KABANATA 7
THIRD PERSON
"Ako na." Ang saad ni Martin kay Salie na nagpapahiwatig na siya na ang hahawak kay Atarah.
Inalis naman ni Salie ang pagkakahawak kay Atarah at ipinaubaya niya ito sa kaibigang lalaki. Binuhat ni Martin si Atarah gamit ang mga bisig nito. Napansin naman ng iba ang nangyayari sa kanilang likod at saka lumapit dito. "Ano'ng nangyari sa kaniya?" nag-aalalang tanong ni Nash."Ewan, bigla na lang siyang nahimatay," sagot ni Martin dito. "Babalik na lang muna kami sa kubo," pagpapaalam niya sa mga kaibigan.
"Hala sasama ako." Inalis ni Eve ang pagkakapit kay Mira at saka ito lumapit kay Martin. Isiniksik niya ang kaniyang maliliit na kamay sa braso ni Martin.
"Huy ano ba yan." Dismayang ani ni Chris ngunit wala siyang magagawa sa pagkahimatay ng kaniyang kaibigan. Pinanood niya kasama nina Nash, Salie, at Mira ang papalayong mga anino ng kanilang mga kaibigan.
Ngunit napahinto ang tatlo sa may pintuan at napasigaw si Eve sa gulat nang sa may paanan nila dumaan ang kidlat na hindi nila inaasahan. Ganoon din ang gulat ng mga kaibigan nilang nasa loob dahil nakita nila kung paanong muntik nang matamaan nito ang tatlo. Kumaripas ang apat ng takbo papalapit kina Martin. Hindi sila makapaniwala sa kanilang nasaksihan. Samantalang nawalan nang lakas si Eve, napabitaw ito sa pagkakahawak kay Martin at sumalampak ng upo sa sahig. Dinaluhan naman siya ni Nash. "Okay ka lang ba?" Takot na takot itong nakatingin kay Eve.
Hindi siya sinagot ni Eve at patuloy lamang sa pagtitig sa kawalan.
Umigting ang panga ni Nash sa galit. Galit siya sa kaniyang kaibigan sa pag-anyaya sa kanilang pumunta sa ganoong lugar at mas lalong nakakaramdam siya ng galit sa sarili. "Kaya mo ba'ng tumayo?"
Sinamaan siya ng tingin ni Eve. "Siraulo ka ba? Kita mo na ngang nakasalampak ako rito tapos magtatanong ka pa kung may lakas ako. Bobo." Basag ang boses na sagot niya rito at saka ito inirapan. Kasabay din niyon ang pagpatak ng luha mula sa kaniyang mga mata.
Guilt was written in the eyes of her friends. Alam nilang matatatakutin ang kanilang kaibigan ngunit ipinagpilitan nila ang lugar na iyon. "I'm sorry." Pagkasabi niyon ay binuhat ni Nash si Eve sa kaniyang mga bisig katulad lamang ng pagkakahawak ni Martin kay Atarah. Nagpaubaya na lang si Eve dahil sa wala na siyang lakas upang makipagbangayan pa sa kaibigang lalaki.
"Chris, you take care of Salie and Mira. Never take them out of your sight," Nash instructed. "Aalis tayo sa lugar na ito whether you like it or not."
Napakamot sa ulo si Chris at walang magawa dahil sa utos ni Nash. Gustuhin man niyang manatili roon ay wala naman siyang makakasama. He extended both of his arms in front her friends. "Kumapit kayo," saad nito sa dalawa. Sinunod naman siya nina Mira at Salie.
Habang papalabas ay lahat ay napapatingin sa makulimlim na langit sa taas nila. Isa-isang nagsipatakan ang ulan sa kanilang harapan kung kaya't wala silang pagpipilian kundi ang tumakbo.
Hinihingal ang mga ito nang dumating sila sa bahay na pansamantalang pinanatilihan nila. Basang-basa rin ang mga ito dahil sa lakas ng ulan.
Inilapat ni Martin si Atarah sa sahig at mabilisang kumuha ng tuwalya upang mapunasan ito. Ganoon din ang ginawa ni Nash ngunit inagaw ito ni Eve sa kaniya at siya na lamang nagpunas sa kaniyang sarili. Lumapit si Mira kay Martin at pinagsabihan itong siya na ang pupunas sa kaniyang kaibigan. Hindi naman umangal ang lalaki at ibinigay ang tuwalya kay Mira.
Gayon na lamang ang kanilang pagkabigo nang mapagtanto na hindi sila makakauwi dahil sa lakas ng ulan.
ATARAH
BINABASA MO ANG
Atarah's Metamorphosis [UNDER REVISION]
ParanormalC O M P L E T E D Are you willing to lose yourself in exchange for a trip? Genre: Paranormal | Horror | Romance Started: August 7, 2020 Ended: September 3, 2020 ©️ to Byum Yuu for my book cover💞 Atarah's Metamorphosis. Copyright ©️ introvertedmiss...