Kabanata 5☠︎︎

224 11 3
                                    

KABANATA 5

ATARAH

Naninindig ang mga balahibo at nagtatakang nakatingin ako sa mga kaibigan ko na siya ring katulad ko lamang ng reaksyon. Ang lahat ay nakatingin sa mga bahay na kahapon ay sobrang lumang tignan at halos hindi mapasukan dahil kunti na lang ay guguho na, ngunit ngayon hindi na. Sobrang linis nitong tignan na halos magmukhang bago lamang na kagagawa.

Halos magkadikit na ang aking mga kilay sa pagtataka. Like how come? In just a night and then violá? Tapos wala man lang kaming narinig na kahit anong huni ng pagpukpok ng mga martilyo? This is too questionable. And that's not the only questionable thing here. Ang kahapon na walang katao-tao, ngayon ay sobrang dami nang mga naglalakad na tao. Ang nakakapagtaka ay wala man lang pumapansin sa amin na para bang hindi kami nag-e-exist sa kanila. Kita ko pa nga ang pagwagayway ng mga kamay ni Chris sa harap ng babae ngunit wala man lang itong ginawa at tuloy-tuloy lang sa paglalakad.

Nakita ko ang pagsiksik ni Eve sa likuran ni Salie at mukhang natatakot na nga.

Isa-isa kaming nagsilapitan sa isa't-isa. "I don't like this feeling," said Eve.

"Me too," sang-ayon ni Mira sa kaniya.

"Itutuloy pa ba natin 'to?" tanong ni Salie.

"I can't think straight right now because they really creep the hell out of me. But maybe for now, let's stay here for awhile. Come to think of it wala naman silang ginagawang masama sa atin maliban lamang sa nakakakilabot silang tingnan," pangungumbinsi ni Nash. Mukha namang sang-ayon ang iba sa sinabi niya.

"I'm not in favor of this. Whatever happens my final say is I don't like here. Ano iyon tatakbo lang tayo kapag nasa panganib na tayo? Kapag hinahabol na nila tayo? Kapag may ginawa na sila? That's bullshit! May oras pa ba tayong tumakbo kapag nangyari na iyon?" pangatwiran ni Eve.

Lahat kami'y hindi makapaniwalang napatingin kay Chris nang marinig ang pagbungisngis nito. Kahit sa seryosong usapan ay nagagawa pa rin talaga nitong tumawa. "Nasubrahan ka yata ng panonood ng mga pelikula. Ano'ng title ba ng zombie movie yan?"

Tinitigan siya nang pagkasama-sama ni Eve. Kung nakakamatay man ang tingin ay hinala ko'y wala na sa harapan namin si Chris at namamahinga na sa itaas. "Fucker," malutong na saad nito kay Chris.

Napangiwi si Chris sa narinig. Dahan-dahan niyang pinalandas ang kaliwang kamay sa kaniyang tainga at minasahe ito na para bang sumasakit ito. "I will search that movie," sabi nito habang tumatango-tango.

Pumagitna sa kanila si Martin at astang pinaghihiwalay ang dalawa. "Enough of that."

"Whether you like it or not Eve you will stay here," said Nash with finality. Tumalikod ito sa amin ngunit nag-iwan pa ng sasabihin kay Eve. "Or if you want you go on your own. I don't care." Pagkasabi noon ay diretso na siyang naglakad papalayo sa amin.

Naiwang tulala si Eve dahil sa sinabi ni Nash sa kaniya. Hindi siguro ito makapaniwala na masasabi ito sa kaniya ni Nash kahit nga kami ay hindi makapaniwala. Hinawakan siya sa magkabilang braso ni Salie na siyang nasa gilid lang nito, inaalalayan siya. "Huwag mong dibdibin iyon Eve," ani Salie. Hinaplos-haplos naman ni Mira ang likod nito na parang pinapatahan siya. Mukha kasi itong maiiyak na nang tuluyan ngunit pinipigilan lang nito. "Oo nga alam mo namang pinaglihi iyon sa sama ng loob ng nanay niya, tsk," inis na dagdag ni Mira.

Dali-dali akong napalapit sa kinatatayuan nila nang makita kong isa-isahang nagsipatakan ang mga luha niya. Gamit ang malaking suot na puting t-shirt ay pinunasan ko ang mga luha niya. Lahat kami ay nagkatinginan nang pumalahaw ito nang iyak. Ngunit wala kaming nagawa kundi ang manatili sa tabi nito at hintaying mahimasmasan siya.

I caught Martin looking at me and signaling me that he will go together with Chris. I just nodded at him. Chris was still looking at us as they were walking and mouthed sorry. He looked worried at the same time guilty of what he had done earlier, mocking Eve.

Sa kabila nang pag-aalala ko kay Eve ay may iba akong nararamdaman. Hindi ko alam kung pagkabalisa ba ito o takot sa ano hindi ko talaga alam. Ngunit pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin. Tumingin ako sa tatlong kaibigan ko na siyang nasa harapan ko ngunit wala naman. Lahat ang atensyon ay kay Eve. Lumingon naman ako sa dalawang lalaki na umalis ngunit hindi naman sila nakatingin at patuloy pa rin sa paglalakad habang nakatalikod sa amin ganoon din si Nash na nasa malayo na mula sa amin. Ipinaikot ko ang tingin sa lahat ng taong nasa paligid naming ngunit wala akong mahuling nakatingin sa akin.

I shivered from the thought that someone is watching me and I can't even caught him or her.

Natagpuan ko ang sarili kong nagmumuni-muni sa gilid ng dagat habang pinaglalaruan ang damit ko na isinasayaw ng hangin kasama ng mumunting alon na pilit akong inaabot. Ganoon na lamang ang gulat ko nang biglang may kumalabit sa bandang kanang balikat ko. Hinarap ko ito ngunit wala akong nakita. Nagkibit-balikat na lang ako at ipinagpatuloy ang ginagawa dahil sa isiping baka ay may dumaan lang na bagay at tumama ito sa balikat ko. Subalit nagkamali ako. Isa-isang nagsipanindigan ang mga balahibo ko nang may dumaan sa magkabilang tainga ko na pagbulong ng pangalan ko. "Atarah," ang saad nito na may paghagikhik sa huli.

Dali-dali akong humarap ulit ngunit kung kanina ay wala akong nahagilap na nakatingin sa akin ngayon nama'y lahat na nakatingin sa akin. Ang mga taong kanina'y halos ituring kaming mga hangin ay ngayo'y kasalukuyang nakatingin sa akin. Ramdam na ramdam ko ang pagbilis ng pintig ng puso ko, para silang kabayong nagsisitakbuhan sa loob ko. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa sakit nito. Kulang na lang ay mahihimatay na ako sa sobrang takot nang biglang lahat sila'y kumunot ang noo, galit na nakatingin sa akin. Sabay na nagsigawang "Umalis na kayo!"

Napahiyaw ako sa gulat at takot. Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko.

"Atarah! Gising!"

"Hoy!"

"Ano'ng nangyayari diyan?"

"Nananaginip nang masama siguro."

"Hala bilis gising ninyo."

"Ginigising na nga, e."

"Could you please shut up?"

Unti-unti kong naidilat ang aking mga mata dahil na rin sa lakas ng pagyugyog nila sa akin. Ramdam ko ang paghabol ko ng aking hininga. Laking pasasalamat ko nang mapagtanto kong isang panaginip lang pala iyon kasi kung hindi hindi ko talaga alam ang gagawin ko sa oras na nakaharap ako sa ganoong sitwasyon.

Sabay-sabay na napahinga nang maluwag ang mga kaibigan ko sa aking harapan.

"Thank goodness, Atarah. You scared the hell out of us." Ang sabi ni Martin na parang nabawasan ang buhay sa sobrang pagkahaggard. Pagkatapos niyon ay napasalampak siya sa sahig.

"Ano'ng napanaginipan mo?" nag-aalalang tanong sa akin ni Salie.

Umiling ako. Wala akong lakas na magsalita ngayon at ayaw ko ring sabihin sa kanila ang tungkol sa panaginip ko. Panaginip lang iyon. Panaginip lang iyon. 'Yon ang paulit-ulit na lumalabas sa isip ko.

Atarah's Metamorphosis [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon