama'y familiar siya. Ano'ng silbi ng ilang oras naming paghahanap kung mahuhulog din naman sa wala? "Hindi mo talaga alam? Sabi ko pa naman kay mama ay alam mo ang lugar na ito."
Hindi ko mapigilan ang kaba ko. Biglang sumagi sa isipan ko ang paulit-ulit na paalala sa amin ni mama. "Kung ang tao nga hindi natin puwedeng husgahan kasi nga hindi natin alam ang kuwento nito, ganoon din dapat tayo sa mga lugar. May iba't-ibang kuwento ang bawat isa sa atin, bawat lugar, at bawat bagay. Mas mainam na ang maging maingat tayo sa lahat ng bagay, lalong-lalo na kung open ang portal mo sa kanila. Nakatingin siya sa akin habang sinasabi nito ang huling pangungusap. Ibang mga nilalang na hindi basta-basta nakikita ang tinutukoy ni mama na kung saan kilala bilang mga masasamang esperitu o minsa'y multo kung tawagin.
Hindi ko masisisi sina mama sa palagiang pagpapaalala sa akin nito. Nagsimula akong saniban ng iba't-ibang masasamang espiritu noong bata pa lamang ako. Noon, palagi akong dinadala nila mama at papa sa albularyo. Ngunit, ngayong malaki na ako'y medyo humihinto na. Siguro sobrang hina ko lang talaga noong bata pa ako kaya madali nila akong nasasaniban.
Napakislot ako nang may bigla akong naramdamang malaki at malamig na kamay sa braso ko. Sinundan ko ng tingin ang nagmamay-ari ng kamay na iyon saka ako napahawak sa dibdib kasabay ng pagbuntong-hininga ko. "Are you alright? You look pale." Martin worriedly asked me.
"I'm fine."
"But you look so pale. What should I do? Do you want us to go back?" That sounded so tempting to me but---
"Nandito na kasi tayo." Tumingin ako sa mga kasama namin na paunti-unting nilalabas ang mga gamit namin mula sa kotse. Ayaw kong maging sagabal sa kasayahan nila 'tsaka sa excitement na nararamdaman nila ngayon. For now, at least kahit may takot pa rin akong nararamdaman, nandito naman ang mga kaibigan ko sa tabi ko.
"Woah! Ang ganda!" Namamanghang wika ni Mira habang nakatingin sa tanawing nasa aming harapan. Sa kabila ng nakakatakot na aura ng isla pagpasok na pagpasok mo'y mayroon din naman palang nakabibighaning tanawin dito. Natagpuan ito kanina ni Salie nang hindi sinasadya. Sa labas ng kakahuyan sa gilid ng pinaghintuan namin ay makikita ang malaparaisong lugar. Napakaaliwalas na hangin ang iyong mararamdaman na sinabayan ng pinong puting buhangin at maaliwalas na tubig dagat. Mayroon ding malalaking bundok sa medyo may kalayuan pagkatapos ng dagat ang makikita na siyang dumadagdag sa kagandahan ng lugar. Wari ko'y napakaganda niyon na tingnan kapag dapit-hapon na.
"Let's check those houses there if they are still functional." Nash suggested while looking at the small houses meters away from us. He led the way habang kami naman ay nakasunod sa kaniya. Habang papalapit nang papalapit kami rito'y mas lalong lumilinaw sa akin ang kalagayan ng bawat bahay. Isa siyang bahay kubo na naluma ng panahon. Parang guguho na ang mga kahoy nito sa sobrang tanda nito. Puno rin ng bahay-alalawa at mga baging ang labas at loob ng kubo.
The boys checked each houses to see the most suitable place for us to stay. Mahirap kasi para talaga siyang guguho sa isang hawak lang. At hindi nga ako nagkamali nang dumaan sa paningin ko ang pagkaguho ng bahay na hinawakan ni Chris. Napaubo siya 'tsaka ito lumayo mula sa gumuhong bahay dahil sa sobrang alikabok na nilikha nito.
Ilang minuto nang paghahanap ay bumalik ang tatlo sa amin. "Wala akong nahanap," bigong saad ni Chris.
"Me too," dagdag din ni Nash.
Lahat naman kami napatingin kay Martin dahil siya lang ang hindi nakapagsalita at siya lang talaga ang pag-asa namin. Though okay din naman kung wala, mayroon din naman kaming dalang tent. Siguro? Ngumiti siya sa amin. "I actually found one though maalikabok siya."
"Mabuti na iyan kaysa sa wala," sabi ni Eve.
"'Tsaka kaya naman nating linisin iyan. 'Di ba keri mo na 'yan, Chris? Don't worry ibibigay na namin sa iyo ang privilege," biro ni Mira sa kaniya.
Kunot ang noong tumingin siya kay Mira. "Privilege ka diyan." At saka siya tinaasan ng kilay.
BINABASA MO ANG
Atarah's Metamorphosis [UNDER REVISION]
ParanormalC O M P L E T E D Are you willing to lose yourself in exchange for a trip? Genre: Paranormal | Horror | Romance Started: August 7, 2020 Ended: September 3, 2020 ©️ to Byum Yuu for my book cover💞 Atarah's Metamorphosis. Copyright ©️ introvertedmiss...