Kabanata 4☠︎︎

227 14 0
                                    

KABANATA 4

ATARAH

"Waahh!" Nasisiyahang sigaw nina Mira at Eve na naglalaro sa tubig. "Salie! Atarah! Hali na kayo! Ano pa'ng hinihintay ninyo? My gosh!"

Humagikhik ako sa tawa. Dahil nandito naman ako 'tsaka pakiramdam ko wala namang mangyayari--- Ah basta! I'll enjoy this vacation to the fullest! "Wait for me!" I run towards them as my white dress dances along with the breeze. "Salie! Lets go!" Hinawakan ko siya sa kamay 'tsaka ko siya hinatak.

"Hoy, ano 'yan ang sama dapat kasama ako!" Tumakbo rin si Chris papunta sa amin habang hinuhubad ang t-shirt niya. Pagkahubad nito'y itinapon niya sa kaniyang gilid sa may buhangin. "Wohoo!" Tumalon ito 'tsaka lumangoy papunta sa amin. Nagtatawanan kaming naghiwahiwalay at lumangoy naman papalayo kay Chris. "No!" Narinig kong sigaw ni Mira habang mawalan-walan na ito ng hininga dahil sa kalalangoy sinabayan pa ng pagtawa nito. "Chris wait lang naman oh! Pahingain mo muna ako!" Hinihingal nitong saad habang si Chris naman ay tinutukso siyang paunti-unti itong lumalapit sa kaniya. "Putik na yan Chris. H-hindi talaga ako ma-makahinga." Naalarma kaming lahat dahil sa unti-unti nang nanghina ang boses niya.

Nagmadali kaming lumangoy nina Eve at Salie para daluhan siya subalit nauna si Chris sa kaniya. Hinawakan niya ito sa magkabilang braso. "Mira, inhale. Exhale. Come on, do it." Chris instructed her hence she did as what she was told.

"What's happening there?" Nag-aalalang saad ni Nash. Naghubad din ito ng damit pantaas saka lumangoy papunta sa dako namin.

"Hmmm?" Tanong niya nang pagkaahon nito sa harapan namin.

"It's Chris fault," sisi ni Eve dito.

Sumimangot si Chris. "Sorry naman." Binalingan nito si Mira at saka ito tinanong, "Okay ka na ba?" Tumango naman si Mira.

"You have no choice Chris. Alalayan mo yan, kasalanan mo kasi," sabi sa kaniya ni Eve.

Napatango si Chris. "Of course, yes, kasalanan ko naman talaga. Let's go. Saan mo gustong lumangoy na banda?"

"Okay na ako sa banda rito."

"Okay." Hindi siya umalis sa tabi ni Mira at hanggang ngayon ay nakahawak pa rin siya sa kamay nito. Napahagikhik ako 'tsaka nagsimulang lumayo sa kanila.

"Gutom ka na ba?" dinig kong tanong ni Nash kay Eve. Hindi ko na narinig ang pinag-usapan nila sapagkat umahon na ako sa tubig. Nakita ko si Martin na busy sa paghahanda ng pagkain namin. "Martin." Pagkuha ko ng atensyon nito. "Need some help?" I asked.

He smiled at me. "Nothing but do you want to watch me? Like as I cook?"

"That's weird but yeah." Umupo ako sa buhangin sa tabi niya. I usually watch him cook. Sa aming magkakaibigan siya lang ang may hilig na magluto. Lucky us masarap din ang mga luto niya. He spoils us too much actually. Lahat ng gusto namin ibinibigay niya sa amin. Minsan kahit hindi namin kailangan, binibigay niya pa rin sa 'min.

"Wait." Inalis nito ang suot niyang jacket saka sa akin lumapit. He bended his knees and placed the jacket on my shoulders. "Thank you." I smiled. Kahit kailan talaga nakatataba ng puso itong lalaking 'to. He treats us all as his princesses, well except the boys. I can't help but to smirk.

"What are you thinking, Atarah?" he asked while he grins.

"Nothing. Hmm, kailan ba 'yan maluluto? Amoy masarap."

"Malamang masarap talaga iyan. Si Martin 'yan e." Kumindat si Chris kay Martin. Ako nama'y napapataas ng kilay habang nakatingin sa kamay ni Chris na nakaalalay pa rin sa braso ni Mira. Hindi ko mapigilan ang pagtaas ng isang bahagi ng labi ko. Nangingiti akong bumaling kay Martin na siya naman palang nakatingin din sa akin. Sinundan ko ng tingin ang kamay nito na itinuturo ang aking labi 'tsaka naman niya itinuro ang labi nito. Binigyan niya akong tingin na para bang nagtatanong kung anong mayro'n at bakit ako nangingiti rito. Ngunit nginitian ko na lang siya at umiling-iling.

Inalalayan ni Chris si Mira na maupo sa tabi ko at saka rin ito nagmamadaling nagpunta sa loob ng bahay kubo. Paglabas nito'y may hawak-hawak siyang isang tuwalya saka niya ito ibinigay kay Mira. I kind of ship the two of them. I have this feeling na mayroong something sa kanila simula noon pa pero sobrang secretive kasi nilang dalawa. They may be that very talkative pero minsan ang hirap nilang basahin. Chris is usually naughty but when he cares, he cares the most. Tapos ito namang si Mira kapag inaalagaan ni Chris bigla na lang tatahimik tapos mamumula ang mga pisngi, katulad ngayon.

Papalubog na ang mahal na araw nang matapos nang magluto si Martin. Tulong-tulong kaming lahat sa paghahanda. Sina Eve at Nash ang naghanap ng prutas para raw sa dessert namin. Sina Chris at Mira naman ang nagboluntaryong gagawa ng bonfire. Tapos kami naman ni Salie ang nakaatas na ayusin ang mesang pagkakainan namin.

Nahanda na namin ang lahat at saka nakabalik din sina Nash at Eve dala-dala ang iba't-ibang prutas na siyang karaniwang nakikita sa isang gubat katulad lamang ng saging, mangga, papaya, balimbing, at saka pinya na maliit. Hindi siya karamihan pero kasya na sa amin, siguro nga marami pa iyan. Napansin namin ang maliliit na gasgas sa kamay at braso ni Nash nang tuluyan silang makalapit sa amin. "Sino may dala sa atin ng ointment?" Tanong ni Eve.

Nagtinginan kaming lahat ngunit nanatiling tahimik. "Wala ako e." Bakit hindi ko naisipang magdala? For emergency purposes kumbaga.

Napabaling naman kami kay Martin nang magsalita ito. "Sa loob ng bag ko. Alam mo ba?" Tanong niya kay Eve. Tumango naman si Eve. "Yeah, I know." Saad nito saka pumasok sa loob ng bahay.

Nagsimula nang kumain ang lahat maliban kay Nash at kay Eve na ginagamot ang mga gasgas sa kamay ni Nash. "Nga pala Martin bakit andami mong dalang gamot sa bag mo? Muntik na akong malito kung anong kukunin ko sa dami nila." Tanong ni Eve na siyang tutok pa rin ang tingin sa braso ni Nash na kaniyang ginagamot.

"Oh, just." He shrugged his shoulders as he was busy peeling off a shrimp. After that he put it on my plate. Hindi puwedeng siya lang naman 'di ba? I also deboned the fish being careful since I cannot really see because of the domineering darkness. I'm afraid the fire does not really help for me to see clearly. After successfully removing the bones from the fish, I put it on his plate. "Thank you." I heard him say it. "You're very much welcome. Kanina mo pa kasi nilalagyan plato ko ng mga hipon e." Speaking of it, tiningnan ko ang plato ko at halos mapuno na nga ng mga hipon. Hindi ako makapaniwalang bumaling sa kaniya. "Really?"

"It's your favorite." He said like it was nothing. I just shook my head in disbelief.

Pagkatapos naming kumain, napagdesisyunan naming magpahinga na muna. Sumandal ako sa pader na gawa sa kahoy habang nakatingin sa taas. Huminga ako nang malalim at tila pinipilit na iproseso lahat ng nangyari ngayong araw. Mula sa muntik na naming pagkawala, doon sa sinabi ng aleng nakasalubong namin, ang paghahanap namin sa lugar na ito, ang mga realization ko today, lahat-lahat. Nakakapagod pala pero worth it naman ang pagod ko dahil sa gandang ipinapakita ng lugar. It's as if it's our destiny na talaga na makapunta rito from the beginning.

My thoughts carried me deep into my realization until I found myself sleeping soundly.

Atarah's Metamorphosis [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon